Chapter 2

133 11 1
                                    


Ngayon ay naglalakad ako papunta sa school. Tuesday.

Maaga kong nagising kanina kaya napagdesisyunan ko na maaga nalang din pumasok. Si nanay naman ay maagang umalis para pumunta sa mansyon ng mga Del Juan.

Excited nanaman akong pumasok dahil alam kong magtatanim nanaman kami mamaya ni Teacher Grace.

Maganda ang sikat ng araw ngayon, sariwa ang simoy ng hangin at naririnig ko ang bawat huni ng mga ibon. Sobrang gandang gumising kung ganito ang makikita mo pag bukas ng mga mata mo. Nakakarelax.

Pag dating sa school ay dumiretso ako sa room ni Teacher Grace, pero nadatnan kong walang tao don kaya pumunta nalang ako sa room.

Tulad ng kahapon ay nakinig lamang ako sa guro namin. Pag tapos ng klase ay nag labasan na ang mga kaklase ko, nahuli ako sa pag labas dahil inayos ko pa ang mga gamit ko.

Pag tapos ayusin ay lumabas na ko sa room at patakbong pumunta sa room ni Teacher Grace, napangiti ako ng makita sya na nag aayos ng halaman.

"Teacher Grace!!!" napatingin siya sa gawi ko, ngumiti ako at kumaway.

"Deina!!!" lumapit siya sakin at yumakap.

"Magdidilig po tayo ngayon?" tanong ko. Tumango siya.

Kinuha ko na ang pandilig at masayang nag dilig ng mga halaman.

"Buti naman po Teacher at hindi sila nalanta. Sobrang saya ko po habang nagtatanim kahapon, isa po talaga ito sa libangan ko---" napahinto ako sa pag sasalita ng makita ko syang nakatingin sakin at nakangiti.

Binaba ko ang pandilig at lumapit sa kanya.

"Bakit po Teacher? May problema po ba??" nag aalalang tanong ko.

Ngumiti siya at umupo sa harap ko upang mag pantay ang tingin namin.

Hinawakan nya ang mukha ko.

"Alam mo Deina Gail, sobrang swerte sayo ng Nanay mo. Sobrang swerte niya dahil may anak siya na tulad mo," niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"At swerte din po ako kase meron akong Teacher Grace at Nanay!!!" naramdaman kong tumawa siya.

Hinarap ko siya at hinawakan sa pisngi.

"Maraming salamat po dahil nandyan kayo pag may problema ko na hindi ko masabi kay nanay," kinurot niya ko sa pisngi. Tumayo siya.

"Tara, bumili tayo ng merienda pero maghugas muna tayo ng kamay," tumango naman ako.

Naghugas kami ng kamay pag tapos ay lumabas kami ng school para bumili ng streetfoods sa labas. Tuwing hapon kase ay may nagtitinda ng mga streetfoods sa labas ng school namin.

Sobrang dami ng binili sakin ni Teacher Grace kaya busog na busog ako.

"Thank you po, Teacher Grace!!" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Welcome, Deina!!! Sige na umuwi ka na dahil baka gabihin ka pa sa daan, mag ingat ka ha?" tumango ako.

Naglakad na ko palayo sa kanya.

Pag dating sa bahay, wala pa si Nanay. Umakyat ako sa kwarto upang mag bihis. Pagbaba ay dumiretso ako sa labas ng bahay upang pumunta sa puno. Umupo ako sa duyan.

Dala dala ko ang mga gamit sa pag guhit. Naisip ko na mas maganda kung kaharap ko mismo ang iguguhit ko. Nakakarelax din ang tanawin.

Habang gumuguhit ay naalala ko ang tatay ko. Pano kung kasama ko parin hanggang ngayon ang tatay ko? Ganito kaya ang magiging buhay namin? Ang sabi kase ni nanay, mayaman daw ang tatay ko.

MY GUARDIAN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon