Chapter 15

19 3 10
                                    


"Hi!!!" ngiting bati ni Paul.

Hindi ko agad nakilala na si Paul yon dahil iba ang dala nyang kotse ngayon, sa lagi nyang dinadala pag nasa trabaho.

Nakapatong ang siko niya sa bintana at ang isa naman ay nakahawak pa sa manubela. Napakagwapo nyang tignan sa ayos na yon.

"Bakit? Ginagawa mo dito??" kunot noo kong tanong.

Medyo lumapit pa ko sa bintana dahil hindi ko siya maririnig. Ang dami kaseng sasakyan na dumadaan.

"Wala lang, napadaan lang. Sakto nakita kita kaya tara sabay ka na sakin,"

"Sure ka?"

Tumango siya. "Tara na bilis!!"

Napapailing naman akong binuksan ang pinto sa likuran pero natigilan ako ng sawayin niya ko.

"Hoy, dito ka sa tabi ko. Di mo ko driver," irap niya sakin.

Napanguso naman ako at naglakad papuntang passenger seat. Sumakay ako ron at nagseatbelt. Humarap ako sa kanya pero natigilan ako ng makitang nakatingin na siya sakin.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Napaiwas ako ng tingin.

Shet. Eto nanaman.

"San ka ba kase galing??" tanong ko. Dahil naiilang ako pag tahimik.

Instart na niya ang sasakyan at dahan dahang pinaandar.

"School, tas may binili lang ako dyan kaya napadaan ako dito tas natanaw kita," sagot niya.

Napalingon naman ako sa kanya. Lumingon din siya sakin pero binalik ulit ang tingin sa daan.

"Gala muna tayo, san mo gusto??" nakangiting tanong niya.

Dito lang sa tabi mo.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa naisip. Umiling iling ako. Tumingin sa labas at bumulong.

Deina, wag masyadong makire. Kalma lang.

Nilingon ko siya. "Kahit saan, ikaw bahala."

"Edi doon nalang ulit sa kinainan naten??" tanong niya. Hindi inalis ang tingin sa daan.

"Sige!!!" ngiting sabi ko.

Tumango naman siya.

Buti nalang talaga at wala kaming assignment ngayon. Kaya pwede akong gabihin. Shet. Iniisip ko palang na makakasama ko si Paul kumain ay kinikilig na ko. Kailangan ko na atang masanay.

Napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya sa daan. Mula sa kinauupuan ko ay kita ko ang bawat ugat sa braso at kamay niya. Mas lalo pa itong nadedepina kapag humihigpit ang paghawak sa manubela. Napatingin naman ako sa mukha niya. Ang matangos nyang ilong at singkit na mga mata. Ang labing natural na mapula at ang bagang nyang perpekto.

Napakagwapo. Feeling ko tuloy masyadong pinagisipan ni Lord kung pano siya gagawin. Gara, favorite ni Lord to.

Minsan lang ako magkagusto sa isang tao. Kaya siguro ganito ko ngayon kay Paul.

"Baka naman matunaw ako nyan Deina," biglang sabi niya.

Napakurap ako at napalunok. Nakakahiya.

"S-Sa bintana ako nakatingin no'!!" sagot ko.

Nilingon niya ko at nginitian na agad din binalik ang tingin sa daan.

Nahiya na ko kaya sumandal nalang ako sa bintana at pinagmasdan ang bawat madadaanan namin. Medyo madilim na din ang paligid hudyat na mag gagabi na.

MY GUARDIAN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon