Chapter 13

34 6 4
                                    


Ngayon ay nandito kami lahat sa gym upang magpractice ng sayaw para sa JS. Hindi ako makahindi sa mga kaklase ko. Tinanong kase ng teacher namin kanina kung sino sino ang sasali, nagulat ako ng mag isa lang akong hindi nagtaas ng kamay. Lahat tuloy sila ay napatingin sakin.

"Sumali ka na Deina!! Minsan lang to!!" biglang sigaw ni Kath.

Umiling iling naman ako. Ayoko talaga.

"Sige na Deina, para kumpleto tayo!!" sigaw din ng isa. Napatingin naman ako sa kanya.

Yung ibang kaklase ko naman ay tumatango sakin. Sumasang ayon sa gusto ng dalawa kong kaklase.

"Ano, Deina? Matatanggihan mo ba ang mga kaklase mo?" tanong naman sakin ng guro namin.

Napanguso ako. Mukhang wala na kong magagawa. Hindi ko ito napag isipang mabuti. Wala akong oras na pag isipan ito. Kay Xavien palang ay ang dami ko ng problema. Wala na kong kawala. Isa lang ako tas marami sila. Buset.

Unti unti akong tumango. Naghiyawan naman ang ibang kaklase ko.

"Sana ako makapartner niya," rinig ko pang sabi nung isa kong kaklase na lalaki.

"Saken siya tol!" sagot naman nung isa.

Napailing nalang ako.

Kaya ayon. Nandito ko sa gym kahit na labag sa loob ko. May parte naman sakin na gustong sumali pero mas lamang parin ang ayaw. Hindi kase ako mahilig sa mga gantong event. Nung nakaraan ngang Valentines day ay nasa library lang ako para magbasa. Sila naman ay nagsasaya sa bawat booth.

Umakyat na sa stage ang dalawang teacher na magtuturo samin. Pinagpartner partner na rin naman kami. Buti nalang at tahimik ang naging kapartner ko. Baka kase pag makulit ang nakapartner ko ay masapak ko lang.

Tinuro samin ang bawat gagawin habang nagsasayaw. Wag masyadong hihigpitan ang hawak sa kapartner, maliban kung sasaluhin mo ito. Wag masyadong galaw ng galaw kapag hindi pa nag uumpisa ang sayaw. Lagi lang nakatingin sa mata ng kapartner. Sinabi din samin ang iba pang mangyayare sa event.

Makalipas ang ilang oras ay natapos din ang practice. Kanya kanya kaming balik sa room. Buti nalang at uwian na namin kaya tuloy tuloy na ang pahinga namin. Ganto din naman ang mangyayare bukas at sa mga susunod pang araw hanggang dumating ang araw ng JS.

Bago ako bumalik sa room ay pumunta muna kong canteen para bumili ng tubig. Nang makabili ay tsaka lamang ako bumalik sa room. Konti nalang ang nadatnan ko don dahil nga ang iba ay umuwi na.

Sa totoo lang ay wala talaga kong masyadong kasundo sa room o sa mga kaklase ko. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila, ayoko lang talaga ng maingay. Gusto ko ng tahimik na buhay. Pinapansin ko naman sila kapag may tinatanong sila sakin. Tanong tas sagot, ganon lang lagi.

Kinuha ko na ang bag ko at naglakad na palabas ng room. Buti nalang at wala naman kaming assignment ngayon kaya pwede na talaga kong mamahinga sa bahay.

Pagdating sa bahay nagbihis ako bago pumunta sa ilalim ng punong mangga. Buti nalang at hindi tirik ang araw ngayon. Makulimlim. Malakas din ang hangin kaya napandesisyunan ko na dito na nga lang sa duyan matulog.

Ewan ko pero may konting bigo akong naramdaman ng wala akong madatnan don. Pero wala naman kase kaming usapan na magkikita ulit kami kaya siguro hindi talaga siya pupunta.

Napailing nalang ako sa naiisip ko.

Dahan dahan akong umupo sa duyan tsaka tuluyang humiga. Ginawa kong unan ang pareho kong braso.

Napatingin ako sa puno ng makita kong may dalawang ibon na dumapo doon. Napangiti ako. Nakakakatuwa dahil parang nag aaway pa sila.

Pinikit ko ang mga mata ko. Dahan dahan din na umuugoy ang duyan kaya mas lalo lang akong inantok.

MY GUARDIAN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon