Epilogue

75 6 4
                                    

So ayon, Thankyou sa pagbabasa ng story na to. Sorry for the typos and errors, first time ko lang kase magsulat HAHAHHA unang gawa ko to. Thank you so much!!!! God bless!!

-----

Epilogue

Hinahanda ko ngayon ang mga handa namin. Ako ang gumawa ng mga desserts. Tuwang tuwa ako habang inilalagay iyon sa lamesa.

"Wow!! Mukhang masarap ah!!" nakangiting sabi ni Tatay.

Pinunasan ko ang kamay ko tsaka siya nilingon. "Ako po ang gumawa nyan tay!!!"

Lumapit siya sakin at inakbayan ako. "Sure akong magugustuhan nila yan, Deina."

Mas lalo akong napangiti habang pinagmamasdan ang ginawa ko.

"Ready ka na ba?" tanong niya.

Agad naman akong tumango. Matagal ko na din tong hinintay, ayoko ng palagpasin pa.

Sabay kaming lumabas ng bahay at sumakay sa kotse. Habang nasa biyahe ay hindi na ko mapakali na makita syang muli.

Maya maya lang ay nakarating na kami. Sabay kaming naglakad palapit sa kanya. Hawak ko ang bulaklak na binili namin ni tatay. Dahan dahan ko yong binaba sa lapida ni nanay.

"Hi!! Nay!! Kamusta na po? Miss na miss na po kita. Si Tatay nga po pala ay kasama ko...sana po ay napatawad nyo na po sya. Hindi kita mababati nay mamaya kaya ngayon nalang," bahagya pa kong natawa. "Advance Happy New Year!!! Nay, lagi nyo po akong gagabayan ha? Lagi po kayong sa tabi ko...Mahal na mahal po kita nay!!!" Nakangiting sabi ko.

Tumayo na ko at humarap kay tatay na nakatingin sakin. "Ikaw naman po,"

Napangiti naman siya at lumapit. "Una na po sa kotse tay ha?"

"Sige, saglit lang ako," tango niya.

Agad naman akong pumunta sa kotse. Napagod ako sa paggawa ng desserts. Naeexcite tuloy akong matikman nila ang gawa ko.

Maya maya lang ay dumating na si tatay. Napansin ko pa na namumula ang mga mata nya. Pero binalewala ko nalang yon.

Pagdating sa bahay ay napangiti ako ng makitang nandon na sila.

"Hi! Ate Deina!!!" tumakbo sakin ang pinsan kong babae.

Niyakap ko siya. "Hello, Chelsy!!! Kanina pa kayo??"

Ang cute cute niya talaga. "Medyo po."

"Nasan sila?" tanong ko. Tinuro naman niya ang kusina.

Naglakad ako papunta don. Umawang ang bibig ko ng makita ko pa ang iba kong pamilya.

"Masarap??" tanong ko sa kanila.

Lahat sila napalingon sakin. Natawa naman ako.

"Ikaw gumawa neto, Deina?!" nagugulat na tanong sakin ng tita ko.

Tumango naman ako.

Kitang kita ko sa kanila ang gulat. Bakit? Hindi ba sila nasarapan?

"Bakit po? Hindi po b-"

"Napakasarap!!!" ngiti sakin ni tito.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Kala ko ay hindi eh. Amp.

Lumapit ako sa kanila at nagmano. Buti nalang talaga malaki itong kusina namin.Ang mga pinsan ko ay nasa sala, naglalaro.

Sobrang saya ko habang pinagmamasdan ang pamilya ko. Lahat ata ng nakahain ay tinikman nila. Tuwang tuwa tuloy si tatay dahil nandito ang mga tito ko.

Mabilis na lumipas ang oras. Lahat kami ay pumunta sa garden upang magpaputok.

"3..." Sabay sabay naming sabi.

"2!!!"

"1!!!"

"HAPPY NEW YEAR!!!!!"

Sabay sabay nagturotot ang mga pinsan ko. Ang mga tito ko naman ay sinindihan na ang mga binili nilang fountains. Napangiti ako ng umilaw ang mga yon.

Naramdaman kong may umakbay sakin. "Happy New Year anak!!!"

"Happy New Year din po tay!!" niyakap ko siya.

Humiwalay ako sa yakap at inangat ang tingin sa kanya. "Tay pwede po ba kong umalis saglit? May pupuntahan lang po ako..."

Kumunot naman ang noo nya. "San ka pupunta? Gabi na, Deina."

Napanguso naman ako. "Sa dating bahay po...magpapasama nalang po ako sa driver. Please na po tay?? Pleaseee..."

Napabuntong hininga siya at dahan dahang tumango.

Hindi talaga niya ko matiis.

"Thankyou po, Tay!!!!" Mabilis akong yumakap sa kanya at patakbong lumabas ng bahay para pumunta sa garahe.

"Mang Fredie!! Pahatid po ako sa dating bahay!!!" hindi ko na siya hinintay sumagot dahil agad akong sumakay sa kotse.

Mabilis naman nyang pinaandar yon. Habang nasa biyahe ay ramdam ko ang kaba. Pero wala ng atrasan to.

Hindi ko rin naman sure kung nandon siya.

Nang makarating ay agad akong bumaba ng kotse. Patakbo akong naglakad sa punong mangga.

Isang taon na din ang nakakalipas simula nung nawala siya. Isang taon na din ang nakakalipas nung umalis ako dito. Nung gabi na nawala siya ay tinawagan ko agad si tatay para magpasundo.

Ngayong nandito ako ulit ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. Umupo ako sa duyan at tinignan ang bawat fireworks. Kitang kita ko ang magkakaibang kulay sa langit.

Napapikit ako upang damhin ang hangin. Napadilat ng may marinig akong yapak ng mga paa.

Dahan dahan akong napalingon sa likuran ko. Hindi ko pa lubos na nakikita kung sino yon pero sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Dahil sa liwanag ng buwan, bituin at mga fireworks, sapat na para makita ko kung sino yon.

Nanlambot ang mga tuhod ko. Napaawang ang mga labi ko. Namuo ang luha sa mga mata ko. Kasabay ng pagpikit ko ay ang pagtulo din non.

Hindi ako makapaniwala na kaharap ko siya ngayon. Hindi ako makapaniwalang sa sobrang tagal ng panahon ay magkikitang muli kami.

"Xavien," mahinang sambit ko.

Mas lalo kong naiyak ng makita ko ang ngiti sa labi niya. Inilahad niya ang dalawang braso sakin.

Patakbo akong pumunta sa kanya upang yumakap. Iba na ang pakiramdam ngayon. Amoy na amoy ko ang pabango niya kaya mas lalo kong binaon ang mukha ko sa dibdib niya.

Sana huminto ang oras. Gusto ko na ganto lang kami. Sobrang tagal kong hinintay to.

Humiwalay siya sa yakap at tinignan ako. Inangat nya ang baba ko upang punasan ang mga luha ko.

Tinignan ko ang mukha nya. Mas lalo lang itong umamo. Mas lalo syang gumwapo.

"Napakaiyakin mo parin, Deina." Natatawang sabi niya.

Agad naman akong napanguso. Nagulat ako ng ilapit nya ang mukha sakin at ikiss ako.

"Happy New Year." Ngiti niya.

Hindi pa napaprocess sa utak ko ang nangyare pero mabilis niya kong hinawakan sa kamay at hinatak upang umupo sa duyan.

Pareho lang nasa harap ang tingin namin. Hindi binitawan ang kamay ko na marahan pa nyang pinaglalaruan. Inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya.

Ayokong matapos ang oras na to. Sana lagi nalang ganito.

"Deina.." rinig kong tawag niya.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Bakit?"

Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. "I love you."

Napangiti naman ako. "I love you too, Xavien"

Ganto pala ang pakiramdam na may gumagabay sayo. Ganto pala ang pakiramdam na magmahal ng isang anghel.

"I love you so much, My Guardian Angel," umupo ako ng maayos at inilapit ang mukha sa kanya.

Hinawakan nya ang mukha ko at marahan akong hinalikan. Kasabay non ay narinig ko ang magkakasunod na fireworks.

MY GUARDIAN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon