63//

44 0 0
                                    

63//
Lee Niroh's

"The problem with you Ate Niroh is that, you live life like shit never happened." Halos mag echo ang boses ni Ali sa tainga ko habang nakatitig ako kay Ryujin na nakaupo sa couch at hinihimas ang tyan nya.

Anim na buwan na daw syang buntis. Malaki na ang tyan nya. Noong hindi pa daw alam ni Moonbin na buntis sya, okay naman daw sila. Pero nung nakita daw nito ang dalawang guhit sa pregnancy test ay sinabihan sya agad na ipalaglag ang bata.

Hanggang sa lumobo na ang tyan nya at nagsimula na itong saktan sya para pilitin na ipalaglag ang bata. She filed a divorce at mas lalo lang itong nagalit, nag layas sya at nag tatago dahil ayaw pirmahan ni Moonbin ang divorce papers.

"Ryujin, kumain ka na muna para mainom mo yung mga vitamins mo."

"Ikaw ate?"

"Mamaya na ako pag uwi ni Minho, mauna ka na."

"Aantayin ko nalang din si Minho."

"Kumain ka na."

"Aantayin ko na din si Minho."

"Mauna ka ng kumain." Mas madiin kong sabi kaya wala syang nagawa kundi pumunta sa kusina at kumain.

"Nasaan na ba si Minho? Bakit wala pa?" Tanong nya habang kumakain.

"Nasa opisina pa, nag over time."

"Ahhh. Anong oras sya uuwi?"

"Isa pang tanong mo tungkol sa asawa ko, tatawagan ko si Moonbin at ipapasundo kita dito."

Tinalikuran ko nalang sya at umakyat sa kwarto. Hindi ko mapigil eh. Naiinis ako. Bakit si Ryujin healthy ang pag bubuntis? Bakit nung ako...

Tangina.

Tsaka bakit ba sya laging hanap ng hanap kay Minho? Ayokong magalit sa kanya dahil kapatid ko sya at may pakialam ako sa batang dinadala nya dahil pamangkin ko yun pero hindi ko makalimutan ang mga sinabi ni Seungmin sa akin.

Gusto daw ipaako ni Ryujin kay Minho ang bata.

Totoo man o hindi...

Naiinis pa din ako.

Nakikita ko ang parang na malapit sa bahay nila Minho sa Gimpo. Pero hindi ko nakikita ang sarili ko. I can see Ryujin and Minho, I'm not there but I can see them in my point of view.

What the heck is wrong with my dream? Bakit ganito? Bakit nakikita ko sila pero ako hindi nila nakikita? Bakit magkayakap si Ryujin at Minho sa parang na pinupuntahan namin dati.

"Dinala mo na ba dito si Ate Niroh?" She asked him. Nakatanaw sila sa horizon, papalubog na ang araw at sobrang romantic ng lugar na ito.

"Ikaw lang ang dadalin ko dito..."

"Really?"

"What the fuck Minho? Ako lang ang babaeng dinala mo dito!" Sigaw ko sa mismong gilid nila pero hindi nila ako nilingon.

Hindi nga pala nila ako nakikita.

"Anong gusto mong ipangalan sa baby natin?" Malawak na malawak ang ngiti ni Ryujin, nakapulupot ang mga braso ni Minho sa kanya at talagang gusto kong baliin ang mga kamay nya na nakahawak sa braso ng asawa ko.

"Hindi nya yan anak! Sa inyo yan ni Moonbin!"

It's pointless, I know. Panaginip lang ito. Hindi totoo ang mga nangyayari. Hindi din nila ako naririnig. Pero hindi ko maiwasan ang selos na nararamdaman ko. I'm being jealous and childish and I hate it.

"Jinho?"

"I like it, mal. Let's name him Jinho pag lalaki sya, pag babae naman, gusto ko sana Minjin."

E kung itulak ko kaya silang dalawa sa bangin?

O kung si Ryujin nalang kaya ang itulak ko?

Mas lumapit ako sa kanila at tinitigan ang nakangiting muka ni Minho.

Panaginip lang to pero hindi ko kayang i-share si Minho kahit sa panaginip ko.

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at nang dumilat ako ay nasa loob na ako ng kwarto namin ni Minho.

"Shit." Bulalas ko at pinunasan ang mga luha ko.

Bumangon ako agad at sinilip ang oras. Alas otso pasado na pala. I sighed at tuluyan na ngang tumayo sa kama. I checked my phone at puno ito ng missed calls at messages ni Minho.

Dinial ko agad ang number nya at mabilis naman syang sumagot.

"Gi! Akala ko kung napano ka na, bakit hindi ka sumasagot kanina?"

"Nakatulog ako eh. Nasaan ka na ba? Mag aalas nuebe na ah?"

"Pauwi palang ako eh..."

"Are you driving?"

"Yeah."

"Siraulo. Mamaya mabangga ka pa dyan eh. Mag drive ka na, aantayin nalang kita sa bahay."

"I love---"

Binaba ko na agad ang tawag. Medyo kaskasero kasi si Minho. Kung kaskasero din ang makakasabay nya sa kalsada, malamang ay maaaksidente talaga sya.

Bumaba na ako at dumiretso sa kusina para iayos ang pagkakainan namin. Ininit ko din ang ibang pagkain at naghanda ng mga utensils.

"Wow Minho, thank you!" Napatigil ako sa pagsasalin ng juice nang marinig ko ang tili ni Ryujin mula sa living room.

Lumapit ako sa pintuan at pumwesto kung saan ko maririnig ang usapan nila. Nakikita ko din sila at may hawak si Ryujin na...

"Ano yun?" Bulong ko dahil hindi ko maitsurahan yung hawak nya.

May hawak syang mga paper bags na may mga laman na plastic. Basta plastic sya na kulay pink na parang may laman. Medyo malaki ito pero hindi ko talaga alam ang laman.

"Potek ano yun?"

Kumunot ang noo ko habang tinitingnan si Ryujin na isa isang nilalabas ang mga maternity clothes mula sa paper bag.

Tumalikod na agad ako. Binigyan sya ni Minho ng maternity clothes?

Pero bakit?

Parang nakakakulo ng dugo yun ah?

"Gi!" Naramdaman ko ang mga braso ni Minho na yumakap sa akin at nasundan iyon ng halik sa bumbunan ko.

"Nandito ka na pala... maupo ka na, kumain na muna tayo." Ngiting ngiti ako sa kanya kahit gusto ko na syang batukan. Bakit kasi nya binilan ng maternity clothes si Ryujin?

"Hindi ka pa din kumakain?"

"Nah, hinintay kita para may kasabay ka."

Umupo ako sa tapat nya at kumain na kami kahit suot nya pa ang white na long sleeves polo nya at neck tie.

"Gi, may problema ba? Kanina ka pa nakatitig sakin?"

"Wala ah, nagagwapuhan lang ako sayo."

Ngumiti ako at sinalinan ulit sya ng juice sa baso nya. "Sige na, kain ka pa aking irog."

Tiningnan nya naman ako na parang nagtataka sya sa pinag gagawa at pinag sasabi ko.

"Gi... may problema ba?"

"Wala ah. Kain ka pa, kukunin ko lang yung cake sa ref."

Tumayo ako at sinamaan sya ng tingin kahit nakatalikod sya. "Mukang pagod na pagod ka ngayon ah."

"Kaya nga Gi eh..."

"Hmmm, napagod ka ata bumili ng maternity clothes, ginabi ka pa talaga."

"Ano Gi?"

"Wala... sabi ko kumain ka lang dyan."

Bwisit ka. Mahal nga kita pero bwisit ka parin!

Sirain ko yun eh!

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon