Chapter 29

179 11 0
                                    

• • •

"Bryll..."

Tinignan ko ang ngayon ay kakalapit pa lang na si Syd. Alam ko na agad ang sadya, araw araw na lang niya akong nilalapitan at pinakikiusapan.

"Hindi pa muna sa ngayon, Syd."

"Pero nagsisisi na siya," pagpupumilit niya. Tinignan ko lang siya at hindi nagsalita. "At hindi na rin maganda ang ginagawa niya. May kailangan kaming tapusin at gawin pero hindi namin masimulan dahil hindi siya makapag-pokus. Si Grant ang taga-plano namin kaya nahihirapan kami ngayong hindi siya ayos. Please lang, kung ano man iyang pinag-aawayan niyo ngayon, magbati na kayo. Naaapektuhan ang Student Council dahil diyan. Napapagalitan na rin kami sa mga professor."

Iyon lang at umalis na siya. Padabog kong binitawan ang kutsara't tinidor na hawak ko. Sa palagay ba niya ganoon lang kadali iyon? Gusto niyang magbati kami para lang umayos siya? Paano naman ako? Kakalimutan ko na lang ang ginawa ni Grant? Aakto na lang ako na parang wala lang?

"Ano na naman ba kasing pinag-awayan niyo? Ilang beses na siyang pinadala ni Grant para pakiusapan kang kausapin siya ah?" Kuryosong tanong ni Sian. "At bakit mo ba siya iniiwasan? Anong meron?"

Napabuga ako ng hangin at hinilot ang sentido ko. "Not now, Sian."

Tumayo ako at dinala ang plato ko malapit sa cashier. Tahimik akong naglakad palabas ng room at naglakad ng walang patutunguhan. Sinuot ko ang earphone ko para walang magtangkang kumausap sa 'kin.

Ilang araw na ang nagdaan pagkatapos ng nangyari sa labas ng bar. Napag-desisyon kong umiwas muna kay Grant para makapag-desisyon kung ano ba talaga ang gagawin ko. Ilang beses niya nang pinapunta si Syd sa 'kin para hikayatin akong kausapin siya. Si Grant mismo ang lumalapit noong una pero nang mapansin niya sigurong wala akong balak kausapin o lingunin siya, si Syd ang pinadala niya. Mahirap umiwas dahil napapadalas ang pagkikita namin dahil sa pesteng practice sa basketball. Tinutuloy pa rin niya ang panliligaw kuno niya kahit na madalas hindi ko siya pinapansin.

"Practice na naman!"

Tamad na sabi ni Kent habang naglalakad kaming dalawa papunta sa Gym para magpractice. Hindi sumama si Sian sa 'min para manuod- at masaya ako para do'n.

"Palagay ko pumayat na ako sa palagiang pagpa-practice natin," sabi niya habang sinusukat ang braso.

Nginisian ko siya. "Kawawa ka naman kung gano'n. Mas nadadagdagan ang abs ko dahil sa palagian nating practice," pagyayabang ko at tinapik ang tiyan ko.

"Buti ka pa, kung gano'n. May kilala kasi ako, pumayat din at mukhang nabagsakan ng napakaraming problema. Naging lasinggero rin nitong nakalipas na araw," naiiling niyang sabi. "Hindi ko sinasabing si Grant iyon ah. Pero pwede rin."

Tinignan ko siya ng masama. Tumawa lang siya at wala nang sinabi.

"Naglalasing?" Mahina kong tanong.

"Hindi mo alam? Naging drinking buddy na iyon ni Syd. Sinasama siya lagi ni Syd sa kahit saang bar siya magpunta."

"Pero hindi siya mahilig uminom. Bakit pa rin siya sinasama ni Syd?" Ang lakas ng loob ng kumag na iyon na sisihin ako ngayong siya naman ang nag-uudyok doon sa isa para maging lasinggero.

"People change. Nakabubuti man iyon o nakasasama, nagbabago ang tao. Don't expect someone to be just the same after so many years... or days," kibit balikat niyang sabi. "Kung ayaw mo siyang tuluyang magkagano'n, gumawa ka na nang paraan. Kausapin mo."

Iniiwasan ko nga tapos kakausapin ko pa? Tsk.

"Bryll..."

Gulat akong napatingin sa nagsalitang si Grant. Mukhang inabangan niya talaga ako sa entrance ng Gym.

Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon