Chapter 14

31 7 13
                                    


Pagtapos namin kumain ni Paul ay hinatid niya ko pauwi. Naging maingay ang byahe namin dahil inaasar niya ko. Pano ba naman kase ay nakatatlong ulit ako ng inorder niya, samantalang siya naman ay nakadalawa lang. Napakadaya.

Hindi ko din naman kase mapagkakaila na masarap ang champorado. Favorite ko din naman kase yon. Nagulat nga siya dahil di niya inaakala na yon ang paborito kong pagkain.

Kaya ayon, tawa siya ng tawa habang kumakain ako. Nagawa pa nga niya kong picturan ng hindi ko nalalaman. Hiyang hiya ako dahil nakanganga pa ko sa picture.

Kainin kita dyan eh.

Bumagal ang takbo ng kotse ng makarating kami sa tapat ng bahay. Gabi na din kaya napagdesisyunan nanaming umuwi. Wala kaming napuntahan na kahit ano dahil nagtagal kami doon sa kainan.

Nilingon ko siya at ngumiti. "Thank you sa araw na to!! Nag enjoy ako sobra!!!"

"Ano? Masarap diba?" tawa niya.

Tumango naman ako.

"Next time dun ulet tayo!! Nakipagdeal ka sakin!!!"

"Malay ko ba na yung paborito ko pa yung kakainin naten!!" nguso ko.

"Bleh! Basta. Next time, don ulet tayo,"

Natatawang tumango nalang ako dahil sa kakulitan niya. Sobrang saya nyang kasama. Hindi ka talaga mabobored.

"Ingat ka sa pagdadrive ha? Thank you ulet!! Bye!!" paalam ko.

"Thank you den!!!" ngiti niya.

Binuksan ko na ang pintuan ng kotse upang makababa na ko. Bago ko isara ay tinignan ko muna siya. Nakatingin naman siya sakin.

Nakangiti man ay di ko inaasahang iiling siya. "Baka matunaw ako nyan Deina,"

Doon lang ako natauhan at napasimangot.

"Tse! Bye na!!" kumaway muna ko bago sinarado ang pinto at umatras upang makadaan siya.

Bumusina pa siya ng dalawang beses bago tuluyang pinaandar ang sasakyan palayo.

Nakangiti ko namang tinanaw ang paglayo ng sasakyan hanggang sa hindi ko na ito matanaw.

"Paul..." mahinang bulong ko. Ang sarap sarap sabihin ng pangalan niya.

Tumalikod na ko upang maglakad pabalik sa bahay. Napahikab pa ko sa sobrang pagod. Ngunit ganon nalang ang pagtakip ko ng bibig ng makita ko si Xavien na kaharap ko.

Nakatingin siya sakin at nakataas ang kilay.

"K-Kanina ka pa dyan?" nagugulat na tanong ko.

Maayos ang pagkakatayo niya at nakapamulsa pa. Hindi na din ako naninibago sa kulay puti nanaman nyang suot. Malamang angel sya e.

"Hindi naman," kaswal na sagot niya.

Nakatitig lang siya sakin.

"Gabi na ah, bat nandito ka pa?" tanong ko.

"Yun nga eh gabi na pero bakit nandito ka pa?" balik na tanong niya at may diin.

Nag iwas naman ako ng tingin. Napahawak ako sa shoulder bag ko dahil hindi ko alam ang sasabihin.

"Ano kase...hmm" shit. Di ako ready.

"Tsss," napatingin ako sa kanya. "Sige na. Pumasok ka na sa bahay mo."

Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti nalang. Kala ko magiisip pa ko ng sagot eh.

Ngumiti ako sa kanya at kumaway. "Bye!!!"

MY GUARDIAN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon