Sabi nila simula daw nung pinanganak ako may kakaiba na silang nararamdaman sakin. Simula daw nung pinanganak ako parang laging may katabi ako...pero wala naman.Hindi ako natakot nung sinabi sakin yon ni Nanay kase hindi ko naman nararamdaman at hindi ko nakikita.
Ngayong nag aaral ako sa 6 na baitang, lagi nalang akong inaasar. Hindi ko alam kung bakit sinasabi nila na anak daw ako ng multo. Eh hindi naman multo ang nanay at tatay ko.
Hindi ko nalang sila pinapansin, kase alam ko naman sa sarili ko kung ano ang totoo. Wala silang dulot sa buhay ko kaya bakit ako magpapakaapekto sa kanila diba?
"Tara na Deina, bilisan mo dahil maglalakad lang tayo!!" sigaw ni Nanay sakin.
Nakaharap ako ngayon sa salamin at sinusuklay ang kulot at mahaba kong buhok na hanggang baywang. Nakadress ako ngayon na kulay puti, ito kase ang paborito kong isuot kapag pupunta kami ni Nanay sa bayan.
"Opo, nandyan na po!!" dali dali akong bumaba sa hagdan namin na kahoy. Inayos ko ang nalukot kong damit at lumapit kay Nanay.
Sinalubong niya ko ng ngiti at niyakap ako.
"Ang ganda ganda talaga ng anak ko!!" napangiti naman ako.
"Syempre naman po Nanay!! Mana po ako sa inyo!!" hinalikan niya ko sa noo.
"O'sya tara na at magluluto pa ko ng tanghalian natin," tumango ako, sabay kaming lumabas ng bahay.
Sanggol palang ako ng iwan kami ng Tatay ko. Hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nakikita. Hindi ko alam ang itsura niya, ang ugali na meron siya, kung may bagong pamilya na ba siya, kung buhay pa ba siya at kung nasan siya.
Hindi ako nagtatanong kay Nanay tungkol sa tatay ko. Gusto kong siya mismo ang lumapit sakin at ikwento ang tungkol don.
Hindi ko nga alam kung kanino ako nagmana eh, dahil pag tinitignan ko si Nanay, labi lang ang nakuha ko sa kanya. Maganda si Nanay, mukha syang dalaga kung titignan, siguro nung dalaga pa siya ay maraming nanliligaw sa kanya.
Nag iisa akong anak, ngunit kahit wala kong kapatid ay hindi naman ako nalulungkot dahil nandyan naman lagi ang nanay ko para sakin.
Habang naglalakad kami papunta sa palengke ay tinitignan ko ang bawat bundok na matatanaw ko. Ang lugar namin ay napapalibutan ng mga puno at halaman, sariwa ang hangin at maaliwalas ang paligid.
Nang makarating kami sa palengke ay samu't saring ingay ang nadinig ako. Sanay na ko sa ganitong pamumuhay, sa ganitong mundo ko pinanganak kaya bakit pa ko magrereklamo diba?
"Bili na kayo! Bili na kayo! Isda kayo dyan"
"Petchay! Petchay!"
"Ganda! Bili ka na ng isda!! Mura lang oh!!" tawag sakin nung isang tindera.
Akay-akay ako ni Nanay. Lahat ng madadaanan namin ay tinitignan ko. Malansa ang amoy dito sa palengke at maingay.
Napansin ko yung ibang tao na nakatingin sakin, yung iba naman ay nagbubulungan at yung iba naman pag tumitingin ako ay binababa nalang ang tingin at kunyaring may ginagawa.
Kalat na siguro ang tungkol sakin. Ang akala nila ay totoo ang balitang multo ako. Sanay na ko dahil sa school ay lagi namang yon ang tinatawag sakin.
Hindi ko nalang sila pinapatulan. Minsan nga ay nahihiya nalang ako.
"Anak, sigurado akong masasarapan ka sa iluluto ko mamaya!" masayang sabi sakin ni Nanay.
"Talaga po nay?!" napangiti naman ako. Tumango tango siya.

BINABASA MO ANG
MY GUARDIAN ANGEL
Romance"Angels around us, angels beside us, angels within us." Si Deina Gail ay bata pa lamang ay puro kahirapan na ang nararanasan. Kasama ang ina ngunit kailan man ay hindi nakita ang ama. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya sumuko sa buhay dahil nandyan...