Mabilis nag daan ang panahon. Mabilis umikot ang kamay ng orasan. Siguro nga ganon talaga, hindi titigil ang pag ikot ng mundo dahil lang sayo.Hindi titigil ang ikot ng mundo, dahil lang hindi ka masaya. Patuloy itong iikot, patuloy lilipas ang panahon.
Grade 10 na ko ngayon. Yes, marami akong natutunan sa mga nagdaan na panahon. Maraming nangyari. Maraming pangyayari na hindi inaasahan. Ang iba naman ay ganon parin, hindi nagbago.
Sa mga nag daang taon, ay kasama ko parin si Nanay, hanggang ngayon. Totoo nga. Totoo na hindi niya ko iiwan. Totoo din na kahit anong mangyaring pagsubok ang dumaan sa buhay namin ay hindi siya aalis sa tabi ko. Nakampante ako don.
Si Teacher Grace naman ay lagi kong nakakausap at nakakasama, ganon parin ang pakikitungo namin sa isat isa. Lagi parin syang nandyan. Lagi niya kong tinutulungan pag nahihirapan ako sa mga activity na hindi ko maintindihan. Lagi syang nandyan sa tabi ko sa nakalipas na apat na taon, hanggang ngayon.
Sa apat na taon na yon ay hindi parin nag pakita sakin ang Tatay ko. Hindi man lang niya ko pinuntahan. Hindi man lang niya ko inalala. Hindi man lang siya nag abala na hanapin ako. Sobra na ang pag tatampo na nararamdaman ko sa kanya.
Minsan nga ay tinatanong ko sa sarili ko, may pake kaya siya sakin?
Hindi ko alam dahil hindi ko din naman inaalam. Sabi ni Nanay, wag ko na daw pag aksayahan ng oras ang pag hahanap ko sa tatay ko. Sabi niya na hindi na mahalaga yon dahil nandyan naman siya.
"Deina!" napatigil ako sa paglalakad ng tawagin ako ng babae kong kaklase.
Hanggang ngayon ay ilag parin ako sa mga tao. Hanggang ngayon ay wala akong kaibigan, siguro si Teacher Grace lang. Hindi naman na nila ko binubully. Hindi ko na rin naririnig sa mga tao ang dating tawag nila sakin. Parang normal na tao na ko sa tingin nila ngayon, hindi na tulad ng dati.
Ayoko na rin maranasan ulit yon. Gusto ko na ganto nalang lagi, na hindi na sila natatakot sakin na sa totoo lang ay wala naman silang dapat na ikatakot sakin.
Lumapit siya sakin.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Pinabibigay ni Wilbert," sabay abot niya sakin ng mga pulang rosas.
Inabot ko yon.
"Pakisabi salamat." Ngumiti siya at tumango.
Hindi na bago sakin ang ganitong eksena. Nung Grade 9 ako nag simula makatanggap ng mga regalo. Yung ibang regalo nga na gaya ng chocolates ay binibigay ko nalang kay Teacher Grace or kaya kay Nanay. Hindi kase ako mahilig sa sweets.
Minsan nga ay pag bukas ko sa locker ko ay nagkakahulog ang mga love letters na natatanggap ko. Kinukuha ko yon at inuuwi sa bahay, para doon nalang basahin.
Actually, wala pa sa isip ko ang mga ganoong bagay. Hindi pa ko handa. Gusto ko munang mag aral ng mag aral. Hindi ko naman gustong manakit, kaya nga minsan kapag may binabasted ako ay nakokonsensya ko.
Hindi ko nga alam kung bakit nagpapatuloy parin manligaw yung ibang binasted ko na.
"Hindi ako titigil Deina,"
"Lagi kitang liligawan Deina, hanggang maging akin ka na."
"Alam kong marami akong kasabay manligaw pero pangako pagbubutihan ko."
Ganyan lagi ang sinasabi nila pag nababasted sila. Minsan nga ay hindi ko na tinatanggap ang ibang nagbibigay dahil baka iba ang isipin nila.
Naglakad nalang ako papunta sa room ko dala dala ang mga rosas na ibinigay sakin. Kaya ayon, nakatingin nanaman sakin ang mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
MY GUARDIAN ANGEL
Romansa"Angels around us, angels beside us, angels within us." Si Deina Gail ay bata pa lamang ay puro kahirapan na ang nararanasan. Kasama ang ina ngunit kailan man ay hindi nakita ang ama. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya sumuko sa buhay dahil nandyan...