Nagdaan ang araw at sabado na ngayon. Balik trabaho nanaman kami ni Paul. Sinundo niya ko kanina para sabay na daw kami pumunta rito. Pagdating namin sya namang dating ni Princess.Wala pa naman masyadong customer dahil maaga pa. Siguro ay maya maya tsaka lang dadagsa ang customers.
Bumisita din ang amo namin kanina. Marami syang tinanong at kinamusta. Natuwa naman siya dahil ginagawa namin ang dapat gawin. Humingi pa siya ng pasensya dahil minsan lang siya nakakadalaw.
Makalipas ang ilang oras ay ayon na nga, dumadami na ang customers. Kaming dalawa ni Paul ang nagbebenta at si Princess naman ang tagalinis ng bawat lamesa. Minsan naman ay tinutulungan ko si Princess na maglinis upang mas mapadali. Kada may aalis ay may dadating naman.
Maaga palang ay pagod na kami. Walang hinto ang galaw namin. Pansin ko din na pagod na si Paul pero patuloy parin sya.
Napatingin ako sa kanya. Kinakausap nya ang isang customer.
"Enjoy Ma'am!!" ngiti pa niya dito.Napangiti ako. Ang gwapo na at ang sipag pa.
Napalingon siya sakin.
"Why??" tanong niya at lumapit.
Umiling ako ng nakangiti. "Wala, ang gwapo mo lang."
"Kailan pa ko naging panget sa paningin mo ha?" nguso niya.
Natawa naman ako at napairap. "Baliw!!"
Pinagpatuloy ko ang pagsusulat ng mga dapat bilin dito sa cafe. Pero natigilan ako ng maramdaman kong niyakap ako ni Paul mula sa likuran at inipit ang mukha sa leeg ko.
"Kuha lang ako ng lakas..." bulong niya.
Nagtindigan naman ang balahibo ko dahil sa kiliti. Nahugot ko ang hininga. Bumilis ang tibok ng puso ko. Tila nanlambot ang mga tuhod ko. Siguro ay kung hindi niya lang ako yakap, napalupasay na ko dito.
Naramdaman kong kumalas na siya sa yakap. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.
Kalma, Deina...
"Pagod ka na?" tanong niya.
Ngumiti naman ako. "Hindi, ikaw ba? Pwede ka naman na mamahinga muna,"
"Ayoko nga, gusto ko pareho tayong pagod." Yun lang at tinalikuran niya na ko dahil may customer.
Lihim naman akong napangiti. Hindi ko na kinakaya ang ginagawa sakin ni Paul. Hindi ako makapaniwala na naabot ko na siya. Bakit niya kaya ko nagustuhan?
Napailing nalang ako sa naisip.
Nagdaan ang maghapon na yon at paulit ulit lang ang ginagawa namin. Walang hinto. Tuloy tuloy ang pagdating ng customers. Sobrang nakakapagod.
Nang mag gabi na ay naglinis na kaming tatlo tsaka sinara ang cafe. Naunang umuwi samin si Princess, dahil kami naman ang maglalock ng cafe.
Lumabas na ko at hinintay si Paul. Nang makalabas ay sabay kaming naglakad papalapit sa kotse niya. Pinagbuksan niya ko ng pinto kaya mabilis akong sumakay don. Nang makasakay ay pinaandar na niya agad ang sasakyan.
Alam kong pareho kaming pagod ngayon. Lalo na siya.
"Deina," tawag niya.
Napalingon ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya sa daan.
"Sunduin ulit kita bukas," saglit niya kong tinignan.
Tumango naman ako. "Sigeee, ikaw bahala,"
Napangiti naman siya.
Nang makarating sa tapat ng bahay ay tinanggal ko na ang seatbelt ko. Humarap ako sa kanya.
"Bye, Thankyou!!!" ngiti ko.
BINABASA MO ANG
MY GUARDIAN ANGEL
Romance"Angels around us, angels beside us, angels within us." Si Deina Gail ay bata pa lamang ay puro kahirapan na ang nararanasan. Kasama ang ina ngunit kailan man ay hindi nakita ang ama. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya sumuko sa buhay dahil nandyan...