• • •
Mas nagiging okay kami ni Grant sa pagdaan ng mga araw. Nga lang, pansin kong may nag iba. Talagang pinanindigan niya ang sinabi niyang hindi na niya itatago ang nararamdaman niya para sa 'kin. Halatang halata ko na ngayon dahil maliban sa alam ko na ang nararamdaman niya, lantaran din ang pag aalaga niya.
"Patay na patay ka talaga sa 'kin, ano?"
Pang aasar ko sa kaniya isang araw habang kumakain kami sa cafeteria. Hindi kami sumabay kila Sian dahil ayon kay Grant, hindi raw siya makakain ng maayos dahil sa kaingayan nila. Pumayag akong bumukod kami dahil alam ko naman na talagang ayaw niya ng maingay kapag kumakain siya.
Inilahad niya sa 'kin ang bottle drink, bukas na iyon ng ibigay niya sa 'kin. Nakita niya kasi kanina na hirap akong buksan kaya inagaw niya iyon mula sa 'kin at nagprisintang siya na ang magbukas.
"Hindi mo naman kayang mawala ako kaya patas lang," kibit balikat niyang sagot habang may multo ng ngisi sa labi.
Napabusangot ako. Isa iyan sa sinasabi kong nagbago. Nagagawa na niyang patulan ang mga pang aasar ko sa kaniya ngayon. Talagang ginamit niya pa ang sinabi ko sa kaniya noon sa headquarters laban sa 'kin!
"Iyong pagkakaibigan natin ang ayaw kong mawala. Hindi ko sinabing ikaw mismo," apila ko, ayaw magpatalo.
Hindi ko natuloy ang nagbabadyang ngisi sa labi ko ng makita ang reaksyon niya. Napawi ang kaninang multo ng ngisi sa labi niya. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya. Iniwas niya ang tingin sa 'kin at nagpatuloy sa pagkain.
"Grant," mahina kong tawag.
"Hmm?" Sagot niya ng hindi tumitingin sa 'kin.
"Galit ka ba?" Alanganin kong tanong. "Nagbibiro lang ako. Siyempre importante ka para sa 'kin. Hindi naman tatagal ng ilang taon ang pagkakaibigan natin kung hindi ko iyon binibigyan ng halaga," marahan kong sabi habang pilit sinisilip ang reaksyon niya.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang pag alog ng balikat niya.
"Hindi ka naman umiiyak 'di ba?" Nag aalala kong tanong. Pilit kong itinaas ang ulo niya para maiharap ko siya sa kin ng hindi siya sumagot.
Ang kaninang pag-aalalang nararamdaman ko ay napalitan ng inis ng makita siyang tumatawa. Sinubukan niya pang itago iyon para hindi ko makita.
"Siraulo ka talagang hayop ka," iritang sabi ko na tinawanan niya. "Ang sarap mong patay--"
"Masarap ako?" Pagpuputol niya.
Naramdaman ko ang pag iinit ng mukha ko sa sinabi niya. Gigil kong ibinato sa kaniya ang takip ng bote. Tatawa-tawa niyang sinalag iyon.
"I'm only kidding," natatawa pa rin niyang sabi. "Ang dali mo talagang maasar."
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko. Alam naman pala niya, bakit pa siya nang-aasar? Dumadagdag sa inis na nararamdaman ko ang pagtawa niya.
"I know I'm important for you. I can still remember your exact words."
Matalim ko siyang tinignan bago asar na sumubo ng pagkain.
"I want to keep our friendship because it is important to me," panggagaya niya sa sinabi ko noon.
"Shut up," mariin kong sabi ng hindi tumitingin sa kaniya. Pinipigilan kong huwag sumabog sa sobrang inis.
"You are important for me, Grant--"
Iritado akong tumayo at dumukwang sa lamesa para malapitan siya. Hinila ko siya sa necktie niya at hinapit palapit sa 'kin. Tinignan ko siya ng masama. Hindi siya agad nakagalaw sa gulat sa ginawa ko, nakatingin lang siya diretso sa mata ko.
BINABASA MO ANG
Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020
Teen FictionHighest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng nakakarelasyon niya dahilan para patalsikin siya sa skwelahang kinabibilangan. Para magtanda at mailayo...