Chapter 17

29 5 0
                                    


Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko. Napatingin ako sa hawak kong mga rosas. Inangat ko ulit ang tingin sa kanya tsaka dahang dahan lumapit at tumabi sa kanya.

Hindi niya ko nilingon.

"Hmm..may kailangan ka din na malaman," mahinang sabi ko.

Tinignan niya ko pero muli rin ibinalik ang tingin sa harapan.

"Sabihin mo muna ang sayo, bago ko sabihin ang sakin." Seryosong sabi niya.

Tumango ako kahit na hindi siya sakin nakatingin.

Di ko alam kung bakit kinakabahan ako. Kailangan niya tong malaman. Wala namang masama diba? Mas mapapadali ang mission namin, ilang araw nalang din naman at matatapos na ang mission.

Matatapos na...

"Kami na ni Paul..." mahinang sabi ko. Nakatingin lang ako sa kanya ngunit hindi manlang siya lumingon sakin.

"Kailan pa?"

"Kahapon lang..." napalunok ako.

Tumango tango lang siya at tumalikod sakin upang lumapit sa duyan at umupo don.

"Come here."

Hindi ako aalis sa kinatatayuan ko kung hindi niya lang ako tinawag. Dahan dahan akong umupo sa tabi niya at ipinatong sa mga hita ko ang rosas. Napatingin pa siya don.

"Diba may sasabihin ka sakin??" tanong ko.

Napalingon siya at tumango.

"About mission,"

"Mission??" nagugulat kong tanong.

Akala ko ba ay ayos na? I mean maliwanag na din naman sakin ang gagawin, ang wag mahulog sa kanya. Kinakabahan naman ako.

Tumango sya. "Yeah, nakausap ko kanina si Master."

Nakuha niya ang buong atensyon ko. Sabik na sabik malaman ang pinagusapan nila.

"A-Anong sabi?? Makakabalik ka na sa katawan mo?" tanong ko.

"Hindi pa." Iling niya.

Nanlumo naman ako.

"Eh ano??"

"Dinagdagan niya ang araw. Binigyan niya pa tayo ng one month. Na sana ay hindi nalang," umiiling nyang sabi.
"Bakit daw??" naguguluhan na tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "Ewan...pinapahirapan ata tayo,"

"Panong pinapahirapan Xavien?? Di ko maintindihan,"

Nilingon niya ko tsaka bumuntong hininga.

"Deina, ayos na yung 21 days eh...kase malapit ng matapos. Walang nahuhulog satin. Pero dinagdagan niya pa, mas natagalan pa." Paliwanag niya.

"Tapos??"

Eh ano naman?

"Hindi ka ba natatakot? Mas matagal ay ibig sabihin mas matagal din kitang makakasama. Hindi naten alam ang mangyayare sa susunod. Baka mamaya ay hindi na naten makontrol ang nararamdaman n-natin," nagiwas siya ng tingin.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Napaiwas ako ng tingin. Oo nga. Tama naman yung sinabi niya may point siya. Baka mas lalo kaming mahirapan.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Natahimik ako.

Kaya ko namang kontrolin ang nararamdaman ko. Kakayanin ko dahil gusto ko syang tulungan. Sana ay tulungan din niya ang sarili niya.

Napalingon ako sa kanya ng tumayo siya at inilahad ang kamay sakin.

MY GUARDIAN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon