Chapter 10

27 5 1
                                    


Habang magkayakap kami ni Paul ay bumukas ang pinto kung saan dinala si nanay. Mabilis akong umalis sa yakap ni Paul at pareho naming hinarap ang Doctor na lumabas.

"Doc, ayos na po ba si nanay? Gising na po ba siya? Nasan po siya?? Doc, ano?" sunod sunod na tanong ko.

Bumuntong hininga ang Doctor at diretsong tumingin sa mga mata ko.

"Sorry hija, ginawa namin ang lahat pero wala na." Mahinang sabi niya.

Parang bigla akong nabingi sa narinig ko. Huminto ang paligid ko. Nagtuloy tuloy ang luha ko. Napaupo ako at tsaka humagulgol. Nilapitan ako ni Paul at hinawakan sa balikat.

"N-nay...h-hindi pwede nay!! P-Please.." humihikbing sabi ko.

Kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo. Tinulungan ako ni Paul. Dahan dahan akong inalakad ang mga paa ko papunta sa room ni nanay.

Bawat hakbang ay siya namang tusok sa puso ko. Bawat hakbang ay ramdam ko ang pangangatog ng mga binti ko. Pano ko nakakayang lumakad?

Huminto ako sa harap ng pinto at tinakpan ang bibig ko. Hindi ko kaya. Pag nakita ko si nanay ay parang tinanggap ko na rin na wala na siya.

"Deina..." mahinang tawag sakin ni Paul at hinagod ang likod ko.

Hindi ko siya sinagot. Kahit nanginginig ang kamay ko ay hinawakan ko parin ang knob ng pinto. Unti unti kong pinihit iyon para mag bukas.

"Nay..." mahinang tawag ko ng makita ko siya na nakahiga sa kama at balot na ng puting kumot.

Mabilis akong kumilos at lumapit sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan. Hindi ko alam kung kaya ko ba syang hawakan. Napaupo ako sa gilid niya at doon umiyak ng umiyak.

"Nay... ang daya mo n-naman eh, sabi m-mo di mo ko iiwan?" mahinang sabi ko sa kanya.

Habang humahagulgol dahan dahan akong tumayo upang tanggalin ang kumot na nasa mukha ni nanay. Habang tinatanggal iyon ay siya ring pagbagsak ng luha ko sa kumot.

Nang matanggal ang kumot at masilayan ang mukha niya. Lahat ng mga sinabi niya sakin noon ay pumasok sa isipan ko. Lahat ay naririnig ko, na parang nasa tabi ko lang siya ngayon.

"Ang ganda ganda talaga ng anak ko,"

"Syempre naman!! Para sa nag iisa kong anak at prinsesa!"

"Pag butihan mo ang pag aaral mo ha? Yun lang ang kailangan mong gawin para makabawi sakin,"

"Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari ay hindi kita iiwan."

"Pero nasan na po kayo nay??" mahinang iyak ko at hinawakan ang mukha niya.

Tinitigan ko ang magandang mukha niya. Ang mga mata nyang nakapikit. Ang mga labi nyang maputla na. Kinabisado ko ang bawat detalye ng mukha niya. Ang nanay ko. Kahit sa huling sandali.

"Nay, kung n-nasan man po kayo ngayon ay s-sana hindi na kayo n-nahihirapan..." humihikbing sabi ko.

Hinalikan ko ang noo nya at kasabay non ay pagtulo ng mga luha ko. Sobrang sakit na hinahalikan ko na siya ngayon para magpaalam at hindi na siya makikita. Sobrang sakit na wala na kong hahalikan bago ko umalis ng bahay. Sobrang sakit na tinitignan ko ang walang buhay kong nanay.

Napatingin ako sa pinto ng pumasok ang apat na nurse, kasunod nila si Paul na dumiretso sakin.

"Kukunin na po namin siya," sabi nung isang babae.

Sa huling sandali ay hinawakan ko ang mukha ni nanay. Hinarap ko ang mga nurse at dahan dahang tumango.

Hinila ni Paul ang braso ko at isinubsob ako sa dibdib niya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit at doon nag tuloy tuloy ang tulo ng luha ko. Hindi ko mapigilang manghina ng marinig kong inilalabas na nila si nanay sa kwarto.

MY GUARDIAN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon