Chapter 19

16 4 0
                                    


Paglabas ng bahay patakbo din kaming pumunta sa punong mangga. Buti nalang at hindi masyadong mainit. Presko ang hangin.

"Hay..." buntong hininga niya ng marating namin ang duyan. Umupo siya don at tinitigan ang tanawin.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Nakatingin lamang ako sa kanya. Napatingin tuloy siya sakin.

"Di ka uupo? Sige ha dyan ka lang hanggang mamaya," tatango tango pang sabi niya.

Napanguso ako bago lumakad papalapit sa tabi niya at umupo.

Pareho lang kaming tahimik na pinagmamasdan ang tanawin. Ang maingay lang ay ang huni ng mga ibon. Marahan na umuugoy ang duyan.

Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni nanay. Napangiti ako.

Sana ay buhay pa siya ngayon. Namimiss ko na ang yakap nya. Miss na miss ko na rin ang ngiti sa mga labi niya. Tuwing nilalambing niya ko. Tuwing pinagluluto niya ko. Lagi nyang pinaparamdam na mahal niya ko.

Miss na miss na kita nay...

Umihip ang malakas na hangin na tila niyayakap ako non. Napapikit ako dahil sandaling gumaan ang pakiramdam ko.

"Deina," rinig kong tawag niya.

Napalingon ako. Hinihintay ang sasabihin niya.

"Magkwento ka naman,"

Natawa naman ako ng bahagya. "Ano naman ang ikukwento ko?"

Nag iwas siya ng tingin. "Kahit ano, ikaw bahala."

Tumango naman ako at binalik ang tingin sa tanawin. Ang gandang pagmasdan. Napakapayapa.

"Si Nanay, miss na miss ko na siya.." simula ko.

Napatingin siya sakin. Hinihintay ang sunod na sasabihin ko.

"Walang araw na hindi siya nawala sa isip ko. Lagi kong iniisip kung nasan siya ngayon, kung anong ginagawa niya...kung lagi ba siyang nasa tabi ko." Patuloy ko.

Ramdam ko parin ang titig niya. Hindi niya yon inalis.

"Lagi ko pang sinasabi sa sarili ko nung bata pa ko na...gusto kong bumawi. Gusto kong tulungan siya. Gusto kong ako naman yung magtatrabaho...at siya naman ang nasa bahay lang, nagpapahinga."

"Kung may paraan man na lumaki agad ay hindi talaga ko madadalawang isip na gawin iyon...matulungan lang siya." Napalingon ako sa kanya. Nagtama ang mga mata namin.

"Alam mo kung ano yung masakit?" tanong ko.

"Ano?"

"Yun yung kung kailan may trabaho na ko at matutulungan ko na siya...ay tsaka pa siya n-nawala," ramdam ko ang pagbara ng lalamunan ko.

Hindi ko alam kung bakit gusto ko itong ilabas sa kanya ngayon. Parang may tumutulak sakin na sabihin ang nararamdaman ko.

Tinignan ko ulit ang tanawin at mariin na napapikit.

"G-Gusto kong bumawi Xavien..gustong gusto, pero bakit hindi man lang niya ko p-pinagbigyan?" doon tumulo ang luha ko.

Bakit ako umiiyak ngayon? Matagal na yun e. Tapos na. Pero bakit parang kahapon lang nangyare ang lahat? Bakit bumabalik ang sakit?

Hindi parin siya nagsasalita.

"Gusto kong magalit kay n-nanay, pero hindi ko magawa. Hinding hindi ko magagawa. K-Kase hindi ko naman kaya..." iyak ko.

Hindi ko naman talaga kayang magalit kay nanay e.

"Bumawi ka parin kahit wala na siya, Deina," rinig kong sabi niya.

MY GUARDIAN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon