Binantayan ko ang mga studyante ni Teacher Grace hanggang sa makabalik siya galing meeting. Ang sabi pa nga niya ay babawi nalang daw siya sakin next time.Nagkwentuhan kami saglit pero nagpaalam na ko nung mag aalas kwatro na.
"Maraming salamat talaga, Deina.." hinatid niya ko hanggang sa labas ng school.
"Always welcome, teacher Grace!! Tsaka nag enjoy naman po akong bantayan sila, sana po ay maulit ulit,"
napangiti siya."Oo naman! Makakaasa ka! O'sya sige na, baka gabihin ka pa sa daan. Mag iingat ka ha?" tumango ako. Niyakap niya muna ko bago ko siya talikuran.
Nagsimula na kong maglakad pauwi. Hindi pa naman madilim ang paligid at marami rin namang naglalakad kaya ayos lang sakin na mag lakad ngayon.
Minsan kase pag gabi na 'ko nakakauwi galing school ay sumasakay ako sa tricycle, lalo na at mag isa lamang akong umuuwi.
Ang daan patungo sa bahay namin ay kalsada ngunit sa magkabilang side non ay bukid na. Meron namang bahay, pero magkakalayo nga lang. Ang mga dumadaan naman na tao ay galing sa palengke. Marami rin naman dumadaan na sasakyan pag ganitong oras.
Habang naglalakad ay inilabas ko nalang ako cellphone at earphone ko, ganito lagi ang ginagawa ko pag pauwi na. Sobrang hilig ko talaga ang musics, pero hindi naman maganda ang boses ko.
Nang makarating sa bahay ay nakita ko si Nanay na nakaupo sa labas. Nagtaka naman ako dahil ala singko palang, ang oras ng uwi nya ay ala otso pa.
Nilapitan ko siya.
"Nay, ang aga mo ata ngayon?" nagmano ako.
"Eh, bigla kaseng sumama ang pakiramdam ko, kaya pinauwi na ko ng amo ko..." inilapag ko ang bag ko sa isang upuan at tinabihan siya.
"Ha? Nilalagnat po ba kayo, nay??" hinipo ko pa ang noo at leeg niya pero hindi naman siya mainit.
"Hindi anak, siguro ay sa sobrang pagod lang," nakatingin lang siya sa harapan.
"Gusto mo po nay pumunta tayong hospital?" tanong ko sa kanya.
Napatingin siya sakin.
"Ano ka ba anak, ayos na ko dahil nakapag pahinga naman na ko," natawa siya ng bahagya.
Pero hindi parin ako kumbinsido.
"Sigurado po kayo nay?" nag aalalang tanong ko.
Ngumiti siya sakin, "Oo naman anak, sige na mag bihis ka na don at nakahanda na rin ang hapunan, hihintayin kita sa kusina ha?" tumayo siya at pumasok sa bahay.
Natulala naman ako.
Parang may kakaiba eh, ayokong mag isip ng ganon. Hindi naman nagsisinungaling sakin si Nanay. Kung may problema man ay sasabihin niya sakin, lagi namang ganon eh. Kaming dalawa ang nag uusap at nagsasabihan ng problema namin.
Napabuntong hininga nalang ako.
Tumayo na ko at kinuha ang bag. Pumasok ako sa bahay. Dumiretso sa kwarto, nagpalit na din ako ng damit bago bumaba papuntang kusina.
Nandon na si nanay at nakaupo.
Hinila ko na din ang isang upuan para maupo.
"Kain na po tayo nay..." mahinang sabi ko. Tumango naman siya at nagsimula nang mag sandok. Ganon din ang ginawa ko, pero hindi maalis ang tingin ko sa kanya.
Habang kumakain kami ay tahimik lang. Siya na ang bumasag sa katahimikan.
"Kamusta ang pag aaral mo Deina??" napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
MY GUARDIAN ANGEL
Romance"Angels around us, angels beside us, angels within us." Si Deina Gail ay bata pa lamang ay puro kahirapan na ang nararanasan. Kasama ang ina ngunit kailan man ay hindi nakita ang ama. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya sumuko sa buhay dahil nandyan...