Pagdating sa school ay agad na 'kong dumiretso papunta sa room. Pagpasok ay umupo na ko sa upuan ko tsaka naglabas ng notes para magreview. Buti nalang talaga at wala pa ang teacher namin. Nakahinga ako ng maluwag.Napaangat ang tingin ko ng biglang pumasok si Eunise kasama ang dalawang kaibigan nya. Kitang kita sa mukha ni Eunise na masaya siya. Iniwas ko nalang ang tingin ko at ibinalik sa binabasa.
"Grabe ang gwapo niya palang talaga!" rinig kong sabi ng kaibigan ni Eunise.
Focus, Deina.
"Yeah! Di na ko makapaghintay na makita ko sya ulit!!" kinikilig pang sabi ni Eunise.
Hindi ako makapagfocus sa binabasa ko dahil naaagaw nila ang atensyon ko. Nakakasura.
"Ulit? So nagkita na kayo ngayong araw?"
Hindi ko alam kung bakit malakas ang pakiramdam ko na si Paul ang pinaguusapan nila. Hinintay ko ang isasagot ni Eunise pero agad naman na dumating ang teacher namin. Lahat ay bumalik sa kaniya kaniyang upuan.
Kahit na maraming gumugulo sa isip ko ay binalewala ko muna yon dahil mas kailangan kong mag aral. Mabilis naman na nagdaan ang maghapon na yon. Pagkaalis ng huling teacher namin ay sya namang tayo ng President namin upang sabihin na wala kaming practice ngayon.
Syempre natutuwa ako sa balita na yon!
Tumayo na ko at sinukbit ang bag. Pagkalakad ay muntik pa kong matumba ng biglang nagmamadaling dumaan sa harap ko si Eunise.
Letse.
Hindi man lang niya ko nilingon. Dire diretso siya hanggang sa makalabas ng room. Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad ay napagisipan ko din na bumawi kay Paul. Balak ko syang ayain na lumabas ngayon tutal hindi kami natuloy kagabi.
Sigurado akong matutuwa yon!
Ngingiti ngiti pa ko habang naglalakad palabas ng school. Sobrang naeexcite ako dahil ngayon nalang ulit kami lalabas. Sobrang busy naming pareho kaya hindi kami makagala, minsan nga ay nakakatampo na.
Nang makalapit sa gate ay natigilan ako. Minadali ko ang lakad upang matanaw ko pa sa ibang side ang kotse ni Paul.
"Nasan na yon?" tanong ko sa sarili.
Napakunot ang noo ko ng walang kotse ni Paul na nakita. Kung tutuusin ay lagi namang sa tapat lang ng gate naghihintay yon, lagi namang ganon.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para tignan kung may text ba na hindi niya ko masusundo. Pero wala naman. Walang kahit anong text na galing kay Paul. Tinignan ko ang relo ko. Sigurado akong tapos na ang klase non. Mas nauuna pang matapos ang klase niya kesa sakin.
Muli ko pang sinipat ng tingin ang magkabilang kalsada. Pero wala parin. Gumilid ako ng konti para naman hindi ako nakaharang sa daan. Hindi kaya nalate lang ngayon? Oo. Tama. Baka nga nalate lang.
Tumayo lang ako sa gilid para maghintay. Hihintayin ko siya. Hinihintay ko din kung magtetext ba siya. Bawat segundo ay tinatanaw ko ang daan. Hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko.
"Nasan ka na ba Paul?" bulong ko pa habang pinagmamasdan ang bawat sasakyan.
Tinignan ko ang cellphone ko at napagdesisyunan na magtext at tanungin kung nasan na siya at kung susunduin nya pa ba ko.
Makalipas ang isang oras ay wala parin akong natatanggap. Wala parin akong nakikitang kotse niya. Wala parin akong nakikitang Paul. Ang sakit na ng mga binti ko dahil kanina pa ko nakatayo. Kakaonti nalang ang studyante na nandito sa school.

BINABASA MO ANG
MY GUARDIAN ANGEL
Romance"Angels around us, angels beside us, angels within us." Si Deina Gail ay bata pa lamang ay puro kahirapan na ang nararanasan. Kasama ang ina ngunit kailan man ay hindi nakita ang ama. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya sumuko sa buhay dahil nandyan...