"Xavien..."Nakatingin lang siya sa harapan. Sapat na ang liwanag ng buwan upang makita ko siya. Marahan pang hinihipan ng hangin ang kanyang buhok.
Unti unti syang lumingon sakin. Napatayo sya at lumapit sakin.
"Kadadating mo lang?" tanong niya. Sinulyapan pa niya ang likuran ko.
"Oo, hinatid ako ni Paul," sagot ko.
Napatitig siya sakin at tumango tango.
"Bat nandito ka pa?"
"Ano bang sinabi ko sayo?" mahinang tanong niya.
Alam ko ang sagot. Nakonsensya naman ako. Kanina pa kaya siya nandito? Hinintay nya talaga ko?
"S-Sorry...inaya pa kase ako ni Paul na lumabas muna," paliwanag ko.
Walang reaksyon ang mukha niya. Nakatingin lang siya sakin.
"Sige na, umuwi kana. Magkita nalang tayo bukas." Yun lang at tinalikuran na niya ko upang umalis.
Pinanood ko ang paglalakad niya palayo sakin. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Naestatwa ako, hindi makapaniwala.
Xavien...
Nang matauhan ay napabuga ako ng hangin. Dali dali akong tumalikod sa duyan upang maglakad papaalis sa lugar na yon. Nang makapasok sa bahay ay binaba ko agad ang shoulder bag ko at sinara ang pinto. Naglakad ako papunta sa kwarto.
Hindi na ko nakapagpalit dahil agad na kong sumampa sa kama. Naghalo halo ang nararamdaman ko. Pero mas lamang ang lungkot.
Napapikit ako ng mariin.
Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyare. Hindi ko din naman kase alam na tutuparin niya ang sinabi nyang hihintayin niya ko. Nakokonsensya ko dahil ang saya saya ko kanina pero siya ay hinihintay ako.
Sana ay hindi siya galit sakin.
Humiga ako sa kama at nagkumot. Pumikit ako, maya maya lang ay napadilat nanaman ako. Hindi ko alam ang gagawing higa dahil parang hindi ako komportable.
Lahat ng nangyare kanina ay pumapasok sa isip ko. Tila lahat ng sayang dinulot sakin ni Paul ay bigla nalang nawala. Nakakapanghina.
Ano bang nangyayare sakin?
Sinubukan ko ulit pumikit at pinilit na wag isipin ang mga naganap kanina. Maya maya lang ay nakatulog na nga ako.
Kinabukasan, ay parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Nakadilat na ko pero di pa rin ako kumikilos. Nakakatamad bumangon sa araw na to. Pero wala akong magagawa dahil kailangan kong pumasok.
Napipilitan akong tumayo at kumuha ng tuwalya tsaka dumiretso sa banyo. Naligo, nagbihis at nag ayos ng mukha. Hindi ko maramdaman ang sarili ko sa bawat ginagawa ko.
Bumaba na ako at dumiretso sa kusina upang magluto ng agahan. Pag tapos ay kumain na rin ako. Kahit sa pagkain ay wala akong kagana gana.
Matapos kumain ay dumiretso ako sa sala upang kunin ang bag tsaka lumabas ng bahay at nilock iyon.
Pagtalikod ko sa bahay ay tumama ang paningin ko sa punong mangga. Napabuntong hininga ko at naglakad papunta don.
Habang papalapit ng papalapit ay napapahawak ako ng mahigpit sa bag ko. Gusto ko syang makausap. Gusto ko syang kausapin.
Nang makarating ay umupo ako sa duyan. Binaba ko muna ang bag ko sa tabi ko at tumingin sa harapan.
"Xavien," bulong ko.
BINABASA MO ANG
MY GUARDIAN ANGEL
Romance"Angels around us, angels beside us, angels within us." Si Deina Gail ay bata pa lamang ay puro kahirapan na ang nararanasan. Kasama ang ina ngunit kailan man ay hindi nakita ang ama. Pero kahit ganon, hindi pa rin siya sumuko sa buhay dahil nandyan...