68//
Lee Niroh's"Bwisit ka Jacob! Sabi mo four, five pa pala!"
"Eh malay ko ba! Ang gulo kausap ni Sir Jaehwan, inuna pa ang FIFA kesa sakin."
Nakaupo kami sa may gutter sa tapat ng firm. Alas kwatro pasado na, dapat ay kanina pa kami nakaalis pero mamayang alas singko pa pala dadating yung dalawang shuttle bus na maghahatid samin pauwi ng Uljin.
Si Minho naman, iniwan ko kanina habang natutulog sya. Nasa bahay pa rin si Ryujin at labag talaga sa loob ko na iwan silang dalawa dun. Pero kailangan ko na talagang bumalik ng Uljin dahil may mga aasikasuhin pa ako.
"Ate... kanina pa nag riring phone mo." Untag ni Yena kaya kinuha ko kaagad ang phone ko mula sa side pocket ng back pack ko.
Si Minho, tumatawag.
"Bat di mo sagutin?"
"Nah, hayaan mo sya." Paos kong sabi at itinago ulit ang cellphone.
"Teka, bat ka napaos? Paos ka ba kagabi?"
"Ewan ko din, ngayon lang to, mawawala din to maya maya."
Di ko din talaga alam kung bat napaos ako, di ko nga naubos yung Bingsu na kinain namin nila Chaewon kaninang madaling araw eh.
"Ikaw na babae ka, bat di mo sinabi na pinsan mo yung mga Kim? Kainis to!" Sabi ni Joahae nang umupo sya sa tabi ko.
"Di ka naman nag tanong eh."
Nanatili akong nakaupo sa may gutter habang nag hihintay sa shuttle bus. Hindi ako nagpaalam kay Minho kanina na aalis ako. Pero alam nya naman na ngayon kami babalik ng Uljin.
Tsaka ko na sya kakausapin pag nakarating na kami. Wala naman akong balak na iwan sya. Pero ngayon, uunahin ko na muna ang pag aaral at graduation ko.
I need to graduate first, tsaka na ang kalandian ko. Baka pag inuna kong ayusin ang sa amin ni Minho, baka madelay nanaman ang pag graduate ko.
"Niroh, ang ingay ng phone mo, sagutin mo na yan..."
"Aish, oo na nga."
Sumimangot ako at sinagot ang tawag ni Minho. Hindi ko alam kung ikailan na to, pero sige na nga, para wala na akong isipin sa Uljin.
"Gi!"
"What?"
"Uhhh... nasaan ka?"
"Nasa firm..."
"Paos ka?"
"Narinig mo na diba? Bakit ba?"
Tumayo ako at hinawakan na ang luggage ko. Nandito na ang bus, nag akyatan na din yung iba kaya nag ready na ako para pumasok sa shuttle bus na naka assign sa Levanter College.
"It's just that..."
"Ano nga? Nandito na ang bus, sabihin mo na ang sasabihin mo."
Sinukbit ko na ang back pack ko at naglakad na palapit sa mga kasama ko.
"Ate! Tara na!"
"Ate! Tabi tayo!"
"Tinatawag na ko, ano ba yun?"
Tinulungan ako ni Nagyung na ilagay ang luggage ko sa baggage compartment. Iniwan ko ang iba kong gamit sa bahay ni Minho at mga mahahalagang gamit lang ang dadalin ko sa Uljin. Tutal ay aalis din naman ako after graduation.
"Aalis na ang bus--- what the?"
Habol tingin ako sa black matte na kotse ba pumarada sa tapat mismo ng shuttle bus. Maging ang iba ay napatingin din, naubo pa ako dahil sa alikabok na dulot nung marahas nyang pag parada.
"Ihahatid kita, Gi." Aniya at namatay na ang tawag.
Humigpit ang hawak ko sa luggage, at dahan dahan itong nilabas mula sa baggage compartment.
"Ate! Yung asawa mo..." Kinulbit ako ni Yena and the next thing I knew, nasa tapat ko na si Minho.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko din alam kung paano ako mag rereact. He's standing in front of me, sa tapat ng mga kaibigan ko. Nakababa ang mga balikat nya at kitang kita na medyo kumupis nga ang muka nya.
"Gi... ihahatid na kita." Mababa ang boses nya nang magsalita sya.
He looks hesitant. Para syang nag aalangan kung mag sasalita muna o mang hahalik gaya ng nakasanayan nya.
"Bat ganyan ang itsura mo?" Mahina kong tanong at pinasadahan ng tingin si Minho.
Nakasuot sya ng kulay puti na tshirt sa loob, long sleeves na polo na kulay blue sa labas, shades at pants. Muka syang may street version ng N/S.
"Si Changbin kasi eh..." Kamot ulong sabi nya.
Inabot ko sa kanya ang luggage ko at humarap sa mga kasamahan ko. "Uhhh... you guys take the bus. Ihahatid nalang ako ni Minho."
"Hehe sige ate."
"Ingat kayo ate."
Humarap naman ako kay Minho at itinuro ang kotse. "Ilagay mo na yan dun..."
Pumasok na ako sa kotse at sumunod din naman sya agad matapos nyang ayusin ang gamit ko sa likuran.
"Diba sabi ko na wag na wag kang gagamit ng cellphone pag nag dadrive ka?"
"Hindi naman talaga, sayo lang..."
Lumapit sya sa akin at humawak sa noo ko. "Medyo mainit ka pa, Gi. Masama ba ang pakiramdam mo?"
"Hindi nga, okay lang ako."
"May meds akong dala. Drive thru muna tayo then take your meds..."
Nang umandar ang bus ay sinimulan nadin ni Minho ang pagmamaneho. Tahimik lang kami at ninamnam ang kalsada palabas ng Seoul.
I feel safe beside him. And I feel at home. Kahit nasa gitna pa kami ng kalsada, kahit nasaan pa ako basta kasama sya, I feel at home. I feel rested. I feel relieved.
"Gi... sorry ha?"
"Wag ka na dyang magsalita. Mag drive ka nalang. Narinig ko na lahat ng bulong mo kanina... napaka corny mo."
"Gi! Narinig mo?"
"Heh! Malamang! At hindi ako nag seselos ha!"
Humawak sya sa hita ko gamit ang libre nyang kamay. Aawayin ko sana sya dahil hindi sya nakafocus sa pag dadrive, but then he squeezed my thighs and I shivered against his touch.
"Gi... sinabi ko na sayo to noon, gusto ko nga ng pamilya na sarili ko. Pero gusto ko, ikaw ang kasama ko sa pamilya na bubuuin ko."
I remain silent. Ano ba?
Di ko na alam ang sasabihin ko.
Masyado akong... kinilig?
"Sabi ni Jisung... natatakot ka daw na baka ipagpalit kita kay Ryujin dahil magkakaanak na---"
"Hindi ah!"
"Gi, kasi naman, may anak na kaya tayo. Sila Soon! Anak natin sila noh. Aanhin ko pa ang anak ng iba e meron na tayo, tatlo pa!"
"Oo na. Bahala ka dyan. Mag focus ka nga sa kalsada."
Sumimangot pa ako pero wala ring kwenta dahil ngumiti din ako agad dahil sa kamay nyang ubod ng likot.
"Stop over tayo ha, baka tagusan ako... meron nga pala ako."
"Inalis mo ba yung Flo sa cellphone mo?"
"Oo eh."
"Okay lang, meron ka naman sakin..."
"What? Napaka segurista mo..."
"I'll tell you pag fertile---"
"Sasapakin kita eh!"