• • •
"Anong sinasabi nung Russel sa 'yo kanina?" Bungad ni Grant nang makababa galing stage, kakatapos palang ng practice nila. "Hindi kita mapuntahan dahil bawal akong umalis. Is he bothering you?"
Russel?
"Oh! Now I remember! Russel nga pala pangalan no'n, ano?" Masayang sabi ko. Sa wakas ay nalaman na ang pangalan. Mabuti nalang at hindi napansin iyon kanina habang nag-uusap kami. Masyadong nakakahiya 'yon sa parte ko.
Nilingon ko si Grant, nanatili ang tingin niya sa 'kin. "Hindi, nakipagkaibigan lang siya. Okay naman pala, pre. Hindi naman siya siraulo. Mabait nga, e."
Tinaasan niya ako ng kilay. "How sure are you? You only talked to him a bit. How can you sure that he's not a jerk, huh?" Bugnot na sabi niya.
"Basta! Ramdam ko mabait siya." Pagtatanggol ko. "Wala naman siyang ginawang masama sa 'kin. Medyo nailang ako pero kasalanan ko rin naman iyon kaya naiintindihan ko."
"Wala pa siyang ginagawa dahil kinukuha palang niya ang loob mo. He's after your trust! Saka na lang siya kikilos kapag alam niyang nagtitiwala ka na sa kaniya. He'll use that against you!"
Umismid ako sa paninira niya. Umiral na naman pagka-judgemental nito.
"I still don't trust him... maybe I trust him a little. But that's it, okay? Hindi ako gagawa ng ikapapahamak ko, pre. Chill," sagot ko.
Sigurado naman akong hindi ako 'mapapahamak'. OA lang talaga 'tong si Grant. Para sa kaniya, lahat ng lalaking makikipag kaibigan sa 'kin may masamang binabalak. Tss.
"Don't trust him, Bryll. Even just a little," sabi niya na hindi ko nalang sinagot.
Kung magsasalita pa 'ko, paniguradong hindi kami matatapos. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niyang mangyari. I won't hate him for that. Alam ko namang pinoprotektahan niya lang ako. But I want to prove him that what he's thinking is wrong. Hindi lahat ng taong makikipag usap ay may binabalak na masama.
I also want to prove it to myself. Nahahawa na ako sa pagiging OA niya. Lahat nalang ng nakikipag usap sa 'kin, pinagdududahan ko na. Iniisip ko na may hidden agenda sila sa pakikipaglapit. Nagiging judgemental na 'rin ako dahil sa kaniya. Para naman talagang may gagawin silang masama. E wala man nga kong nakikitang nagsusuntukan dito. Nago-over react lang talaga 'tong gagong 'to.
Another thing is, he is being overprotective! I know I said that he has the ability to protect me because of his power over the students. Pero wala naman akong sinabing career-in niya! Nagmumukha akong bata sa ginagawa niyang pagpo-protekta sa 'kin. Pinaparamdam niya na mahina ako at kailangan ko talaga ng taga-protekta. Sa palagay ko naman hindi na kailangan ang pagprotekta niya dahil wala namang gagawa ng masama sa 'kin. Maiintindihan ko sana kung alam niya ang nangyari sa 'kin sa detention room kaya ganiyan nalang kung pagbawalan niya akong makipag usap sa ibang tao pero hindi, e. Pinagbabawalan niya lang ako dahil wala siyang tiwala sa mga estudyante.
"Let's go home," aya niya sa 'kin.
I didn't utter a word and go with him. Dumiretso ako ng uwi sa bahay pagkatapos. I stayed on my room until Manang Tessy called me for dinner. She already called me a short time ago, I only told her to come again if my parent's are home. Ayokong kumain mag-isa. Medyo natagalan lang dahil maga-alas diyes na ng gabi. Kakauwi palang siguro nila mama.
I go downstairs and marched towards the dining. Naabutan ko si Papa na paupo pa lang sa pwesto niya. Habang si Mama ay nagkakape-- kaya siya laging nine-nerbyos, e.
"Good evening," bati ko at umupo.
"Mama!" Agad kong angal ng makitang papunta siya sa pwesto ko. Wala akong nagawa ng halikan niya ako sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020
Teen FictionHighest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng nakakarelasyon niya dahilan para patalsikin siya sa skwelahang kinabibilangan. Para magtanda at mailayo...