• • •
The days passes by quickly. Miyerkules na at halos wala mang pumasok sa mga guro namin every subject. Focus sila masyado sa event na magaganap. Pinaghahandaan nila iyon dahil usapang may mga bigating bisitang darating sa araw na 'yon.
Abala maging ang mga estudyanteng kasama sa magpe-perform sa Friday, pati na rin ang Student Council kaya madalas ay sina Kent at Sian ang kasama ko tuwing break.
Lunch break na namin at nakatambay pa rin kami sa huling subject room namin. Wala kaming balak kumain kaya naisipang tumambay muna rito.
"Ano ba iyan! Mukhang nakalimutan na tayo ng mga professor," busangot na sabi ni Sian. Tumigil siya sa pagsusulat ng kung anu-ano sa board. Padabog niyang binitawan ang marker at umupo sa sahig.
"Sinasabi mo diyan?" Tanong ni Kent na abala sa paglalaro sa phone niya.
"Simula kaninang pagpasok ko. Ni isang professor walang nagturo!"
Taka ko siyang binalingan. "Ayaw mo ba no'n? Nagagawa mo ang gusto mo," sabi ko.
Mas gusto ko nga iyong ganito. Lalo na't hindi ko nakikita ang professor na 'yon. Hindi ako nakaramdam ng stress sa mga nagdaang araw na wala siya.
"Gusto ko. Kaya lang tatlong araw ng ganito. Nakaka-boring," nakangusong sabi niya. Bigla iyon napalitan ng ngiti ng may maalala. "Tara!" Aya niya at tumayo.
"Saan naman?" Kunot-noong kong tanong.
"Akala ko ba ayaw mong bumaba?" Si Kent.
"Ang sabi ko lang, ayaw kong kumain! Wala akong sinabing ayaw kong bumaba! Imbento 'to!" Bahagya pang umirap.
Natatawa akong tumayo. "Saan ba? Sama ako. Wala rin naman akong magawa rito."
Ngumisi siya. "Manonood tayo ng practice sa game."
Kaagad akong sumang-ayon sa narinig. Mas mabuti na iyon kaysa tumunganga rito.
"Huh? Hindi ba bawal pumunta?" Tanong ni Kent.
"Hindi ah. Bakit naman bawal? Sino nagsabi?" Nagtatakang tanong niya.
"Wala pero nagp-practice sila kaya paniguradong bawal," sagot ni Kent.
"Ano ngayon kung nagp-practice? Kaya nga tayo pupunta para panoorin sila, pupunta ba tayo roon ng walang katao-tao?" Asar ng sabi Sian. Napangisi ako, nagpipigil ng tawa.
"Sian, maraming tao roon. Mga sumasayaw, teachers, student council," nawawalan ng pasensiyang sabi ni Kent.
"Oh tapos?" Lito paring tanong ni Sian.
Napatampal ng noo ang isa. "Sila Gian, Dale, President," mariing sabi niya, parang may gustong iparating sa kaniya.
Napakunot noo ako. Awkward niya akong nginitian ng makita.
"Alam ko. Kaya nga tayo pupunta diba? Panonoorin natin sila," sagot niya.
Umismid si Kent at saglit akong sinulyapan. Napatingin rin si Sian sa 'kin. Unti-unting nawala ang pagkalito sa hitsura niya.
"Oo nga ano?" Mahinang sabi niya.
Ako naman ang nalito ngayon. Anong problema nila? Ayaw nilang pumunta dahil naroon si Grant? Okay lang naman sa kanila dati kung nandiyan siya ah?
Umawang ang bibig ko ng may maisip. Tumingin ako kay Kent. "May gusto ka na ulit kay Grant?!"
Hindi siya agad nakasagot. Nagtatanong ang mata niya habang nakatingin sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020
Teen FictionHighest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng nakakarelasyon niya dahilan para patalsikin siya sa skwelahang kinabibilangan. Para magtanda at mailayo...