Nagtayuan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang boses niya. Ang boses na matagal ko ng hindi naririnig. Isang taon ang nakalipas nung huli ko syang makita. Wala man lang kahit anong paramdam.Ngayong nandito siya ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bigla bigla nalang talaga syang sumusulpot.
Umihip ang malakas na hangin. Dahan dahan akong humarap sa kanya. Napakurap ako habang pinagmamasdan ang mukha nyang nakangisi. Nakuha pa talaga nyang ngumisi samantalang ako ay halos mahimatay na dito.
Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko ng mag umpisa na syang mag lakad papunta sakin. Hindi man lang niya inalis ang tingin sakin.
Napalunok ako ng isang dipa nalang ang namamagitan saming dalawa.
"X-Xavien," mahinang sambit ko. Hindi makapaniwala.
Natawa naman siya. "Hmm?"
Nakatingin lamang ako sa kanya dahil hindi ko na alam ang sunod kong gagawin. Nawalan na ata ako ng sasabihin. Parang isang panaginip lang ang nangyayare ngayon. Isang taon tapos nandito na siya sa harapan ko?
Sinampal ko ang sarili ko. Baka sakaling nananaginip lang nga talaga ako. Pero hindi. Ang sakit eh.
Narinig ko ang mahinang tawa niya.
"Deina," tawag niya.
Dahan dahan syang naglakad papunta sa duyan upang maupo. Ngunit nanatili parin ako sa kinatatayuan ko. Hindi parin kase talaga maprocess sa utak ko lahat ng nangyayare.
"Come here." Rinig kong sabi niya.
Napalingon ako. Tinapik niya ang espasyo sa gilid niya. Alam ko na gusto niya kong maupo doon. Wala sa sariling naglakad ako papunta sa kanya at umupo sa tabi niya. Naiilang nga ko dahil bawat kilos ko ay pinapanood niya.
Sa harapan lamang ako nakatingin. Baka kase may makita kong sagot kung bakit nandito na siya ngayon. Kanina lang ay tinatanong ko pa sa sarili ko kung nasan siya. Tas ngayon naman ay nandito na siya at katabi ko pa.
Hanep.
"Musta?" mahinang tanong niya.
Ramdam kong nilingon nya ko pero hindi ko siya nilingon pabalik.
"A-Ayos lang," sagot ko.
Naging banayad ang pag ihip ng hangin sa lugar kung nasaan kami ngayon. Wala na ulit nagsalita saming dalawa. Tahimik lang naming pinagmamasdan ang tanawin. Ganto naman lagi eh. Pag mag kasama kami ay laging ganito ang eksena. Pareho lang namin pinagmamasdan ang magandang tanawin, parang pareho naming gusto ng katahimikan.
Maya maya lang ay napalingon ako ng tumayo siya. Inayos niya ang kulay puti nanaman nyang damit at tumingin sakin. Napakunoot noo naman ako.
"Marami pa kong gagawin, kailangan ko ng umalis."
Hindi ko siya magawang tignan ng maayos dahil nasisilaw ako sa sinag ng araw. Napansin niya ata yon kaya umusod siya upang matakpan ang sinag na tumatama sa mukha ko.
Iniwas ko ang tingin sa kanya.
"Kailan ka ulit babalik? Babalik ka pa ba?" tanong ko.
Maganda ng sigurado diba? Ayoko namang umasa nanaman. Ayokong mag hintay nanaman ng matagal.
"Depende sayo," sagot niya.
"Anong depende sakin?" kunot noo kong tanong.
Nag iwas siya ng tingin at napabuntong hininga.
"Bukas. Magkita tayo dito. Hapon,"
"Bakit?" Naguguluhang tanong ko.
Wala naman ako gagawin bukas ng hapon kaya hindi na problema yon. Ang pasok lang namin ay sa umaga lang.
BINABASA MO ANG
MY GUARDIAN ANGEL
Romansa"Angels around us, angels beside us, angels within us." Si Deina Gail ay bata pa lamang ay puro kahirapan na ang nararanasan. Kasama ang ina ngunit kailan man ay hindi nakita ang ama. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya sumuko sa buhay dahil nandyan...