Chapter 6

24 5 0
                                    


Pinabalik na kami sa room ng teacher namin. Pagdating sa room ay kanya kanya naman kaming ayos ng mukha at katawan.

Patuloy parin ang klase namin sa araw na iyon. Kahit pagod ay wala kaming magagawa. Umupo. Nakinig. Nagsulat. Yan ang ginawa namin hanggang sa mag uwian na.

Lahat ng kaklase ko ay lumabas na kaya lumabas na rin ako.

"Puntahan ko kaya si Teacher Grace?" tanong ko sa sarili.

Kaya nagdesisyon ako na pumunta nga. Malayo palang ay natatanaw ko na si Teacher Grace sa labas ng room niya, nagdidilig ng mga halaman.

Napangiti ako. Tumakbo ako papunta sa kanya.

"Teacher Grace!!!" sigaw ko. Napatingin siya sakin.

"Deina!!!" tawa niya.

Pagkalapit ay niyakap ko siya ng mahigpit. Namiss ko si Teacher Grace. Ilang araw ko na din kase syang hindi napuntahan dahil sa pagrereview at pagpasa ng written output.

"Namiss po kita, Teacher!!!" ngiti ko.

"Dapat lang dahil magtatampo talaga ko sayo pag di mo pa ko pinuntahan ngayong araw!"

Natawa ko.

"Ako na po magdidilig, makabawi man lang ako HAHAAHA" kinuha ko ang pandilig sa kanya at sinimulan ng mag dilig.

"Deina..." lumapit siya sakin.

"Po?" nagpatuloy lang ako sa pagdidilig.

"Kamusta ang pag aaral mo? May hindi ka ba naiintindihan?"

Humarap ako at ngumiti.

"Ayos naman po!! Tsaka nakakapagreview naman po ako ng maayos sa bahay!" taas noo kong sabi.

Binaba ko na ang pandilig. Nakangiti kong pinagmasdan ang mga halaman. Namumukadkad na ang ibang bulaklak. Sagana ito sa pataba. Magaling talaga mag alaga si Teacher Grace.

"Deina..." mahinang tawag ulit sakin.

Napalingon ako kay Teacher Grace.

"Kamusta ang nanay mo??" nag aalalang tanong niya.

Alam niya ang tungkol kay nanay. Lagi akong nagkukwento tungkol kay nanay dahil lagi niya kong tinatanong. Miss na miss na din niya si nanay.

Napabuntong hininga ko.

"Ganon parin po...mas lalo nga pong lumala eh, nagaalala na ko," malungkot na sabi ko.

Sa mga nagdaang araw, napapansin ko na mas lalo lang lumala ang pag ubo ni nanay. Ayaw nyang mag padala sa Hospital. Gamot lang daw ay ayos na. Pero batid ko na mahina ang epekto ng gamot na iniinom niya.

Hindi ko din makulit si nanay dahil baka mag galit sakin. Ayoko namang mangyare yon.

Lumapit si Teacher Grace sakin hinila ko para umupo sa upuan na nasa gilid ng room niya.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Deina, kahit anong mangyari ay wag kang susuko sa nanay mo. Alam kong mahal na mahal mo ang nanay mo at alam ko rin ganon din ang nararamdaman sayo ng nanay mo."

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Hindi nagsalita.

"Wag kang aalis sa tabi niya pag alam mong kailangan ka niya, lalo na ngayon na may sakit siya. Lagi lang akong nandito para sayo Deina. Anak na din ang turing ko sayo. Wag kang mahihiyang lumapit sakin pag di mo na kaya,"

Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko. Napayakap ako sa kanya.

"Teacher, sa totoo lang po ay natatakot ako. Natatakot ako na malala na ang lagay ni nanay ay mas lalo pang lumala..." humihikbing sabi ko.

MY GUARDIAN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon