Kinabukasan ay nagising ako dahil sa init na dumadampi sa binti ko. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko at medyo nasinag pa sa sikat ng araw. Dahan dahan kong inalis ang kumot na nakatabon sa katawan at bumangon.Dumiretso na ko sa banyo upang maligo. Pag tapos ay pumunta ko sa kusina upang magluto ng umagahan. Makalipas ang ilang minuto ay naglakad na rin ako papunta sa school.
Habang naglalakad ay nagflashback lahat ng nangyare kagabi. Unti unting bumagal ang paglalakad ko. Hindi ko alam kung handa na ba ko mamaya. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Dahil sa mga pinakita niya kahapon ay hindi parin maproseso sa utak ko. Parang panaginip lang ang lahat.
Nang makarating sa school ay dumiretso na ko agad sa room dahil ayokong nalelate at kailangan ko rin na bumawi. Di nagtagal ay dumating naman agad ang aming guro.
Nagdaan ang maghapon na puro pakikinig at pagsusulat ang ginawa namin. Ipinaliwanag den samin ang magaganap sa JS prom sa susunod na buwan.
Sa totoo lang ay pinagiisipan ko pa kung sasali ba ko o hindi. Sayang naman kase yung perang ipangrerent ko ng gown. May naipon naman na ko pero gusto kong gastusin yon para sa pang college ko.
Matapos ang klase ay dumiretso na ko pauwi ng bahay. Gusto ko man na tumambay sa school para mawala ang bumabagabag sa isip ko pero mas lamang parin ang gusto ko na paghandaan ang mangyayare mamaya.
Habang naghihintay na bumaba ang araw ay naglinis muna ko ng bahay. Para kahit sandali ay malimutan ko muna ang kabang nararamdaman ko.
Inayos at pinunasan ko ang mga patungan. Naglinis din ako ng banyo. Nagtiklop ng damit. Ngunit habang tinitiklop ang mga damit ni nanay ay nakaramdam ako ng lungkot. Lungkot na matagal ko ng hindi nararamdaman pero heto nanaman.
Napabuntong hininga ko. Pagtapos ayusin ay binalik ko na ulit sa damitan niya ang mga damit. Ramdan ko ang pagtulo ng pawis sa noo, likod at leeg ko.
Nang matapos na ang lahat ng gawain ay naglinis naman ako ng katawan at nagpalit ng damit. Napakagat labi ako ng matanaw ko sa bintana na bumaba na ang araw.
Kumalabog nanaman ang puso ko. Mukhang magkakasakit pa ko sa puso dahil kay Xavien.
Tumayo ako at pumunta sa pintuan. Bago ko buksan ay bumuga muna ko ng malalim.
"Kalma Deina...kaya mo to!" nangungumbinsi kong sabi sa sarili.
Hinawakan ko na ang knob ng pinto at binuksan iyon para lumabas ng bahay. Inayos ko pa ang suot kong damit at pati na rin ang nakalugay kong buhok.
Naglakad ako papunta sa duyan. Napatigil pa ko sandali ng makita ko siya na nakaupo na doon. Bat lagi syang nauuna? Nakakahiya na mas nauuna pa siya kesa sakin.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Ngunit ganon na lamang ang kabog ng dibdib ko ng lumingon siya.
Hinintay na muna nya kong makalapit bago siya umusod para may maupuan ako.
"Kanina ka pa?"
"Hindi naman,"
Napatango nalang ako.
Baka kase mamaya ay matagal syang naghintay. Pero may mas tatagal pa ba sa isang taon na paghihintay ko sa kanya?
Tumingin siya sa harapan at ganon din ang ginawa ko. Ngunit binalik niya ang tingin sakin.
"Deina..."
Hindi ko siya nilingon. Hindi ko kaya. Wala pa kong lakas na tignan siya ngayon.
Pinakahigpitan ko ang hawak sa mga kamay ko bago ko siya nilingon.
BINABASA MO ANG
MY GUARDIAN ANGEL
Romance"Angels around us, angels beside us, angels within us." Si Deina Gail ay bata pa lamang ay puro kahirapan na ang nararanasan. Kasama ang ina ngunit kailan man ay hindi nakita ang ama. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya sumuko sa buhay dahil nandyan...