Hindi ko binatawan ang kapirasong papel na hawak ko hanggang sa makahiga na ko sa kama. Hindi ako makatulog. Ang dami nanamang pumapasok sa isip ko. Paulit ulit nalang. Hindi ba pwedeng kahit isang gabi ay wala muna kong isipin?
Umupo muna ko sa kama. Paulit ulit ko na binabasa ang papel. Mukhang kabisado ko na nga ang nakasulat eh.Maya maya lang ay nahiga na ulit ako sa kama. Kailangan ko ng matulog dahil may pasok pa ko bukas. Pinilit ko na alisin sa isip ko ang mga bagay na hindi masagot sagot kaya sandali lang ay nakatulog na agad ako.
Kinabukasan ay nagising lamang ako ng may maramdaman ako sa noo ko. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko tsaka hinawakan ang noo. Pero wala namang kakaiba don. Hindi ko masabing parang may humalik sa noo ko dahil hindi naman ako sigurado.
Napatingin ako sa bintana. Medyo maliwanag na din naman kaya bumangon na ko at nag unat unat. Tumayo ako at kumuha ng tuwalya upang maligo. Nang makapagbihis ay bumaba na ko para dumiretso sa kusina. Nagprito lang ako ng itlog at hotdog. Sinangag ko nalang din ang natirang kanin kagabi.
Pagtapos kumain ay sinukbit ko na ang bag ko at lumabas ng bahay. Naglakad na ko upang maghintay ng tricycle. Pero maya maya lang ay may huminto na kotse sa harapan ko. Napakunot noo ako.
Narinig ko ang pagsara ng kotse kaya alam kong bumaba ang driver non. Napangiti naman ako ng makita ko si tatay.
"Papasok ka na diba? Tara hatid na kita," ngiting sabi niya.
Tumango naman ako at sumakay sa passenger's seat. Pagkasakay ko ay sumakay na din siya. Pinaandar ang makina at umalis sa lugar na yon.
"Wala po kayong trabaho ngayon?" tanong ko.
Nung nakaraan kase ay nasabi niya sakin na nagkaproblema daw sa negosyo niya. Buti na nga lang daw at naayos agad.
Lumingon siya sakin at umiling.
Pagdating sa school ay nagpaalam at nagpasalamat agad ako. Habang naglalakad papunta sa room ay malayo palang tanaw ko na si Paul. Magkakasalubong kami. Maya maya lang ay inangat niya ang tingin sakin. Napahinto ako sa paglalakad ganon din siya. Konti lang ang distansya naming dalawa.
Mula sa kitatayuan ko ay kitang kita ko kung panong lungkot ang nakita ko sa mga mata niya. Medyo gulo pa ang buhok niya. Ngayon ko lang nakita ng ganto si Paul, dahil sa tuwing nakikita ko siya ay palagi syang ayos. Parang nawala na ang Paul na nakilala ko.
Napabuntong hininga ko tsaka nagpatuloy sa paglalakad.
"Deina.." rinig kong tawag niya ng makalagpas ako ng konti.
Kailangan ko bang lumingon?
"Kamusta ka na?" tanong niya.
Hindi parin ako lumilingon. Pero ayoko naman na mag mukhang bastos. Naging parte parin naman siya ng buhay ko.
"Ayos lang," lingon ko.
Nakatitig lang siya sakin na para bang pinagaaralan ang mukha ko. Naiilang ako sa ginagawa niya. Pareho lang kaming mahihirapan kung hindi siya titigil.
"Ano? May sasabihin ka pa ba? Baka malate kase ako..."
Nakita kong dumaan ang sakit sa mga mata niya.
"Mahal mo pa ba ko?" diretsong tanong niya.
Natigilan ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Pero alam ko sa sarili ko na hindi na...
Nang hindi ako makasagot agad ay bahagya syang tumawa at napaiwas ng tingin. Ako ang nasasaktan para sa kanya.
Tinignan niya ko ulit at tila nanlambot ako ng makita kong tumulo ang mga luha niya.
BINABASA MO ANG
MY GUARDIAN ANGEL
Romance"Angels around us, angels beside us, angels within us." Si Deina Gail ay bata pa lamang ay puro kahirapan na ang nararanasan. Kasama ang ina ngunit kailan man ay hindi nakita ang ama. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya sumuko sa buhay dahil nandyan...