Chapter 6

206 15 0
                                    

• • •

Unknown kiss

"Pwede po bang magtanong kung anong oras ako makakauwi?" Tanong ko.

Nakarating na kami at kasalukuyan niyang binubuksan ang silid. He instantly went inside when he successfully opened it.

"You're not even starting yet you're already thinking about going home?" Nanunuyang tanong niya.

Pumasok narin ako sa loob. Sinundan ko siya ng tingin. Nagsindi siya ng isang ilaw na naka-pwesto sa gitna ng kisame. Nilapitan niya rin ang aircon at binuksan iyon. Nang matapos ay dumiretso na sa professor's table at umupo sa monoblock na naroon.

"Get one chair and place it here," tinuro niya ang pwesto sa harapan ng lamesa.

Binitiwan ko ang mga papel roon at kumuha ng upuan sa dulo ng room. Pinwesto ko iyon sa lugar na itinuro niya.

"Start checking the papers."

Ibinigay niya sa 'kin ang copy ng mga tamang sagot. Kaagad naman akong kumuha ng ballpen at sinimulan na. Hindi naman marami ang pinag-test namin at halos 30 lang kami sa klase niya kaya baka trenta minutos lang ay matapos na ako. Sana lang ay wala na siyang ibang ipagawa para kaagad na akong makauwi.

Nasulyapan ko siya at nakitang mariing nakatingin sa akin. Naka-de kwatro siya ng upo habang nakaipit ang isang kamay sa kabilang braso niya, ang isa naman ay pinaglalaruan ang labi niya.

Tumayo siya at naglakad palapit sa pinto. Napabaling ako ng marinig na sumara iyon. Umusbong ulit ang kaba ko ng mapansing kaming dalawa lang ang narito. Idagdag pa ang sobrang katahimikan at ang kaunting liwanag na nanggagaling sa ilaw, hindi sapat iyon para malinawan ang buong silid.

"Anong silbi ng pagbubukas ko ng AC kung hindi rin lang naman nakasara ang pinto?" Sabi niya habang naglalakad palapit sa'kin.

I tried to ignore him by continuously checking the papers. Medyo bumagal lang dahil hindi ako makapagfocus at kabado rin, namamali rin ako sa pagccheck ng papel.

This is just pure bullsh*t! Hindi pa ako kailanman nakaramdam ng ganitong kaba, maliban nalang kapag nanonood ako ng mga nakakatakot.

Naramdaman ko ang presensiya niya sa likod ko. "Is it really hard for you to respect your teachers?" Banayad ngunit may bahid ng panganib sa boses niya. "I hate it when they're acting like superiors just because they are close with someone who's a bit powerful," mapanuyang sabi niya.

I am now fully aware of his every move. He leaned to me from my back. Tuluyan kong nabitawan ang hawak na panulat ng maramdaman ang hininga niya sa gilid ng batok ko. Mabilis akong tumayo at lumayo sa kaniya.

"I-I told you. I am not like that," mariin at kabadong sagot ko.

Tumuwid siya mula sa pagkakayuko ngunit nanatili sa pwesto niya. Hawak ng isang kamay niya ang upuan ko.

"Then how can explain your arrogance and trashy attitude towards your teachers?"

"To tell you honestly, sir. I have good relationship with the other professors," I said to prove a point. I don't think I will have any problem with him if he's acting like my other teachers.

Natawa siya, halos hindi makapaniwala. "Are you saying that it's actually my fault?"

"I just want you to realize that it's not entirely my fault. You're invading my own privacy, sir. Sa palagay ko ay kailangan niyo ring respetuhin iyon, kahit na estudyante mo lang ako," sabi ko kahit kabado na.

I don't want to make him angry at this point but I want him to realize that he's at fault too. I want him to understand my actions.

Humalakhak siya ng malakas. His laughs sent shivers down my spine. It's like a demon's laugh.

Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon