• • •
Tulala ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko nang may kumatok. Bumukas iyon pagkatapos ng tatlong katok. Dumungaw si manang mula sa labas. Bumusangot siya ng nakita akong nakahiga pa rin.
"Ano pa't hindi ka pa nagbibihis? Maligo ka na ng makasabay ka sa mama't papa mo sa hapagkainan! Baka mahuli ka sa klase mo. Hala sige, bangon!" Dumiretso siya papasok sa kwarto at binuksan ang bintana ko.
Tamad akong bumangon at kumuha ng damit sa closer bago dumiretso sa banyo. Iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi. Hindi ako nakakibo pagkatapos ng pag amin niya sa sobrang pagkagulantang. Kahit ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na gano'n ang nararamdaman niya sa 'kin. Ang akala ko ay talagang pagkakaibigan lang ang turing niya sa 'kin.
Hindi ko nagawang manatili ro'n kagabi, umuwi rin ako sa amin. I know it's kind of harsh leaving him alone without saying anything, but he can't blame me. He caught me off guard. I don't know how to react. I don't know what to say. And I don't know how to treat him now after what happened.
Isa lang ang alam ko at sigurado ako. I won't let that confession to completely ruin our friendship.
Bumaba na ako pagkatapos makapagbihis. Sinamahan ko sina mama na mag-almusal. Nagpaalam ako nang matapos at pumasok na sa skwela.
I reached our school gate. I let out a sighed before entering inside. I am not totally paying attention in class. Walang pumapasok sa isip ko dahil maya't mayang nagf-flashback sa utak ko ang mga sinabi ni Grant. I need to talk to him again now that he's sober.
Gusto kong malaman kung seryoso ba talaga siya sa sinabi niya. I can't ignore it just because he's drunk. People tends to say their true feelings when they're drunk.
Pero paano ko sisimulan ngayong hindi ko alam kung ano mismo ang itatanong ko?
Okupado ang isip ko sa pag iisip habang naglalakad papunta sa susunod kong subject, kung saan kaklase ko si Grant. Pasimple kong inilibot ang paningin ko ng makarating sa loob ng room. Guminhawa ang pakiramdam ko ng makitang wala pa siya. Naghanap na ako ng upuan ko para makaupo.
Should I back out? Or should I wait for him to approach me? Hindi ba pwedeng hintayin ko na lang siyang kausapin ako? Tutal siya naman itong may kagagawan sa nangyayari sa 'min kaya dapat lang na siya itong naghahabol 'di ba?
Problemado kong ginulo ang buhok ko. He's giving me too much headache! I straightened up to my seat when I heard our professor's voice. Ngayon ko lang napansin na nandito na pala ang lahat.
I surveyed the whole room. My eyebrows furrowed when I didn't saw Grant. Huwag niyang sabihing hindi siya papasok. Namroblema ako sa wala kung gano'n!
Naistorbo ako sa pag iisip ng bumukas ang room. Nakatayo si Grant sa may pintuan habang hinahabol ang hininga. Our eyes suddenly met. Ii-iwas ko na sana ang tingin ko ng maunahan niya ako. Tinignan niya ang guro namin at humingi ng tawad sa pagiging late. Napanguso ako nang hindi man lang siya pinagalitan at sinabihan ng maupo.
Ilang sandali siyang nanatili sa harap habang naghahanap ng pwedeng mauupuan. Sa huli, wala rin siyang nagawa kung hindi ang umupo sa bankanteng upuan sa tabi ko.
Ano? Huwag mong sabihing magpapatuloy ka sa pag iwas sa 'kin?
Natapos ang klase at napatunayan kong tama ako. He didn't tried to talk to me nor glance at me the whole time! Kahit noong umalis na ang professor namin pagkatapos kaming paalalahanan tungkol sa club signing mamaya. Halos sabayan na niya ang guro namin palabas dahil sa bilis niyang makaalis.
BINABASA MO ANG
Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020
Novela JuvenilHighest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng nakakarelasyon niya dahilan para patalsikin siya sa skwelahang kinabibilangan. Para magtanda at mailayo...