Ngayon ay Sabado. Ang plano ko ay mag aral lang ngayong araw dahil next week na ang exams namin. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Pero sabi ni nanay ay mag tiwala lang daw ako sa sarili ko. Yun ang gawain niya nung nag aaral pa siya.
Wala si nanay ngayon dahil nasa trabaho. Nalulungkot nga ko dahil ayaw nyang paawat sa trabaho. Gusto ko ay magpahinga nalang siya dito sa bahay. Sabi ko pa ay ako na ang gagawa ng paraan para makakain kami sa araw araw.
Naghahanap ako ng trabaho, hindi ito alam ni nanay. Ayoko din namang ipaalam kase alam ko namang hindi siya papayag. Pero gusto ko talaga na dito nalang lagi si nanay sa bahay. Inuubo parin kase siya hanggang ngayon. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa kanya eh.
Napabuntong hininga ko.
Binaba ko ang brush at tumayo. Nagpepaint kase ako ngayon, tutal naman ay wala kong ginagawa. Siguro ay mamaya nalang ako magrereview.
Bumaba ako sa sala para manood nalang ng T.V, pero makalipas ang ilang oras ay nagsawa na ko.
"Ang boring..." nag unat unat ako ng kamay at katawan.
Tumayo ako para lumabas ng bahay.
Napatingin ako sa punong mangga. Tinutukso talaga akong lumapit don, kaya nakita ko nalang ang sarili ko na naglakakad papunta don.
Umupo ako sa duyan. Dinama ang simoy ng hangin. Kinapa ko ang bulsa ko at napangiti nalang ng makapa ko don ang cellphone ko. Kinuha ko yon at nagpatugtog.
All day staring at the ceiling
Making friends with shadow on my wall
All night hearing voices telling me
That i should get some sleep
Because tomorrow might be good for somethingPinagmasdan ko bawat punong sumasayaw dahil sa lakas ng hangin. Ang bawat ibon na humuhuni dahil malaya silang nakakalipad. Ang mga bundok na matayog na nakatayo sa malayo.
Habang pinagmamasdan ang kapaligiran ay nagulat ako ng may mag salita mula sa likod ko.
Hold on
Feeling like i'm headed for a breakdown
And i dont know why"Hindi ka ata busy ngayon?" napalingon ako sa kanya.
Nakatayo siya sa likuran ko at pinagmamasdan din ang malayong tanawin. Ganon parin ang suot niya, pag lagi ko syang nakikita. Ang disenyo lang lagi ang nababago.
But im not crazy im just a little unwell
I know right now you cant tell
But stay awhile and maybe then you'll see
A different side of meNatawa ako. "Hindi naman ako busy ah??"
Lumapit siya sakin. Umupo sa tabi ko. Malaki naman ang duyan kaya hindi masikip.
"Tsss," ngisi niya.
Napanguso ako. "Talaga naman ah! Pano mo naman nasabi na busy ako??"
Sa halip na sumagot ay tinitigan lang niya ang tanawin. Ganon nalang din ang ginawa ko.
Im not crazy i'm just little impaired
I know right now you dont care
But soon enough you're gonna think of me
And how i used to be, meMaya maya ay humarap ako sa kanya.
"Ano nga palang pangalan mo?? Hindi mo pa nababanggit sakin eh.." nakangusong sabi ko.
"Bat gusto mong malaman?" ngiti niya sakin.
Im talking to myself in public
Dodging glances on the train
And i know, i know they've all been talking about me
I can hear them whisper
And it makes me think theres must be something wrongUmiwas ako ng tingin. "Bakit?? Bawal ba malaman? Edi wa-"
Naputol ang sasabihin ko ng sumagot siya.
"Xavien." Mahinang banggit niya.
With me
Out of all the hours thinking
Somehow I've lost my mindNapamaang ako. "Ang ganda!!! Parang pangbabae!!!"
"Gusto mo ba?" tanong niya.
"Oo!! Ang ganda kase katunog pa ng heaven," ngiting sagot ko.
"Edi sayo na. Palitan mo na name mo." Nakangiti at tatango tango.
Natigilan ako.
But i'm not crazy, I'm just a little unwell
I know right now you can't tell
But stay awhile and maybe then you'll see me
A different side of mePinatay ko na ang kanta dahil baka malowbat ang cellphone.
"Baliw! Gusto ko rin naman yung pangalan ko!" natatawang sabi ko.
Natawa din siya.
"Xavien..." mahinang sambit ko.
Hindi ko maalis ang mga mata ko sa tanawin, ganon din siya. Pareho lang kaming nakaupo don. Tahimik na pinapanood ang bawat bagay. Tahimik na pinapakinggan ang bawat ingay.
Narinig kong bumuntong hininga siya. Humarap sakin.
"Bukas ba ay nandito ka ulit?" mahinang tanong niya.
Wala naman akong gagawin bukas, siguro ay pagtapos mag simba ay magrereview nalang ako.
"Balak ko sana ay dito nalang magreview...bakit??" nilingon ko siya.
Ngumisi siya. "Good"
Nagtaka naman ako.
Lumabi ako. "Bakit nga kase???"
Nilingon niya ko. "Wala lang, para alam ko lang kung may madadatnan ba ko dito bukas,"
Tumango nalang ako.
May kakaiba kong naramdaman pero hindi ko na iyon pinansin. Tumayo na ko dahil gusto ko ng bumalik sa loob ng bahay.
"Uuwi na ko, ikaw ba??" tanong ko.
Tumayo na din siya at humarap sakin. Tinignan niya ko sa mga mata.
"Hihintayin kita dito bukas..." namamaos niyang sinabi.
Naestatwa ko sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit iba ang naging dating sakin ng sinabi niya.
"Sige, dadating ako." Kaswal kong sagot, pinilit na wag mautal.
Tumango siya.
"Sige na, umuwi kana, pag pasok mo sa loob ay tsaka ako aalis," ngiting sabi niya.
"Sige, bye!!" nagmamadali akong tumalikod sa kanya at tumakbo pabalik sa bahay. Hindi ko na siya nakuhang lingunin dahil sa sobrang kaba.
Pagdating sa loob ay mabilis kong sinarado ang pinto at sumandal don. Napahawak ako sa dibdib ko.
Ngayon ko lang naramdaman ang paghinga ko. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Bat ganto?" mahinang sabi ko.
Napatingin ako sa sofa ng makitang may papel doon. Dahan dahan akong naglakad papalapit at kinuha ang papel.
"Waiting for you to talk to me again."
Naramdam ko ang mabilis na pag daan ng hangin. Kakaiba ang naramdaman ko sa mga oras na iyon.
Pero iisa lang ang tanong na nabuo sa isip ko.
"Sino ang nag papadala ng ganito sakin?"
BINABASA MO ANG
MY GUARDIAN ANGEL
Romance"Angels around us, angels beside us, angels within us." Si Deina Gail ay bata pa lamang ay puro kahirapan na ang nararanasan. Kasama ang ina ngunit kailan man ay hindi nakita ang ama. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya sumuko sa buhay dahil nandyan...