Chapter 20

20 4 0
                                    


Kagabi ay halos hindi ako makatulog dahil sa kakaisip. Ang daming bumabagabag sakin. Ang dami daming tumatakbo sa isip ko. Isa don ay yung nag iwan nga ng mga pagkain sa labas ng bahay. Actually, hindi naman sa ayoko nung mga pagkain, gusto ko lang talagang malaman kung sino. Para naman makapagpasalamat ako.

Ngayon araw ay tapos na ang klase namin. Nandito kami sa gym upang magpractice nanaman. Malapit na kase talaga ang JS Prom. Yung ibang kaklase ko nga ay meron ng nabili na gown. Ganon ba sila kaexcited?

Samantalang ako ay hindi makaramdam ng excitement.

Hindi ko nga alam kung kailan ako magrerent ng susootin. Pag sabado at linggo kase ay nasa trabaho ako. Ayoko naman na umabsent dahil nag iipon nga ko, tulad ngayon, kailangan kong magrent ng gown.

Siguro ay tatanungin ko nalang si Paul kung pwedeng samahan niya ko kapag nag kaoras na ko or pag may oras siya. Sana ay meron.

"Okay, again!!! Hindi nanaman kayo sabay sabay!" sigaw samin ni Sir. Siya kase yung nagtuturo samin.

Napabuntong hininga naman ako. Kanina pa kami paulit ulit. Nakakasawa na. Ramdam ko na rin ang pawis na tumutulo sa bawat parte ng katawan ko. Ang init init pa.

Wala kaming nagawa kung hindi ang bumalik ulit sa pwesto upang masimulan nanaman ang sayaw. Buti nalang at nagsabay sabay naman kami kaya pag tapos namin mamahinga ay pwede na kaming umuwi.

Kahit na gustong gusto ko na umuwi ay dumiretso parin ako sa canteen para bumili ng tubig, uhaw na uhaw na ko. Habang naglalakad pacanteen ay pinupunasan ko ang pawis ko. Feeling ko tuloy ang baho baho ko na.

Nang makabili ay naglakad na ko palabas ng school. Hindi na ko nagulat na nandoon na si Paul at hinihintay ako. Ang nagpagulat sakin ay si Eunise na nasa harapan nanaman ni Paul. Dahan dahan lang ang paglakad ko pero ang paningin ko ay nasa dalawa.

Napakunot noo pa ko ng makita kong tumatawa si Paul. Niminsan ay hindi ko siya nakita na ganyan tumawa pag iba ang kaharap, maliban sakin. Nakakapagtaka.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko inalintana ang init na kanina ko pa nararamdaman. Parang gusto ko nalang tumakbo papunta sa kanila pero masakit na ang buong katawan ko.

"Grabe ka!! Napakasama mo naman sakin HAHAHHAHA," rinig kong tawa ni Eunise ng medyo makalapit na ko.

Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko kung panong tumaas baba ang balikat ni Eunise dahil sa sobrang pag tawa. Mas nagulat pa ko ng mahina nyang hampasin si Paul.

Ayokong lumapit sa kanila. Parang gusto ko munang marinig ang pinag uusapan nila kung bakit para maging ganon sila kasaya. Tutal ay hindi pa naman nila nararamdaman ang presensya ko.

"Kanina ka pa palo ng palo ha!" Inis man ay hindi parin naalis sa mukha ni Paul ang ngiti.

"Sorry HAHAHAHA ikaw naman kase eh! Wala nga kase akong boyfriend! Maganda lang talaga ko," tawa pa ni Eunise.

Malandi ren Eunise. Gustong gusto kong sabihin yan. Pero mas gustong gusto kong marinig ang isasagot ni Paul.

"Sus, sa ganda mong yan? Really? Di ako naniniwala," umiiling pa na sabi ni Paul.

Mas lalo namang tumawa si Eunise.

Nakakarindi. Ang landi nyang tumawa.

Bago ko pa hindi mapigilan ang sarili ko. Tuluyan na kong lumapit sa kanila. Napatingin sakin si Paul, nakangiti. Pero hindi ko siya binigyan ng reaksyon.

"Deina," tawag niya.

Doon palang napalingon sakin si Eunise na hindi pa nawawala ang mga ngiti sa labi.

MY GUARDIAN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon