Ewan ko ba kung pano ang ginawa kong tulog kagabi. Buti nga ay nakatulog parin ako. Ang dami ng gumugulo sa isip ko ay mas lalo pa itong gumulo dahil dumagdag si Xavien. Mas lalo tuloy sumasakit ang ulo ko sa tuwing pumapasok sa isip ko kung pano niya ko tignan kagabi. Kung panong kiniss niya ang noo ko. Kung bakit sa sandaling iyon ay nakalimutan ko ang mga problema ko.Shit, Deina. Bawal.
Kinakabahan man ay hinahanda ko na rin ang sarili ko kapag nagkita kami. Sana nga ay kayanin ko pag nakita kami.
Nandito ko ngayon sa library para magbasa ng kung ano ano. Ayoko sa room dahil maingay don. Wala daw kase ang dalawang teacher namin dahil nasa seminar. Mahaba haba ang vacant na oras kaya dito ko nalang uubusin yon.
Si Paul. Hindi ko na alam kung anong nangyayare sa kanya. Wala akong natatanggap na text mula sa kanya. Wala akong balita kung nasan siya ngayon. Kanina ay akala ko pa na susunduin nya ko pero ilang oras na ang lumipas ay hindi siya dumating. Muntik pa kong malate.
Hindi ko na talaga kung anong nangyayare saming dalawa. Gusto ko na syang makausap. Ang dami kong gustong itanong. Ayoko naman kase na mag isip ng masama about sa kanya...pero kasalanan ko ba kung kusa na iyon na pumapasok sa isip ko?
Makalipas dalawang oras ay bumalik na ko sa room. Isang subject nalang naman at uwian na, wala kaming practice. Dahil lahat pala dapat ng teacher ay may meeting ngayon.
Kahit ganon ang balita ay hindi ako nakaramdam ng tuwa.
Bawat minuto ay lagi kong tinitignan ang cellphone ko. Umaasa ko. Umaasa ko na may matatanggap na ko na text sa kanya. Pero bawat tingin din sa cellphone ay wala akong nakikita na mensahe.
Nang matapos ang isang subject ay mabilis kong sinukbit ang bag ko tsaka lumabas sa room. Natigilan lang ako sa pintuan at napatingin sa upuan ni Eunise. Wala siya ngayon. Bakit kaya?
Napailing nalang ako. Hindi ko na dapat pinoproblema yon. Hindi naman talaga dapat.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ng school. Pero alam kong may bahagi sakin na gumuho dahil wala akong nadatnan na Paul don. Walang naghihintay sakin.
Sa totoo lang ay miss na miss ko na siya. Ang lahat lahat sa kanya.
Nagtricycle nalang ako pauwi. Pagdating sa bahay nagbihis ako tsaka pumunta sa kusina upang magluto ng hapunan.
Matapos magluto ay aakyat na sana ko sa kwarto para mahiga muna dahil maaga pa naman para kumain. Natigilan lang ako sa pag akyat ng may kumatok sa pintuan. Napatingin ako don saglit bago binuksan.
Pag angat ng tingin ko ay ganon na lamang ang kaba ko sa nakita. Nakatitig lamang ako sa lalaking kaharap ko at ganon din siya.
"S-Sino po kayo?" magalang na tanong ko.
Natauhan naman siya at napakurap.
"Dito ba nakatira si Dianne Faye Revamosa??" tanong niya.
Si Nanay...
Bakit niya hinahanap si nanay? Ano namang kailangan niya kay Nanay? Hindi ba niya nabalitaan na wala na si nanay?
Kaibigan ba siya?
"Nanay ko po siya, at patay na po s-siya," sagot ko.
Kitang kita ko ang gulat sa mukha ng lalaki. Mas lalo pa kong nagulat ng makita ko kung panong nanggilid ang mga luha sa mata niya.
Bakit siya umiiyak? Sino ba siya?
"Bakit po? Ano pong kailangan nyo kay Nanay?" naguguluhan na tanong ko.

BINABASA MO ANG
MY GUARDIAN ANGEL
Romance"Angels around us, angels beside us, angels within us." Si Deina Gail ay bata pa lamang ay puro kahirapan na ang nararanasan. Kasama ang ina ngunit kailan man ay hindi nakita ang ama. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya sumuko sa buhay dahil nandyan...