• • •
Gaya ng sinabi ni Sian, half day nga lang kami kinabukasan. Nag-room to room ang mga member ng Student Council para ipaalam sa 'min ang tungkol do'n. Nakalimutan ko na ang mismong rason pero batay sa naaalala ko, may kinalaman iyon sa Club signing bukas. Saglit lang nag-announce sila Grant at umalis din pagkatapos.
Saglit kong nakalimutan ang problema ko sa kaniya ng makita si Dale na nasa labas ng room namin.
"Tara," aya niya agad ng makita akong palapit sa kaniya, tatanungin ko sana kung bakit siya nandito.
"Ako ang hinihintay mo?" Gulat kong tanong. Tumango siya. "Saan naman?"
"Cafeteria. 'Di ba sinabi mo sa susunod na araw na lang kita ilibre? Hindi kita naabutan kahapon kaya ngayon na lang recess."
Natawa ako. Hindi ko akalaing seseryosohin niya 'yon. Sinabi ko lang naman sa kaniya na sa susunod na araw na lang para hindi na niya ako pilitin sa paglilibre niya.
"Nagbibiro lang ako nung sinabi ko iyon."
Bumusangot ang mukha niya. "Basta ililibre kita. Hindi kita titigilan hangga't hindi ko iyon nagagawa."
Napanguso ako. Parang gusto ko ang ideyang iyon. Sabihin ko kaya sa kaniyang wala akong balak kumain ngayon?
I chuckled. Nagsalubong ang kilay niya sa pagtataka. "Okay, sige. Ikaw ang bahala," pagsuko ko.
Umaliwalas ang mukha niya at inaya ako papuntang cafeteria.
"Ginawa mo ba ang sinabi ko?" Tanong ko sa kaniya sa kalagitnaan ng paglalakad namin.
Lito niya akong nilingon. "Ang alin?"
"'Yung tungkol sa papa mo."
"Ah. Hindi pa," maikli niyang sabi.
Nilingon ko siya. "Bakit naman?"
"Hindi ako makahanap ng tiyempo. Lagi naman kasi siyang wala sa bahay kaya baka matatagalan pa bago ko siya makausap," paliwanag niya habang pinupusod ang mahabang buhok.
"What about your stepmother? Nasa bahay lang ba siya?"
"Yes. Hindi na siya pinag-trabaho ni papa kaya sa bahay lang siya madalas. Bakit?"
I gave him a small smile. "Pwedeng siya na muna ang kausapin mo sa ngayon habang naghahanap ka nang tyempo sa papa mo."
Nakita ko agad ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ko. "Sabihin mo sa kaniya ang opinyon mo tungkol sa pakikitungo niya sa 'yo. Let her know what you feel about it."
Sumama ang timpla ko nang maalala si Grant. Ang g*gong iyon. Ang lakas ng loob mag-advice pero hindi naman ina-apply sa sarili. Hindi na nga ako kinakausap, iniiwasan pa ako!
I am totally convinced now that he's avoiding me. Sinubukan ko siyang tawagin kaninang umaga para sabihing sabay kami pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.
"I'll try," tanging sagot niya. Hindi ko na siya hinimok. It's still his choice if he'll do it or not.
Hinayaan ko siyang bumili ng makarating na kami sa cafeteria habang ako naman ang naghanap ng pwesto namin. Pinili ko ang madalas naming upuan nila Grant sa tuwing kumakain kami. Iilan lang ang kumakain dahil recess lang naman. Madalas tumatambay sila sa ibang lugar kapag ganitong oras, gaya namin. Pupunta lang kami dito para bumili ng snacks pagkatapos ay aalis din para tumambay sa ibang lugar.
"Wala 'yung mga kasama mo," pansin ni Dale ng makalapit. Umupo siya sa harapan ko.
"Salamat," sabi ko ng iabot sa 'kin ang pagkain. "Minsan lang kami manatili dito tuwing recess. Baka nasa mga bench sila, doon kami madalas magpalipas ng oras."
BINABASA MO ANG
Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020
Teen FictionHighest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng nakakarelasyon niya dahilan para patalsikin siya sa skwelahang kinabibilangan. Para magtanda at mailayo...