Hanggang sa makarating ako sa room ay hawak ko parin ang papel. Ganon parin kabilis ang tibok ng puso ko. Lagi nalang ganto. Ang dami dami nanamang dumagdag na tanong sa isip ko.Buti nalang talaga ay nakapagfocus naman ako sa klase. Matapos ang klase ay agad kaming pumunta sa gym para magpractice. Last na practice na to, dahil sa isang bukas na ang JS Prom. Lahat ay tuwang tuwa.
"Okay students, gaganapin ang JS Prom natin ng 6:00 p.m, hanggang 11:00 p.m, so please mag enjoy kayo." Sabi ng isang teacher.
Lahat naman ay sumang ayon. Nakaramdam din ako ng excitement. Maya maya lang ay pinauwi na din kami. Mabilis akong naglakad palabas ng school para umuwi.
Pagdating sa bahay dumiretso ako sa kwarto. Natigilan ako ng makita ko si Xavien na nakaupo sa kama ko. Nakatalikod siya sakin.
"Xavien.." tawag ko.
Hindi nya ko nilingon. Lalapit na sana ko pero mabilis syang nawala. Ganon kabilis na nanlambot ang tuhod ko. Gumuhit ang sakit sa puso ko. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan.
Napakurap pa ko ng ilang beses. Hindi kaya namalikmata lang ako? Kase bakit hindi nya ko pinansin? Bakit hindi nya ko nilingon? Bakit bigla syang nawala?
Bakit?
Nanlulumo akong lumakad palapit sa kama at umupo. Hindi maalis ang tingin sa kung saan ko siya nakita. Hindi ako makapaniwala. Napapikit ako ng mariin.
Hindi pwede to...
Tumulo ang mga luha ko sa naisip ko. Ang sakit sakit na hindi pwede. Gusto ko man itanggi na wala akong nararamdaman sa kanya ay hindi ko magawa. Lolokohin ko lang ang sarili ko na hindi ko siya namimiss, na hindi ko siya gusto.
Pero maling mali ang nararamdaman ko. Dahil ang sabi ko sa kanya ay tutulungan ko siya. Nangako ako sa kanya at sa sarili ko na hinding hindi ako mahuhulog sa kanya.
Pero ano itong nararamdaman ko?
Napahilamos ako ng mukha at mas lalong naiyak. Kailan ko pa ito nararamdaman? Kailan pa nagsimula to? Bakit ngayon ko lang ito nalaman? Bakit hindi ko agad napigilan?
Ang sama sama ko.
Kailangan ko syang tulungan sa mission. Kailangan nyang makabalik sa pamilya niya. Alam kong sabik na sabik na syang makabalik. Ayokong ipagdamot iyon sa kanya.
Pero parang hindi ko kaya...
Mas lalo akong nasasaktan.
Kinabukasan ay namamaga ang mga mata ko. Sobrang sakit non dahil sa kakaiyak. Nanghihina ang buong katawan ko. Parang nawawalan ako ng pakiramdam. Alam kong may pasok ako ngayon pero wala akong ganang bumangon. Nakatulala lang ako.
Hindi ba ko pwedeng maging masaya? Hindi pa pwedeng wala munang problema na dadating sa buhay ko? Hindi pa pwedeng wala muna kong iisipin?
Pumikit ako ng mariin.
Nay please, hindi ko na po kaya...
Kahit na nanghihina ay bumangon parin ako at naligo. Wala akong magagawa dahil kailangan kong pumasok. Ayokong magalit sakin si tatay. Sayang ang pinapabaon niya sakin.
Pagdating sa school ay dumiretso agad ako sa room. Sobrang tamad na tamad ako ngayong araw. Talagang wala akong gana. Kahit na kumain ako kanina ay hindi manlang nadagdagan ang lakas ko.
Sa maghapon na yon ay nakinig lang ako. Kahit na alam kong walang pumapasok sa isip ko. Nakatingin lang sa ako sa teacher pero ang isip ko ay nasa iba.
BINABASA MO ANG
MY GUARDIAN ANGEL
عاطفية"Angels around us, angels beside us, angels within us." Si Deina Gail ay bata pa lamang ay puro kahirapan na ang nararanasan. Kasama ang ina ngunit kailan man ay hindi nakita ang ama. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya sumuko sa buhay dahil nandyan...