Chapter 24

23 2 0
                                    


Niyakap lang niya ko at hinayaan akong umiyak hanggang sa medyo kumalma na ko. Humiwalay ako sa yakap at pinunasan ang sariling luha.

Natigilan lang ako sa pagpupunas ng hawakan niya ang baba ko at inangat upang magtama ang mga mata namin.

"Sa tuwing kasama kita...lagi ka nalang umiiyak." Mahinang sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko.

Hindi ako nagsalita. Napaiwas lang ako ng tingin dahil sa kahihiyan.

"Tara, mamahinga ka muna. Masyado kang broken ngayon," natatawang sabi niya.

"Para kang bakla!"

"Kiss kita dyan eh."

Natahimik naman ako. Umiiling iling siya sakin. Nauna syang pumasok sa bahay na parang kanya yon. Nahiya ako. Sumunod ako sa kanya. Hindi na ko nakapasok sa araw na to. Paniguradong marami nanaman akong gagawin bukas.

Dumiretso kami sa kwarto. Nang makapasok ay umupo siya sa kama. Napatingin siya sakin ng makitang nasa pinto lang ako.

"Come here." Utos niya.

Napabuntong hininga naman ako at lumapit.

Umaga palang ay ramdam ko na ang pagod. Parang gusto ko nalang mahiga sa kama at matulog ng matulog. Gusto ko ng mahabang pahinga.

Nang makalapit ay hinila niya ang kamay ko upang mas lalong mapalapit sa kanya. Nakatayo ako sa harapan niya samantalang sya ay nakaupo at nakatingala sakin.

"What happened?" kunot noong tanong niya.

Napaiwas naman ako ng tingin dahil alam kong kailangan ko nanaman magkwento. Alam kong hindi siya papayag na hindi nya malaman ang nangyare. Nahuli siya ng dating.

"Tapos na kami. A-Ayoko na..." mahinang sambit ko.

Tumango siya at ngumiti sakin. "Dadating talaga yung araw na iiwan mo ang bagay na nakakapagpasaya sayo kapalit ng ibang bagay na makakabuti para sayo."

Para kong tinamaan sa sinabi niya. Dahil totoo naman yon. Hindi ko lang talaga inaasahan na mangyayare agad to samin ni Paul. Nagsisimula palang kami ay agad ng natapos.

"Hayaan na. Tapos na eh," simpleng sagot ko.

"Wow ha. Okay ka na?" tawa niya.

Napanguso naman ako. "Malamang hindi pa,"

Hinila niya ko tsaka niyakap ang bewang ko. Natigilan ako sa ginawa niya. Nagugulat pa akong tumingin sa kanya pero hindi sya nakatingin sakin.

"Kailangan ko ng pahinga," mahinang sabi niya.

Hindi ako sumagot. Katamtaman ang pagkakayakap niya sakin. Pwede naman akong gumalaw pero hindi ko magawa.

May mali sa nararamdaman ko.

Bumitiw siya sa yakap at tumayo. Napaatras pa ko dahil sobrang lapit namin. Shit. Nagwawala ang puso ko na parang gusto nito na lumabas.

Bawal. Bawal lumabas.

"Take a rest. Alam kong pagod ka ngayong araw," ngiti niya at pinatong ang palad sa ulo ko tsaka ito ginulo.

Agad ko namang inalis ang kamay niya. Buset.

Sumampa na ko sa kama. Sobrang nakakapagod ngayong araw. Puso ang sinaktan pero ramdam ko ang sakit sa buong katawan ko. Hindi ko alam kung pano kinakaya ang lahat. Hindi ko alam kung san ako kumukuha ng lakas.

Napatingin ako sa kinatatayuan ni Xavien pero wala na siya don. Napabuntong hininga nalang ako at natulog.

Nagising lang ako sa magkakasunod na katok. Napatingin ako sa wall clock. Matagal tagal din pala akong nakatulog. Mabuti na rin yon, atleast naging mahaba ang pahinga ko.

Tumayo na ko at medyo nag ayos dahil nakakahiya naman ang itsura ko kapag bagong gising. Bumaba na ko sa sala at binuksan ang pinto. Tila natauhan naman ako sa nakita.

"Tay..." mahinang tawag ko.

Nakangiti siya sakin. "Sorry. Naabala ba kita sa pagtulog?"

Umiling naman ako. "Hindi naman po...tara tuloy po kayo,"

Binuksan ko ang pinto para makapasok siya. Nauna kong maglakad at sumunod naman siya.

"Sorry po kung makalat.." nahihiya kong sabi.

Hindi na kase ako nakakapagligpit ng bahay. Wala na kong oras para magligpit. Puro problema na ang dumadating sakin, kaya bakit ko pa dadagdagan?

"Ayos lang anak" ngiti niya sakin.

Napatingin sya sa dala niya. "Dinalan kita ng pagkain..sana magustuhan mo.."

Inabot ko naman yon. "Upo muna po kayo, hahanda ko lang po ito,"

Tumango naman siya at umupo. Mabilis akong pumunta sa kusina at naghanap ng mga paglalagyan ng mga pagkain na binigay niya. Madami ang mga yon at amoy palang ay masarap na. Nangingiti akong inamoy yon. Nakakagutom.

Pagtapos ihain ay naglakad ako sa sala upang tawagin sya. Natigilan ako ng nakatalikod siya sakin at tinitignan ang mga picture frames. Hawak niya ang isa. Kaming dalawa ni nanay.

"Tay, tara na po." ngiti ko.

Medyo nahihiya pa ko dahil hindi pa ko sanay.

Napatingin siya sakin at binaba ang hawak na picture frame. Nauna na ko sa kusina at umupo sa isang upuan. Hinintay ko siya na makaupo bago nagsimulang kumuha ng gusto ko.

Naeexcite akong tikman lahat. Sa tingin ko talaga ay masarap lahat yon. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Nakakagutom talaga!

"Luto ko yan anak.." mahinang sabi niya.

Natigilan naman ako sa pagkuha at napatingin sa kanya. "Talaga po??"

Nakangiti naman syang tumango tango. "Pinaghandaan ko talaga yan, sana magustuhan mo.."

Tumango naman ako at itinuloy ang pagkuha ng pagkain. Sumubo ako at dahan dahan na nginuya iyon. Alam kong nakatingin siya sakin.

"Ano? Pag hindi masarap ay magluluto nalang ako ul-"

"Sobrang sarap po!!!" ngiti ko.

Nakita ko ang pagliwanag ng mga mata nya at unti unti din syang napangiti. Kita kong nangilid ang luha niya.

"Mabuti naman kung ganon, sobrang saya ko anak.." pigil ang emosyon na sabi niya.

Naramdaman ko din na nag init ang gilid ng mga mata ko. "A-Ako din po, sobrang saya ko ngayon..."

Mas lalo syang napangiti. Tumayo siya at lumapit sakin tsaka ako niyakap mula sa likod. Naramdaman ko pang kiniss niya ang ulo ko.

"Sana ay mapatawad mo ko. Babawi ako sayo anak," rinig kong sabi niya.

Tumango naman ako at pinunasan ang mga luha. Lumayo siya sakin at bumalik sa upuan nya.

"Tara kain na tayo!!" ngiti niya.

Masaya ko naman na pinagpatuloy ang pagkain ko. Madami kaming napagusapan. Tinuro pa nya sakin kung pano lutuin ang isa sa mga dinala niya. Talagang nakinig ako.

Masaya ang naging usapan namin. Napadami din ang kain ko. Tawang tawa nga siya sakin dahil mas marami pa daw akong nakain kesa sa kanya.

Nang matapos namin kumain ay tinulungan pa nya kong ayusin ang pinagkainan. Kahit na sinabi ko na wag na ay hindi siya tumigil na punasan ang lamesa kaya hinayaan ko nalang at ako ang nag urong.

"Pag may kailangan ka ay wag kang mahihiyang tumawag sakin ha?"

Binigay na din niya kase sakin ang number nya kanina. "Opo tay!! Maraming salamat po!!" tsaka ko siya niyakap.

Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero naramdaman kong niyakap niya rin ako. Napangiti ako.

"Thank you anak." Bulong niya.

MY GUARDIAN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon