Ilang minuto ang nakalipas ay nanatili kaming magkayakap. Ayokong umalis sa pagkakayakap. Ang tagal ko syang hindi nakita. Gusto kong lubusin ang oras na to.Nang humiwalay siya sa yakap ay nanghina ako. Inangat niya ang baba ko at pinunasan ang mga luha na patuloy na bumabagsak.
"Wala na yung make up mo! Tsk!" inis na sabi niya.
Ayos lang na mawala ang make up ko Xavien, wag lang ikaw.
Gusto ko yon na sabihin pero nahihiya ako. Napanguso nalang ako.
Nang matapos nyang punasan ang luha ko ay tinitigan niya ko sa mga mata, sa ilong at bumaba sa labi, ngunit agad din binalik sa mga mata ko.
"Hindi mo kailangang maging gantong kaganda Deina," umiiling pa na sabi niya.
Umalon naman ang puso ko. Alam na alam niya talaga kung pano ako pakiligin at kung pano ako kunin. Mas lalo akong nahuhulog. Sobrang lalim. Makakaahon pa ba ko neto? Bakit mo ba ko pinapahirapan lalo Xavien?
"Tara, may bibigay ako sayo." Hinawakan niya ang kamay ko. Hinila niya ko papalapit sa salamin at inupo sa upuan.
Nakatayo lang siya sa likuran ko at ngiting ngiti. Pinanood ko lang ang bawat galaw niya. May kinuha siya sa bulsa na pahabang box. Kulay itim pa ang lalagyan. Humarap siya sakin at tinitigan ang reflection ko sa salamin.
Nanindig ang balahibo ko ng may maramdaman akong malamig na nakapalibot sa leeg ko. Hinawakan ko yon. Isang kwintas. Agad na nangilid ang mga luha ko ng matapos nyang ikabit sakin yon.
Kitang kita ko sa salamin kung panong kumikinang ang bawat bato sa kwintas. Ang pendant non ay bilog at may moon sa gitna.
"Bagay na bagay sayo," ngiti niya habang nakatingin sakin.
Agad akong tumayo at yumakap sa kanya. Humagulgol ako.
Hindi ko alam na magiging ganto kahirap at kasakit. Ayoko man na lumayo pero kailangan. Ayokong maging selfish. Gusto kong makabalik siya sa pamilya niya. Alam kong gustong gusto niya rin yon.
"Thank you..." pinilit ko na huwag mautal. Kahit na ang hirap.
Sumasakit ang dibdib ko dahil sa kakaiyak.
Ang sakit.
Parang hindi ko kaya.
"Hindi ko alam na ganto mo pala ko kamiss Deina. Sana pala ay hindi nalang ako umalis," bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko. Napapikit ako sa ginagawa niya.
Miss na miss Xavien.
Hindi ko magawang sumagot. Bakit ba kasi sa tuwing masaya at kailangan din ng lungkot?
Humiwalay siya sa yakap at nginitian ako. Ang gwapo gwapo niya talaga. Kahit nung una ko syang makita ay gwapo na talaga siya sa paningin ko.
Pinunasan ko ang mga luha ko.
Napatingin ako sa kamay niya ng inilahad niya sakin yon. "Gusto ko ako ang unang sasayaw sayo."
Nakangiti akong tumango. Dahil yun din ang gusto ko.
"When I see your smile
Tears run down my face.."
Hindi ko inaakala na kakanta siya habang nagsisimula na kaming sumayaw ng mabagal.
"I can't replace
And now that I'm strong i have figured out
How this world turns cold

BINABASA MO ANG
MY GUARDIAN ANGEL
Romance"Angels around us, angels beside us, angels within us." Si Deina Gail ay bata pa lamang ay puro kahirapan na ang nararanasan. Kasama ang ina ngunit kailan man ay hindi nakita ang ama. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya sumuko sa buhay dahil nandyan...