Kinabukasan ay maaga kong pumasok. Si Nanay naman ay naiwan sa bahay. Sabi niya ay wala daw ang mga amo niya dahil nasa out of town. Mabuti na rin yon para makapag pahinga siya.Naglalakad ako ngayon sa hallway ng building namin. Sa second floor. Hinahanap ko kase yung teacher namin sa A.P. Inutusan akong checkan lahat ng papers ng mga kaklase ko. Kailangan na daw niya to ngayong araw.
Kanina pa ko palakad lakad. Nakarating na din ako sa ibang building pero hindi ko siya mahanap.
Sa totoo lang ay tinatamad na ko. Ayokong ayoko ay yung naghahanap.
"Deina! Sino hinahanap mo?" tanong sakin ni Geoffrey. Manliligaw ko dati.
Actually, siya nga lang yung manliligaw ko na sinunod ako na wag na kong ligawan. Nirespeto niya yung desisyon ko pero sabi nya hindi daw ibig sabihin non na wala na syang gusto sakin.
"Nakita mo ba si Ma'am Rodriguez?" tanong ko.
"Ahh, oo! Nasa third floor siya ngayon!" napangiti ako.
"Sige!! Salamat ha," di ko na siya hinintay sumagot.
Patakbo na kong umakyat sa third floor. Pag tungtong sa panglimang baitang ng hagdan ay nadulas ako.
Hinintay kong bumagsak ako. Pero bago pa mangyari yon ay may humawak na sakin.
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
Nalaglag ang mga dala kong papers. Nagkalat iyon sa daan. Kaya minadali kong pulutin yon. Hindi pa tapos sa pagpupulot ay tumayo ako upang mag pasalamat sa tumulong sakin.
"Thank-" napahinto nalang ako nang makita kong wala namang tao sa paligid ko.
Bumaba ako at tinignan ang hallway kung umalis na sya pero wala kong nakita na naglalakad. Tahimik ang hallway.
"Nasan na yon?" naramdaman kong humangin ng malakas.
Napatingin ako sa mga papers na hindi ko pa napupulot. Yumuko ako para kunin yon pero nilipad yon kaya sinundan ko.
Pagkapulot ko non ay nahagip ng paningin ko ang isang pirasong papel na nakataob.
Hindi lang iyon isang ordinaryong papel. Kagaya yon ng mga napupulot ko.
Nilapitan ko yon pinulot. May nakasulat don kaya binasa ko.
"If you can't see where you are going, stop and ask me for directions"
Tinignan ko ulit ang paligid ko pero wala ng ibang tao maliban sakin at kay kuyang nagwawalis. Kung hindi ko nakita yung tumulong sakin, baka naman nakita ni kuya?
Pinulot ko ang ibang papers na nakakalat. Nilapitan ko si Kuya.
"Kuya!!" tawag ko. Napatingin siya.
"Bakit?, hija"
"May nakita po ba kayong tao dito kanina? Siguro mga 10 mins. ago??"
nag isip siya."Wala hija, kanina pa ko rito pero wala naman ng dumaan..." sagot niya.
Napabuntong hininga ako.
Bat parang ang bilis naman nyang umalis? Ilang segundo lang naman ako nagpulot ng mga nahulog na papers. Hindi nga lahat ay napulot ko dahil gusto ko agad mag pasalamat sa kanya.
Naglakad na ulit ako papunta sa hagdan. Umakyat ako ng puno ng pag iingat. Pag dating sa third floor. Hinanap ko agad sa bawat room si Maam Rodriguez.
Sinilip ko isa isa ang pinto na madadaanan ko. Napahinto ako sa huling pinto dahil doon ko sya nakita.
Kumatok ako. Napatingin sakin ang mga tao don pero kay Maam lang ako tumingin.

BINABASA MO ANG
MY GUARDIAN ANGEL
Romance"Angels around us, angels beside us, angels within us." Si Deina Gail ay bata pa lamang ay puro kahirapan na ang nararanasan. Kasama ang ina ngunit kailan man ay hindi nakita ang ama. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya sumuko sa buhay dahil nandyan...