Nandito kami ngayon ni Tatay sa rentahan ng gown. Nasabi ko kase sa kanya na may magaganap na JS Prom sa school, kaya ayon inaya niya kong bumili. Sinabi ko naman na wag na pero sabi nya ay kahit eto lang daw ay makabawi siya. Maaga niya din kase akong pinuntahan sa bahay kanina. May dala din syang pagkain."Eto anak? Ayaw mo ba neto?" tanong niya.
Napatingin naman ako sa hawak niya. Maganda naman yon. Gusto ko talagang kulay ay black. Pero kulay pula ang pinakita niya.
"Hmm..maganda naman po, pero gusto ko po sana ay black.." sabi ko.
Mabilis naman syang tumango at naghanap ng black na gown. Ganon din ang ginawa ko. Naglakad lakad ako dahil baka nga makakita ko ng black. Yung iba ay hindi ko nagugustuhan dahil masyadong kita ang balat. Yung iba naman ay kita ang kaluluwa pagsinoot.
"Anak!! Eto ba??" lumapit sakin si tatay.
Napaawang ang bibig ko sa bitbit niya.
"Wow!!! Ang ganda naman po nyan Tay!!" tuwang tuwa na sabi ko.
Halos magningning ang mga mata ko dahil sa dala niya. Pasok na pasok talaga sa gusto ko! Simple lang yon pero maganda. Kulay itim pa at medyo malobo sa baba.
"Tara isukat mo!!" binigay sakin yon ni tatay.
Patakbo naman akong pumunta sa banyo para magpalit. Medyo nahirapan pa ko. Nang masuot ko na ang gown ay gusto kong maiyak dahil sobrang ganda non!
Lumabas ako sa banyo at pinuntahan si Tatay. Nakita ko syang nakatalikod sakin at tinitignan pa ang bawat gown.
"Tay!!" tawag ko.
Napalingon naman siya sakin. Kita ko ang gulat sa mga mata niya at ang saya. Lumapit ako.
"Maganda po ba tay? Bagay po ba sakin?" ngiting tanong ko at umikot.
"Bagay na bagay sayo, Deina!! Kasing ganda ka ng nanay mo..." nakangiting sabi niya.
Parang umalon ang puso ko sa narinig. Napayakap ako sa kanya.
"Thank you po, tay!!!"
"Kahit ano basta ikaw Deina.."
Mas lalo akong napayakap.
Bumalik na ulit ako sa banyo upang hubarin ang gown. Mas lalo naman akog natuwa dahil binili yon ni Tatay. Hindi ko akalain na bibilin niya yon!
"Tay...pwede naman pong rent lang," nahihiyang sabi ko.
Napatingin siya sakin at ngumiti. "Simpleng bagay lang to Deina...madami pa kong pagkukulang sayo."
Napakaswerte ko pala sa tatay ko...
Matapos bumili ay gumala pa kami. Dinala pa niya ko sa isang restaurant. Ang sabi ko naman ay kahit sa simpleng kainan pero makulit siya at hindi pumayag. Alam kong mahal ang mga pagkain dito kaya talagang inubos ko yon.
Bigla lang akong natigilan sa pagkain ng pumasok sa isip ko si Paul. Naalala ko nung lagi niya kong dinadala sa paborito namin na kainan. Nakakamiss din pala.
Napailing nalang ako sa naisip ko at pinagpatuloy ang pagkain.
Nang matapos kumain ay umuwi na kami. Sobrang saya ko sa araw na to. Kahit sa biyahe ay hindi naalis ang paningin ko sa gown na binili namin. Sobrang gandang ganda talaga ko don. Ngayon lang ako nakaramdam ng excitement sa JS namin!
"Sana ay nagenjoy ka sa araw na to." Sabi ni Tatay ng ihatid niya ko sa bahay.
Ngumiti ako sa kanya. "Sobrang saya ko po!! Maraming salamat po talaga!!!"
Niyakap ko siya saglit.
"So pano? Mauna na ko, isara mo ang pinto pagkaalis ko ha?"
"Opo!! Ingat po kayo Tay!!"
Tumango siya at tinalikuran na ko. Hindi maalis ang mga ngiti ko habang tinatanaw ang sasakyan niya. Hanggang sa pagpasok ko sa kwarto ramdam ko parin ang saya.
Sinabit ko ang gown. Tsaka iyon tinignan. Hindi parin ako makapaniwala na sakin na yon. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.
Humiga na ko sa kama at natulog. Naubos ang oras namin ni Tatay sa kakahanap ng gown kaya medyo ginabi na din kami ng uwi.
Mabilis na nagdaan ang araw. Paulit ulit lang ang nangyare. Kada matatapos ang klase ay pupunta agad kami sa gym para magpractice. Kung dati ay ayokong magpractice ngayon naman ay sabik na sabik na ko. Minsan nga ay iniimagine ko na suot ko ang gown. Hindi parin talaga ko makamove on sa gown na yon!
Si Tatay naman ay walang araw na hindi siya pumunta sa bahay. Natutuwa naman ako dahil may oras siya sakin. Lagi niya rin akong dinadalan ng pagkain. Minsan naman ay nagluluto siya. May araw nga na ako ang pinagluto niya, sobrang kinakabahan ako non dahil medyo hindi ko pa alam ang gagawin. Pero mabilis naman akong natuto.
Nagresign na rin ako sa trabaho ko. Hindi naman sa ayoko ng makita si Paul. Si Tatay ang nagsabi sakin na hindi ko na daw kailangan magtrabaho dahil nandito naman na daw siya. Syempre naman ay nalungkot ako nung umalis na ko sa trabaho. Si Princess nga ay naiyak pa.
"Thank you sa inyong lahat!!! See you soon!!" nakangiti kong sabi sa kanila.
Ngumiti naman sila sakin.
"Thank you den sayo, Deina!!" naiiyak pang sabi ng amo namin.
Natawa naman ako. "Always Welcome po, ma'am!! Dadalaw po ako dito minsan.."
Nakangiti naman syang tumango. "Sure!!"
Wala si Paul sa araw na umalis ako sa cafe. Wala na din akong balita sa kanya. Unti unti ko na rin naman na natatanggap.
Pero sa mga nagdaan na araw na yon ay hindi ko siya nakita. Hindi soya nagpaparamdam. Sobrang dami kong gustong ikwento sa kanya. Lagi ko syang hinihintay at nagbabakasakali na dumating siya. Pero walang Xavien ang nagpapakita.
Umihip ang malakas na hangin. Nakahiga ako ngayon sa duyan at pinagmamasdan ang magandang ulap na tinatakpan ang sinag ng araw.
Kanina pa ko dito. Hindi ko na itatanggi na hinihintay ko siya. Bakit ba kase wala siya? Nasan ba si Xavien? Bakit hindi siya nagpaparamdam sakin?
Ang daming kong naiisip na hindi maganda. Sobrang napaparanoid na ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Walang oras na hindi siya pumasok sa isip ko.
"Nasan ka na ba Xavien?" mahinang tanong ko.
Makalipas ang ilang oras ay medyo dumidilim na ang paligid. Napagdesisyunan ko na bumalik na sa bahay. Wala din nagpakita sakin na Xavien.
Buti nalang talaga at dinalhan ako ni tatay ng pagkain kanina kaya hindi na ko magluluto ngayong gabi. Mabilis lang ako na kumain at agad na pumunta sa kwarto.
Habang papalapit ako sa kama ay napatingin ako sa paanan ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko.
Yumuko ako para kunin yon. Matagal na kong hindi nakakakita ng gantong papel. Ngayon nalang ulit. Na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung kanino nanggagaling.
"Always remember, my heart holds you when my arms cannot."
Parang bumigat ang puso ko sa nabasa.
BINABASA MO ANG
MY GUARDIAN ANGEL
Romance"Angels around us, angels beside us, angels within us." Si Deina Gail ay bata pa lamang ay puro kahirapan na ang nararanasan. Kasama ang ina ngunit kailan man ay hindi nakita ang ama. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya sumuko sa buhay dahil nandyan...