Chapter 12

156 13 0
                                    

• • •

"Sina Sian," turo ko kay Grant ng makarating kami sa Gym. "Pupuntahan ko na sila. Dumiretso ka na sa stage."

Tumango siya at naglakad na papuntang stage habang ako ay tinahak ang daan palapit kina Sian na komportableng nakaupo malapit sa harapan.

Kinalabit ko siya ng makalapit. Kaagad naman niyang inialok ang bakanteng upuan sa tabi niya. Inalis niya roon ang paa niya.

"Anong oras mag-uumpisa?" Tanong ko habang inililibot ang paningin.

"Malapit na. May hinihintay lang silang dumating."

Napansin ko ang dalawang lalaki- isang matanda at isang nasa middle age at isang middle age rin na babae na nakaupo sa pinakaunahan.

"Sila ba ang mga bisita?" Bulong ko kay Sian at pasimpleng itinuro ang nasa harapan.

"Oo, uh... Sila rin ang may ari ng school."

Mangha akong napatingin sa kaniya bago ibinalik ang paningin sa mga nasa harapan. Ang tagal ko ng nag aaral sa school ko noon pero hindi ko pa nakita ang nagmamay-ari ng school namin.

"Sino ba'ng hinihintay? Importante ba? Narito na ang mga may ari kaya dapat ng simulan diba?" Kuryosong tanong ko.

Hindi ako pinansin ni Sian. Tumawa si Kent sa tabi niya at siya na ang sumagot.

"Anak ng may ari ang hinihintay. Wala ng bago roon, lagi namang late kung dumating," nakangising sabi ni Kent habang nakatingin kay Sian.

Tumango nalang ako at naghintay na rin. Nililibot ko nalang muna ang paningin ko para hindi masyadong mainip. Natanaw ko pa sila Russel hindi kalayuan sa likuran namin. Nginitian ko siya at tinanguan ng maabutan ang tingin niya. Hindi ko sadyang mahagip ng tingin si Sir Clydawn na siyang naka-assign para sa music. Umiwas ako ng mapatingin siya malapit sa 'min.

"Oh, ayan na siya."

Napabaling ako kay Kent na siyang nagsalita. Nakatingin siya sa lalaking kakapasok palang ng Gym. Mukhang kilala nila siyang lahat dahil maging ang ibang estudyante at guro ay nakatingin na rin sa kaniya. Akala ko ay matanda na rin ang sinasabi ni Kent na anak ng may ari, bata pa pala. Sa tingin ko nga ay hindi nagkakalayo ang edad namin.

Wala siyang pakialam sa mga nakatingin sa kaniya at kaswal lang na naglalakad. Prente siyang umupo ng makarating sa pwestong katabi ng sa palagay kong ama niya, nakita ko pa ang pag iling no'n.

Inumpisahan na rin ni Grant ang pagsasalita ng makitang kumpleto na ang lahat. Sandaling batian ang nangyari at nagdasal bilang panimula para sa event. Hanggang sa lumabas na ang mga estudyante para sa opening performance. Nagpalakpakan kami sa sobrang kagalakan ng mag umpisa ang kanta, tumigil rin ng magsimula na silang sumayaw. Hindi ko na naalis ang tingin ko kay Dale ng magkaroon siya ng solo performance. Mukhang siya ang ginawang highlight sa performance nila. Maging sa ibang sayaw ay may mga solo rin siya.

Pumapalakpak ako sa tuwing natatapos ang bawat sayaw nila. Wala akong nakitang nagkamali sa kanila pero kung meron man, ang galing nila sa pagtatago.

"Let's now proceed for the individual performance of every students for the Dance Contest."

Napahiyaw ang mga estudyante sa in-announce ni Syd na siyang partner ni Grant.

"Before that. Let's give our respected professors a round of applause. They are assigned to choose the best, from the best performance."

Inilahad niya ang mga ibang professor namin na nakaupo malapit sa stage. Mukhang sila ang mamimili kung sinong mananalo.

"Kahit makuha lang ni Gian ang second place. May prize pa rin daw iyon, e. Papalibre ako." Si Kent.

Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon