Chapter 29

28 4 0
                                    

Hi! This is the final chapter. Thank you for letting me share my thoughts.

---

Final Chapter

Mabilis naman kaming nakarating sa bahay. Tinanggal ko agad ang seatbelt ko at tumingin sa kanya. Hindi ko inaasahan na nakatingin na siya sakin.

"Thank you sa paghatid!!" ngiti ko.

Tumango lang siya.

Alam kong nasasaktan parin siya hanggang ngayon. Hindi ko naman ginusto to.

Agad akong bumaba sa sasakyan at sinarado yon. Hindi ko na siya muli pang tinignan. Ayokong masaktan pa siya lalo.

Tumalikod na ko sa kanya at naglakad papalapit sa bahay. Habang lumalapit ay palakas din ng palakas ang tibok ng puso ko. Wala pa ay nanghihina na ko.

"Kaya mo to, Deina." Bulong ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa punong mangga. Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko. Napahugot ako ng hininga ng makita ko syang nakaupo sa duyan. Nakatalikod siya sakin.

Pilit kong kinakalma ang puso ko pero parang gusto nitong lumabas. Pumikit ako at huminga ng malalim bago dumilat. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya.

Ramdam ko ang lamig ng hangin kaya mas lalo pang tumatayo ang balahibo ko.

"Xavien," tawag ko.

Agad naman syang napalingon sakin at ngumiti.

Yung ngiti kung bakit ako nahulog.

"Hi," bati niya habang lumalapit sakin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. "Nag enjoy ka ba?"

"Medyo.." sagot ko.

Totoo naman.

Natawa naman siya. "Bakit medyo lang?"

Nagkibit balikat lang ako. Ayokong sabihin kung ano ang dahilan. Parang hindi ko pa kaya.

"Sus, kase hindi ako yung kapartner mo?" ngisi nyang tanong.

Ang yabang.

Gusto kong sabihin na 'oo'. Na siya talaga ang gusto kong kapartner.

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at nilagay sa balikat. Ang isa naman ay hinawakan din niya, naramdaman ko ang braso nyang gumapang nanaman sa bewang ko.

"Gusto ko din ako ang last," nakangiti nyang sabi.

Sumikip ang dibdib ko ng marahan kaming sumayaw. Naghalo halo ang nararamdaman ko. Nakatingin lang kami sa isat isa habang sumasayaw.

"Alam mo ba kung ano ang meron sa araw na to, Deina?" mahinang tanong niya.

Tumaas naman ang kilay ko. Ano bang meron ngayon? Hindi ko na kase alam kung anong date ngayon, sa sobrang dami kong iniisip.

Umiling ako. "H-Hindi..."

Alam kong natigilan siya pero agad din na tumango sakin.

"Bakit? Ano bang m-meron?" naguguluhan na tanong ko.

"Mamaya ko na sasabihin sayo," ngiti niya pero hindi yon umabot sa mga mata niya.

Kinabahan ako. Pinilit ko na isipin kung ano sinasabi niya. Kung ano ang tinutukoy niya. Pero wala talaga kong maalala.

Anong date na ba ngayon?

Patuloy lang kaming sumasayaw. Kahit sandali ay hindi niya inalis ang paningin sakin. Parang kinakabisado niya ang bawat detalye ng mukha ko.
Habang tumatagal ay mas lalo akong nahuhulog. Habang tumatagal ay mas lalo akong hindi makaahon. Palalim ng palalim. Pasakit din ng pasakit ang nararamdaman ko sa kanya.

MY GUARDIAN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon