07//
Lee Niroh's"Bakit may... dugo?"
Napakagat labi nalang ako nang makita ko ang namumuong dugo na sumama ata nung umihi ako. Hindi ito ang unang beses na mangyari ito, nasa apat o limang beses na ata.
Hindi ko nalang ito pinansin. Wala namang masakit sa akin kaya baka normal lang yun. Nagkibit balikat ako at nag flush na ng bowl, naghugas ako ng kamay at lumabas na ng bathroom.
"Hija, aalis ka ba ulit?" Hinarang ako ng mama ni Minho nang makita nya akong bihis na bihis.
"Ah eh, opo ma. Ihahatid ko po ang mama ko sa airport."
"Nagpaalam ka ba kay Minho na aalis ka?"
"Tatawagan ko po sya, ma. Nakalimutan ko po kasing magsabi sa kanya eh."
"Oh sige, anak. Nasa shop kami ng lola mo ha? Baka hapon pa kami makauwi dahil may deliveries kami ngayon."
Hindi alam ni Minho na halos araw araw akong bumibisita kay mama sa ospital. Pinagbabawalan nya kasi akong umalis ng mag isa dahil maselan ang pagbubuntis ko, mahina ang baby namin, mahina ang kapit nya kaya dapat kong gawin ang lahat ng pag iingat na kaya ko.
Ngayon aalis si mama papuntang Amerika kasama ang mag asawang doktor na sasamahan sya para sa kanyang radio therapy. Dalawang linggo sya dun o baka umabot pa ng isang buwan, depende kung paano magrerespond ang katawan nya sa therapy.
"Ma, tawagan mo ako pag nandun na kayo ha?" Yumakap ako kay mama. Gusto ko syang samahan pero hindi naman ako pwedeng bumyahe dahil sa kundisyon ko ngayon.
Gusto ko ding umuwi sa Gwangju para makita si lola, pero baka makasama sa baby namin pag pinilit kong bumyahe.
"Alagaan mo ang sarili mo ha? Tsaka ang baby mo."
Humalik si mama sa noo ko at kinuha na ang luggage nya.
"Doc, kayo na po muna ang bahala kay mama."
"Hija, wag kang mag alala. Di namin papabayaan ang mama mo. Sarili mo ang ingatan mo dahil magkakababy ka na. Alam mo ang kundisyon mo, Niroh. Dapat sarili mo ang isipin mo. Kami na muna ang bahala sa mama mo." Sabi ni Dr. Yang at yumakap sa akin.
"May check up ka sa isang araw, Niroh. Basta sundin mo lang ang utos ng doktor mo. Ituloy mo lang ang vitamins ha?"
"Opo, kaya ko na po ang sarili ko."
Nung una palang, alam na namin ni Minho na delikado ang pagbubuntis ko. Ectopic pregnancy. Rare daw ito para sa katulad kong bata palang, mas madalas daw kasi ito sa mga middle aged na buntis. Maliit ang tsansa ng survival ng baby, kailangang maging maingat lagi at dapat monitored dahil pwede ko din daw na ikamatay.
Nung una, natatakot ako. Pero dahil pinaparamdam naman ni Minho na tutulungan nya ako at hindi nya ako iiwan, nawala na ang takot ko. Anak namin to eh.
"Tita?" Gulat na gulat ako nang makita ko si Tita Minseung sa tapat ng bahay nila Minho. Hindi sya nag iisa, kasama nya ang pinsan nila na si Tita Jinsoo, na nakasimangot sa akin at mukang galit na galit.
Kinabahan agad ako. Alam kong si mama ang ipinunta nila dito.
"Niroh, hindi na ako magpapaligoy ligoy, nasaan ang mama mo? Nandito ba sya?" I can sense anger in Tita Minseung's voice. She sounds deadly. Ang cold ng boses nya at nakaramdam talaga ako ng takot dahil sa pananalita nya.
"Tita..." Hindi ako makapag salita. Hindi din ako makapag isip ng tama.
"Hija, sabihin mo na sa akin kung nasaan ang mama mo bago pa ako magalit sayo."
Huminga ako ng malalim at tiningnan sila. Kailangan ko na itong harapin, siguro ito na din ang oras para malaman nila ang totoo. Pamilya parin naman kami. Naging Kim din ako noon. Itinuring ako ni Tita Minseung na tunay na pamangkin kahit na hindi si papa ang totoo kong ama.
Alam kong maiintindihan nila ako. Natakot si mama na sabihin sa kanila ang kundisyon nya dahil... ayaw nyang idamay ang mga Kim sa problema nya. Naging mabuti sila sa amin, tinanggap nila ako kahit ako ang bunga ng affair ni mama kay Mr. Shin. At tinanggap nila si mama.
"Tita, papunta po ng America si mama... mamaya pong alas onse ang flight nya." Yumuko ako at nangapa ng susunod na sasabihin.
"America? Nakuha nya pang mamasyal sa America at hindi manlang nagpaalam?"
Naramdaman kong lumapit sa akin si Tita Jinsoo. Nakakrus ang mga braso nya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. We're not really close. Sa States nakatira si Tita Jinsoo at ito palang ang ikalawang beses na makikita ko sya.
"Tinalikuran mo ang pag aaral mo para tumira sa bahay na to?" Pinasadahan nya ang kabahayan nila Minho.
"Gold digger ang nanay mo, bakit hindi mo sya ginaya? Sana nag pabuntis ka sa mas mayaman."
"Tita, please..."
"Jin, stop that. Hindi yan ang ipinunta natin dito..." Kinuha ni Tita Minseung ang susi ng kotse at tumalikod na sa amin. "Let's go... and please leave Niroh alone, baka makasama sa bata."
Nawala si Tita Minseung sa paningin ko at malamang ay pumunta na sya kung saan nya iniwan ang kotse.
"What? I'm just saying na sana nag asawa sya ng mas mayaman. Magpapabuntis ka nalang at sasayangin ang buhay mo, dapat dun na sa mapera."
"Tita, mabuting tao po ang asawa ko." Kalmadong sabi ko.
"Listen here, you brat! Kung ako lang ang masusunod, hindi ako papayag na ibigay sayo ni Junho ang apelido nya! You're not a Kim! Sampid na nga lang kayo ng nanay mo sa pamilya namin, puro pa kahihiyan ang inabot namin sa inyo."
Nakaramdam ako pamamanhid sa kaliwang pisnge ko at ang unti unting pagbagsak ng katawan ko sa porch steps ng bahay nila Minho.