Madilim na nung napagdesisyunan namin ni Paul na magsarado ng shop. Si Princess ay nakauwi na. Kaya kaming dalawa nalang ni Paul ang nandito.Lumabas na ko sa shop dahil pinantay na ni Paul ang ilaw sa loob.
Buti nalang ay nakajacket ako ngayon dahil napakalamig ngayong gabi, December na kase at malapit na ang Christmas.
Napatingin ako sa pinto nang makita kong lumabas na si Paul. Tumingin siya sakin.
"Tara na." Tumango ako.
Nauna na syang maglakad sa kotse niya at sumunod naman ako.
Mayaman kase naman talaga si Paul, hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa nyang magtrabaho dito eh. Ang sabi naman niya sakin noon na gusto niya maging independent at ang pera na niya ang gagastusin niya.
Hahatid niya ko ngayon. Sabi ko nga ay wag na dahil baka makaabala pa ko sa kanya pero di siya pumayag. Nagpumilit siya na ihatid ako. Nagdahilan pa siya na gabi na daw at baka mapahamak pa ko. Kaya sa huli ay pumayag na ko.
Pagsakay sa kotse ay pinaandar na nya iyon. Kabisado ko na nga lagi ang ginagawa niya sa loob ng kotse eh. Gusto nya lagi ang magpatugtog ng music pag nasa biyahe.
Nakatingin lang ako sa bintana. Tinitignan ang bawat madadaanan. Napalingon ako sa kanya nung tinawag niya ko.
"Deina,"
"Hmm?" tanong ko.
Nagdadrive siya kaya hindi niya ko matignan.
"Kunin mo phone ko, patugtog ka," ngiti niya.
Natawa naman ako. Ang hilig talaga ng lalaking to sa music. Pareho kami.
Ginawa ko ang sinabi niya, kinuha ko ang phone niya sa dashboard at nagplay ng music. Wala namang password ang cellphone niya kaya mabilis ko lang nabuksan yon.
I look at her and have to smile
As we go driving for awhile
Her hair blowing in the open window at my car
And as we go, the traffic lights
I watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening"Ayan na po sir," nang aasar na sabi ko.
Napanguso naman siya.
"Sir ka dyan!" ngiwi niya.
"Oo sir!! HAHAHAHA" tawa ko.
"Edi sige Ma'am!!" tawa niya. Ako naman ngayon ang ngumiwi.
"Heh! Mag drive ka na nga lang!" inis na sabi ko
And I've got all that i need
Right here in the passenger seat
Oh, and i can't keep my eyes on the road
Knowing that shes inches from meGanyan kami pag nagaasaran. Laging ako yung talo. Nakakainis dahil hindi man lang siya nagpapatalo. Lagi syang may baon na pambabara. Pero hindi naman ako napipikon.
We stop to get something to drink
My mind clouds and i can't think
Scared to death to say i love her
Then the moon peeks from the clouds
I hear my heart it beats so loud
Try to tell her simply"Deina..." mahinang tawag niya.
Napalingon ako. "Po??"
Sumulyap muna siya sakin bago binalik ang tingin sa daan.
And I've got all that i need
Right here in the passenger seat
Oh, and i can't take my eyes on the road
Knowing that shes inches from me"Nagkaboyfriend ka na ba?" tanong niya.
Napakurap ako. "Hindi pa...why??"
"Weh???" hindi makapaniwalang tanong niya.
Sinuntok ko siya sa braso. "Hindi pa nga!!"
Oh, and i know
That this love will grow"Sus,"
"Hindi pa nga sabi!!!" inis na sabi ko.
And i've got all that i need
Right here in the passenger seat
Oh, and i can't keep my eyes on the road
Knowing that shes inches from me"Okaaaay," nahihimigan ko ang pilit doon.
Napanguso ako. "Maniwala ka nga!!"
Nakangisi lang siya habang nagdadrive. Napairap naman ako. Edi wag siya maniwala, pang inis talaga.
Bumagal ang takbo ng sasakyan. Napatingin ako sa harap, nandito na pala kami. Tinanggal ko na ang seatbelt ko.
