Nakalipas ang isang taon. Ngayon ay nasa Senior High na ko. Doon parin naman ako nag aaral. Wala rin pag babago ang pakikitungo ko sa ibang tao.Si Teacher Grace naman ay lumipat na ng ibang school. Lumipat na siya sa Maynila, dahil may kumuha daw sa kanya at doon nalang mag turo. Sobrang nalungkot ako ng sabihin niya sakin yon. Sobra yung iyak ko non. Pero wala naman akong magagawa, dahil para rin naman sa kanya yon.
Si Nanay naman ay hindi ko na pinagtrabaho. Buti nalang at pumayag siya. Nasa bahay nalang siya lagi at nagpapagaling. Ni minsan ay hindi man lang tumigil ang pag ubo niya, may isang araw pa nga na dinala ko siya sa hospital dahil hindi siya makahinga. Hindi ko talaga alam kung san ako kukuha ng pera non, buti nalang at pinaheram muna ako ni Teacher Grace, bayaran ko nalang daw pag nakaipon na ko.
"Ate isa pong chocolate coffee." Sabi ng customer.
Mabilis naman akong tumango at nag timpla. Inabot ko yon sa kanya.
"Thankyou po, Ma'am!!" ngiti ko.
Tumango naman ito at umupo na sa isang upuan.
May trabaho na ko ngayon. Bago umalis si Teacher Grace ay may inalok siya sakin na trabaho. Syempre pumayag naman ako agad dahil sa wakas ay hindi na mahihirapan pa si Nanay.
Sa Coffee shop na ito ako nagtatrabaho kapag Sabado at Linggo. Tuwing Monday hanggang Friday naman ay nag aaral ako.
Hindi naman ako nahihirapan sa ginagawa ko, dahil ginusto ko naman ito.
Marami ang customers namin ngayon, dahil nga sabado. Mas lalo namang madami kapag linggo.
"Deina, gusto mo mag pahinga ka muna??" tanong sakin ni Paul.
Si Paul ang kasama ko kapag dumuduty ako dito sa trabaho. Nag aaral din siya pero hindi kami pareho ng school na pinapasukan.
Mabait naman siya sakin, kaya atleast may kaibigan na ko. Matagal na din kaming mag kaibigan ni Paul, sa totoo lang ay minsan hinahatid niya pa ko pauwi.
Tuwing sabado at linggo rin kase ang duty niya, pareho kami ng schedule.
Napalingon ako sa kanya saka natawa.
"Baliw! Okay lang ako, tsaka ikaw magpahinga ka. Kanina ka pa nagtatrabaho ah??"
"Bakit? Nagaalala ka ba?" ngisi niya.
"Siraulo! Sige na magpahinga kana!" tinulak ko pa siya para maupo.
"Sige, samahan mo ko," tawa niya.
Umawang ang labi ko at hindi nagawang magsalita.
Natawa naman siya at pinitik ang noo ko.
"Arayyy!!" hinampas ko siya.
"Mamaya ikaw naman mag pahinga ah!" tumango ako.
Umalis na siya sa harapan ko.
"Loko..." bulong ko nung nakalayo na siya.
Hapon na ngayon at tuwing 7 p.m naman ang uwi namin. Kaming dalawa lang ni Paul ang nagbebenta ngayon, si Princess, ang tagalinis dito shop. Pumunta lang ang amo namin kapag may oras siya, kaya kami ang nagsasara ng shop.
Nagpatuloy ako sa pagbebenta dahil bawat minuto ay may pumapasok. Kaya walang humpay ang paglilinis ni Princess, minsan naman ay tinutulungan siya ni Paul.
Makalipas ang oras ay ako naman ang nagpahinga at si Paul naman ang nagbenta.
Habang pinagmamasdan si Paul ay napatingin ako sa labas ng shop. May nakatayong lalaki di kalayuan.
Napatayo ako dahil sakin siya nakatingin. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Paul, wait lang ah." Mabilis kong sinabi.
"San ka pupunta??" rinig kong tanong niya.
Naglakad na ko palabas ng shop pero bago pa makatawid sa kabilang kalsada ay may naapakan na ko sa harapan ko.
Isang kapirasong papel. Pinulot ko yon dahil may nakasulat.
"Dreaming of you is my great escape."
Matagal ko yon na tinitigan. Lumakas ang ihip ng hangin, tinangay ang buhok ko patakip sa mukha ko kaya inayos ko yon.
Natauhan ako ng maalala ko ang lalaki. Napatingin ako sa kabilang kalsada kung saan siya nakatayo kanina.
Pero wala na siya don.
"Nasan na yon??" hindi makapaniwala kong tanong sa sarili.
Tumawid ako sa kabilang kalsada. Hindi ko na inisip ang init na nanggagaling sa sikat ng araw. Nang makatawid ay iginala ko ang mata ko, nagbabakasakali na makita ko siya.
Ngunit makalipas ang ilang minutong pag tanaw ay nanlumo ako. Hindi ko na siya ulit nakita.
Napabuntong hininga ko.
Napatingin ako sa shop, sa sandaling iyon ay nakalimutan ko na nasa trabaho nga pala ako.
Dali dali akong bumalik at pumasok sa shop. Dumiretso ako sa counter, napatingin naman sakin si Paul na naghahalo ng coffee.
"San ka galing??" tanong niya.
Napalingon naman ako sa kanya.
"Ha? Hmm...wala, dyan lang sa labas."
Inabot niya muna sa customer ang order bago humarap sakin. "Anong ginawa mo sa labas??"
Napabuntong hininga ko at nag iwas ng tingin. "N-nagpahangin lang"
"Talaga lang ha? Mahangin ba?" tawa niya.
Napanguso naman ako.
"Totoo naman!!" inis kong sabi.
Umiling iling siya at umalis.
Napaupo naman ako.
"Yung napulot kong papel..." mahinang bulong ko.
Ngayon nalang ulit ako nakapulot ng ganong papel. Sa nakalipas na isang taon ay ngayon nalang ulit. Yung iba ay hindi ko na alam kung san ko nalagay.
Kinapa ko ang papel sa bulsa ko. Kinuha ko yon at tinitigan.
"Kung sino ka mang nagpapadala ka ay sana makita na kita, ang sakit mo sa ulo!!" inis na bulong ko sa papel.

BINABASA MO ANG
MY GUARDIAN ANGEL
Romance"Angels around us, angels beside us, angels within us." Si Deina Gail ay bata pa lamang ay puro kahirapan na ang nararanasan. Kasama ang ina ngunit kailan man ay hindi nakita ang ama. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya sumuko sa buhay dahil nandyan...