Chapter 23

19 2 0
                                    


Kinabukasan ay nagising naman agad ako. Sobrang sakit ng mga mata ko dahil sa kakaiyak. Hindi na ko magtataka kung maga ito. Kahit na wala akong gana pumasok ay bumangon parin ako para maligo at magbihis. Matinding pag aayos ang ginawa ko sa mukha ko dahil mukha akong zombie. Kung hindi ko tatakpan ng concealer ang eyebags ko ay kitang kita talaga.

Hindi ako nagluto ng umagahan dahil plano kong sa school nalang kumain. Maaga pa naman at magtatricycle nalang ako pagpasok.

Nang makarating sa school ay agad akong pumunta sa canteen upang kumain muna. Natigilan lang ako ng mag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko sa bulsa at tinignan.

Paul's Birthday!!!🎉🎈

Napalunok ako sa nabasa ko. Oo nga pala. Nakalimutan ko na. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi kami okay ngayon, anong gagawin ko?

Binalik ko ang cellphone sa bulsa tsaka kumain. Pag tapos kumain ay dumiretso na ko sa room, sakto naman ang pagpasok ko dahil medyo kasunod ko lang ang teacher namin.

Kahit ang dami kong iniisip ay pinilit ko parin na makinig. Ayoko namang mapagalitan nanaman ako. Tama na yung isang beses. Napahiya na ko eh.

Buti nalang at mabilis naman na natapos ang klase. Pero napasimangot lang ako dahil nagannounce ang President namin na may practice kami.

Buset.

Wala akong nagawa kung hindi ang pumunta sa gym at sumayaw. Nang matapos ang practice ay naglakad na ko palabas ng school. Pero nahagip ng mata ko ang isang bakery. Wala akong regalo sa kanya.

Nakita ko nalang na naglalakad ang sarili ko papalapit sa bakery. Buti nalang talaga at nagdala ko ng pera. Nang medyo makalapit sa bakery ay napahinto ako dahil nakita kong lumabas si Eunise. Napunta ang tingin ko sa bitbit niya. Isang cake.

Hindi niya ko nakita dahil may kausap sya sa cellphone, dire diretso lang ang lakad nya at huminto lang sa sakayan ng tricycle. Mabilis naman akong pumasok sa bakery at bumili ng cake. Tinignan ko ang labas at nakitang papasakay na si Eunise. Sakto namang dating ng order ko. Mabilis ko na kinuha yon at nagbayad. Lumabas agad ako at sumakay sa tricycle.

"Kuya pakisundan po yung kakaalis lang na tricycle!!" sabi ko sa driver.

Umandar naman to agad. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko habang sinusundan si Eunise. Malayo layo ang naging biyahe. Hanggang sa pumasok kami sa isang village. Nakita kong bumaba si Eunise.

"Kuya pahinto na po dito," nagbayad na ko at bumaba.

Hindi ko inalis kay Eunise ay paningin. Nakita ko syang pumunta sa harap ng isang bahay. Mabilis naman akong naglakad papalapit doon.

Parang sinaksak ang puso ko ng makita kong si Paul ang nagbukas ng pinto. Gulat pa siya ng makita si Eunise pero napalitan iyon ng isang matamis na ngiti.

Paul...

Nakatanaw lang ako sa kanilang dalawa. Kitang kita ko pano niya inakbayan si Eunise papasok sa loob. Ramdam kong tumulo ang luha ko na agad ko din na pinunasan.

"Kalma Deina, wala pa." Inis na bulong ko sa sarili.

Nang pumasok sila ay naglakad ako papalapit sa bahay ni Paul. Hindi niya ko dinala dito kahit minsan. Ngayon ko lang nalaman na may bahay sya dito. Mukhang wala syang balak sabihin sakin yon.

Pahigpit ng pahigpit ang hawak ko sa cake na dala dala ko. Palakas din ng palakas ang kabog ng puso ko. Nang makalapit sa pinto ay hindi ako kumatok. Dinikit ko ang tenga ko sa pinto upang pakinggan kung ano ang ginagawa nila. Pero wala akong narinig. Tahimik.

MY GUARDIAN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon