15//
Lee Niroh'sIto na yun. Ito na ang araw na pupunta kami ng Seoul para sa internship namin sa MIA Legal Services. Matapos nang orientation nung nakaraang buwan ay hindi na ulit bumalik sa campus sila Seungmin. At ngayon nga ay ipapasundo daw kami sa shuttle bus ng firm nila.
"Ate Niroh! Yan lang ang dala mo?" Tanong ni Yena nang makita nyang isang maliit na luggage at isang backpack lang ang dala ko. Tagtatatlong malalaking luggages kasi ang dala nila.
"Hmmm, yep."
"Di ka po ba kukulangin sa damit nan?"
"Di naman siguro."
Kukunin ko din naman kay Tita Chai ang mga gamit ko eh. Tatlong luggages daw yun at apat na boxes. Malamang ay nandun pa ang mga sapatos ko. Sana lang ay wala pang sira ang mga yun pag nakuha ko na. Halos tatlong taon ko din kasing hindi nagalaw ang mga yun. Pero sabi naman ni Tita Chai, maayos pa naman daw ang mga gamit ko dahil di naman daw yun pinabayaan ni Jeongin.
"Excited na ako! Di ako nakatulog kagabi kakaisip ng internship natin." Sabi ni Yena habang nakaupo kami sa gutter sa tapat ng gate habang hinihintay ang shuttle bus ng firm.
Alas singko palang at target daw naming makarating sa Seoul before lunch dahil mamayang lunch daw kami ipapakilala sa buong kumpanya as interns.
"Mag iintern ka dun, hindi ka magbubuhay prinsesa!" Pambabara sa kanya ni Chaewon.
"Wala ka na dun! Tsaka Monday to Friday lang ang duty natin sa firm noh! Mag saya naman tayo pag weekends! Makatikim manlang ng alak sa Seoul!"
"Ano bang pinagkaiba ng alak sa Seoul sa alak ng Uljin?"
"Pag sa Seoul, mas sosyal!"
Pinabayaan nalang namin si Yena at Chaewon na magtalo tungkol sa alak.
Lunes ngayon at department namin ang mauunang mag start para sa internship. Sa susunod na linggo pa kasi ang start ng iba.
Nang dumating ang shuttle bus ay nagsiakyatan na kami. Nag away pa si Yena at Chaewon kung sino ang uupo malapit sa bintana, sa huli ay hindi nalang sila nagtabi.
"Guys, settle down please. May ia-announce ako bago kayo pumuntang Seoul." Sabi ni Sir Jaejoong kaya nagsitahimik kami.
"So una, behave lang kayo dun. Bibisita ako dun weekly para icheck ang performance nyo. Pangalawa, wag nyong kakalimutan mag submit ng daily report nyo. Okay?"
"Okay po!"
"Lastly guys, ayusin ang trabaho ha. Tandaan nyo, MIA Legal Services yan, hindi yan basta firm lang. Maliwanag ba? Mag ingat kayo dun, at magreply kayo pag nag message ako. Okay?"
"Opo!"
Matapos ang ilang paalala ay umalis na si Sir Jaejoong at nagsimula na ang byahe. Natulog lang ako buong byahe at nang magising ako ay nasa town proper ng Seoul na kami. Alas onse pasado na at saktong sakto lang naman ang dating namin.
"Iwan nyo nalang ang mga gamit nyo dito, ipapakilala lang kayo sa lahat ng employees sa loob at ihahatid ko din naman kayo sa tutuluyan nyo." Sabi nung driver nang tumigil kami sa basement parking ng isang mataas na building sa gitna ng Glow District.
Kinuha ko lang ang cellphone ko at sumunod na ako kay Nagyung sa baba. Inayos ko ang salamin ko at hinawi ang buhok ko habang dinadama ang hangin ng Seoul.
"Nasa Seoul na tayo!" Excited na sabi ni Yena habang naglalakad kami papunta sa main entrance ng building.
Mukang bagong gawa ang building na ito. Sa pagkakaalam ko ay nasa Daegu ang main branch ng firm nila Jisung, siguro nga ay bagong branch ito dahil ang nakasulat sa entrance ay 'MIA Legal Services from HAN Justice Group and Legal Firms.'
"Ang gandaaaa!" Bulalas ni Nagyung nang makapasok kami sa lobby ng building.
Huminga ako ng malalim. Napaghandaan ko na ito. Magiging intern ako sa kumpanya na minamanage nila. Hindi na ako bata para matakot dahil sa pagkakamali ko noong nakaraang taon.
Ang lahat ng nangyari noon ay tinanggap ko na at pinagsisihan. Hindi ako matatahimik kung parati akong matatakot.
"Welcome to MIA Legal Services, kamusta ang byahe nyo?" Sinalubong kami ng tatlong empleyadang babae at giniya papunta sa receiving area sa ground floor.
"Anyway, sa Levanter College kayo hindi ba? Wag kayong mag alala, na orient na ang lahat ng empleyado dito tungkol sa pag dating nyo. Magsiupo kayo. May pag uusapan lang tayo saglit bago ko kayo ipahatid sa tutuluyan nyo."
Umupo naman kami at naghintay ng mga sasabihin nila. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pa nagpapakita sila Seungmin. Baka may mga inaasikaso pa sila.
"Lahat ng interns namin dito, may mga identification cards. So kung napapansin nyo, ang kulay ng lanyard ng mga employees ay red, sa mga interns naman from Levanter College ay blue at sa mga interns ng MBC University ay green."
"Ang dorms na tutuluyan nyo, malapit lang yun dito. Walking distance lang, ang ilang empleyado ng MIA ay doon din nakatira, maliban nalang sa mga dito na talaga nakatira sa Seoul. Sa dorm nyo, wala kayo dung babayaran dahil provided yun ng kumpanya. Magkakaroon din kayo ng free lunch sa firm, may pantry sa dorm nyo at wala kayong poproblemahin sa pagkain."
"Ang ibinayad nyong internship fee ay para din sa inyo. Wala kayong gagastusin para sa pagkain, pamasahe at renta. Pero sa toiletries, kanya kanyang provide na yun."
"Lastly, pag nasa trabaho kayo, try to be professional all the time. Pero pag labas naman na sa trabaho, of course pwede naman ang civil."
---
Hindi po ako law student kaya di ko alam kung anong ginagawa nila pag OJT/ Internship. And I haven't experienced internship/OJT yet so I just wrote my imaginations. Internship is part of the plot so I had to do it.