Humarap ako sa kanya. "Thankyou sa paghatid!!! Bukas wag na ha!!"
"Hindi mo ba muna ko papapasukin sa bahay nyo?" ngisi niya.
Natawa naman ako. "Tsk! Tara, baka umiyak ka eh"
Nagulat ako ng mabilis niyang tinanggal ang seatbelt niya at pinatay ang makina ng sasakyan at bumaba.
"Hoy---" pastop ako ng isarado nya ang pinto. Umikot siya para puntahan ang pinto sa gilid ko. Kinatok nya yon.
"Baba na!!" rinig kong sigaw niya sa labas.
"Baliw talaga!!" natatawang bulong ko.
Binuksan ko na ang pinto ng kotse para makababa. Pagbaba ay nakita ko syang nakangiting naghihintay sakin.
"Bagal mo naman!!" nauna na syang maglakad papunta sa bahay.
"Hoy!! Ang kapal ng mukha ha!!" sigaw ko sa kanya pero malayo na siya sakin.
Sumunod nalang ako sa kanya. Habang naglalakad ay may nilipad na papel sa harapan ko. Nalaglag iyon sa harapan ko kaya pinulot ko.
"I apologize for being not good enough, Maybe i wasn't the one you needed, Maybe i was just temporary relief."
Awtomatiko akong napatingin sa bahay ng makita ko si Paul na buhat si nanay. Kumabog ang puso ko. Hindi ako nakakilos sa kinakatayuan ko.
"Deina!!! Ang nanay mo!!" sigaw sakin ni Paul.
Nabitawan ko ang hawak kong papel at sinalubong si Paul para tulungan.
"Paul!! Anong nangyariii?!!!" kinakabahang tanong ko. Hinawakan ko ang kamay ni nanay na nakalaylay.
"Hindi ko alam! Basta pagkita ko ay nakahandusay na siya sa sahig nyo!!" nangangatog ang tuhod ko habang tumatakbo kami papunta sa kotse niya.
"Deina buksan mo ang pinto sa likod ng sasakyan!! Bilis!!" sigaw niya sakin.
Wala sa sariling sumunod ako at naunang tumakbo papunta sa kotse. Mabilis kong binuksan yon at inihiga niya don si nanay. Mabilis din syang pumunta sa driver seat. Tumabi ako kay nanay at pinatong ang ulo niya sa hita ko at hinawakan ang pisngi niya.
"Nay!!! Please gumising kayo nay!!" umiiyak na sabi ko.
Mabilis na pinaandar ni Paul ang sasakyan papunta sa hospital.
Tinampal tampal ko ang pisngi ni nanay para magising siya.
"Nay!! Wag naman po kayo mag biro oh!! Pleaseee nay gumising ka po..." hindi parin dumidilat ang mata niya.
Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko. Bawat segundo ay bumibigat ang ang nararamdaman ko.
"Nay please...wag nyo po kong iwan!! Hindi ko po kaya nay!! Pleaseee!"
Nang makarating sa hospital ay agad syang binuhat ni Paul. Sinalubong kami ng mga nurse at doctor. Mabilis nilang inasikaso si Nanay.
"Doc pleaseee kayo na pong bahala kay n-nanay..." humihikbing sabi ko sa doktor.
Tumango lang siya sakin at tinalikuran na ko.
Hinawakan ni Paul ang kamay at niyakap.
"Shhh.." hinahagod niya ang likod ko.
Doon ay walang tigil na tumulo ang mga luha ko. Nahihirapan na din akong huminga dahil sa mga hikbi. Hindi nawala ang sakit na nararamdaman ko.
"Deina... stop crying please." mahinang bulong niya sakin.
Pero hindi ko kaya dahil sobrang sakit.
BINABASA MO ANG
MY GUARDIAN ANGEL
Romance"Angels around us, angels beside us, angels within us." Si Deina Gail ay bata pa lamang ay puro kahirapan na ang nararanasan. Kasama ang ina ngunit kailan man ay hindi nakita ang ama. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya sumuko sa buhay dahil nandyan...