• • •
You like someone?
Matalim na titig ang ipinukol ni Grant kay Sir Clydawn habang mabilis na naglalakad palapit sa 'min. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para lumayo kay Sir. Umayos siya sa pagkakatayo ng mapansin ang ginawa ko.
"Grant," nangingiting sabi niya. "What brought you here?"
Hindi siya sumagot kahit halatang may gusto siyang punahin. Nanatili ang nagbabanta niyang tingin kay sir. Nang lumingon sa 'kin ay medyo naging kalmado na.
"Let's get out of here," hinila niya ako palabas ng faculty.
Nilingon ko si Sir para sana magpaalam kahit paano pero hindi ko na nagawa dahil sa mabilis na lakad ni Grant. Binitawan niya ako ng nakalayo na kami sa faculty.
Humarap siya sa 'kin at humalukipkip. "Why are you with him?"
Naalala ko ang sinabi ni Sir Clydawn sa tanong niya. Siguro naman ay hindi siya seryoso, hindi ba? Marahil ay binibiro lang niya ako. Baka gumaganti siya dahil sa ginawa kong pamamahiya sa kaniya kanina (kahit na ba ako naman talaga ang napahiya).
"Bryll. I am talking to you," malamig na sabi niya. Nanatili ang talim sa mga mata.
"Inutusan niya ako," maikling sagot ko habang nag-iisip pa rin.
"Iyon lang ba? Anong pinag-usapan niyo kanina? May sinabi ba siya sa 'yo?" Tinignan ko siya sa mata.
Sasabihin ko ba? Sa palagay ko naman ay nagbibiro lang siya.
"Wala naman. Medyo pinagtripan lang ako," ginatungan ko iyon ng tawa. I don't want to take it seriously.
"Tara na," aya ko sa kaniya at nagsimulang maglakad.
Gusto kong baliwalain na iyon pero mukhang alam niya na iniiwasan ko ang tanong niya. Napabalik ako sa puwesto ko ng hilain niya ako. Nagtatanong ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin. Napakamot ako sa ulo ko. Paniguradong hindi ako titigilan nito hangga't hindi nakukuha ang gusto.
"Kasi pre, ang sabi niya sa 'kin kanina, he's going to hit on me raw," nakangiwing sabi ko.
Kinikilabutan ako takte.
"Pero siguro naman, nagbibiro lang siya. Ano sa palagay mo?" Sabi ko. "Medyo napagtaasan ko siya ng boses kanina kaya baka gumaganti lang?" Hindi siguradong dugtong ko.
Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. May kung ano sa mata niya na hindi ko maipaliwanag. Nakatingin siya sa malayo, waring nag-iisip.
"Huwag ka nang lalapit ulit sa kaniya," pinal na utos niya.
"Paano kapag inutusan ako? Hindi naman pwedeng hindi ako sumunod. Professor iyon, baka pa mapagalitan ako, Grant."
Iyon din sana ang plano ko pero parang hindi magandang gawin iyon lalo na at guro ko siya. At isa pa, parang tinanggap ko na rin na seryoso si Sir ng sinabi niya iyon. Sa palagay ko naman ay nagbibiro lang siya. Ayokong gawing big deal iyon.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. This time, sumunod na siya.
"Baka naman pinagt-tripan lang talaga ako. Bakit? Hindi ba straight si Sir?"
"Even so, avoid him. Kabilang siya sa mga kailangan mong iwasan," sabi niya, hindi direktang sinagot ang tanong ko.
"Hindi nga straight?!" Gulat na tanong ko. Inis niya akong binalingan. Mas lalo ko lang napagtanto na tama ang sinabi ko.
"So a-ano? Sa palagay mo ba seryoso siya o nagbibiro lang?" kinakabahang tanong ko.
"Huwag mo ng itanong. Iwasan mo nalang," inis na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020
Teen FictionHighest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng nakakarelasyon niya dahilan para patalsikin siya sa skwelahang kinabibilangan. Para magtanda at mailayo...