29//

60 1 0
                                    

29//
Lee Niroh's

Tahimik lang sina Yena, Nagyung at Chaewon habang kinukwento ko sa kanila ang nangyari sa akin. Lahat ng detalye, ikinwento ko sa kanila. Lahat lahat dinetalye ko, umiiyak pa ako habang nagkukwento at patawa tawa pa. Nagmumuka na akong baliw habang nag kukwento sa kanila.

"Wow..."

"Di ko akalain na nangyayari pala yan sa totoong buhay..."

"Ang haba ng kwento ni ate, pero ang naaalala ko lang yung magaspang na kamay nung asawa nya." Napasapo nalang ako sa noo ko dahil kay Yena.

Nasa dormitoryo kami ngayon, malakas ang ulan at nagkakape kami nang biglang mag request ni Chaewon na mag kwento ako tungkol sa buhay ko at sa mga Kim. Tutal alam naman na nila ay talagang sinabi ko na sa kanila lahat tutal shineshare din naman nila sakin ang mga confidential stories nila.

After all, hindi naman sikreto ang relasyon ko sa mga Kim. May mga pictures padin sa Internet na magkakasama kami at hindi din naman ganun kapribado ang mga buhay namin.

"Di ko akalain na nakasurvive si Atty. Seungmin ng college na puro itlog lang nag kinakain." Natatawang sabi ni Nagyung.

"Kaya pala hindi nawawala ang itlog sa lunch menu ng cafeteria." Dagdag pa ni Yena.

"Pero ang gwapo pala talaga ni Atty. Han ano? Di ko akalain na gamer sya noon!" Humagikhik pa si Chaewon.

"Ay nga pala, nasaan na yung si Ryujin?"

"I don't... know. Nawalan na ako ng balita sa kanya."

I sighed. I don't really know and I don't care.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga kung anu anong bagay at mga kalokohan na ginawa nila sa Uljin. Nitong taon lang ako lumipat sa Uljin, samantalang sila ay magkakasama na mula pa noong mga first year college sila. Mas matanda ako sa kanila ng dalawang taon dahil nga tumigil ako sa pag aaral.

"Hoy, magsitulog na nga tayo! Nasakit na ang ulo ko kakakwento ni Chae sa first love nya!" Umakyat na si Nagyung sa pwesto nga at binato si Chaewon ng unan, kanina pa sya daldal ng daldal tungkol sa first love nya at wala syang tigil sa kakapuri.

"Kapal mo girl! Para namang di ka nagwapuhan kay Ulgo dati! Sya kaya pinakagwapo nung high school!" Sigaw ni Chaewon at pumunta na rin sa pwesto nya.

"Mas gwapo parin si Shipji!"

"Mas gwapo si Anha!"

Napapailing nalang ako habang pinapakinggan sila.

"Mas gwapo si Lee Minho!" Sigaw ko at nagtalukbong na ng comforter.

"Niroh... bakit mas pinili mong mabuhay kaysa buhayin ang anak natin?"

Nakaupo kami ngayon sa parang na malapit sa bahay nila sa Gimpo. Kitang kita ko ang nagkukulay orange na paligid dahil palubog na ang araw. It looks so real. Parang totoong totoo ang sariwang hangin at ang lagaslas ng mga dahon.

Pero mas totoong totoo ang pagkakayakap ni Minho sa baywang ko.

"Kung pipiliin kong mabuhay sya, I have to stay in coma hanggang sa manganak ako. But there's only ten percent chance na mabubuhay kami pareho kung yun ang pinili ko."

"Kaya nga mas pinili kong... iligtas ang sarili ko. I'd rather see you lose one than lose us both."

Hinawakan ko ang kamay nya. It feels so real, I can feel the roughness of his palms upon my hand. I held it tighter, at mas dinama ang kagaspangan nito. Yung tipong parang ayaw ko na itong bitawan.

"Niroh... I want us to start again." I've heard him say these words in reality. At ngayon naman ay sinasabi nya ito sa akin sa panaginip ko.

"Start again?"

"Yes... I want us to---"

Bumalikwas ako ng bangon at inabot ang cellphone ko na nag riring. Nasilip ko ang oras at ala una pasado palang, umuulan parin pero hindi na kasing lakas ng ulan kagabi.

"Hmmm?"

"I'm outside your dormitory."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Minho. Nawala ang antok ko at sinilip ko ulit ang oras, 1:26 AM na.

"Ano? Anong ginagawa mo dyan ng ganitong oras? Malamig ngayon..."

"Bingsu tayo."

"Ano?"

"Sabi ko, Bingsu tayo."

Bumangon ako nang tuluyan at nagkamot ng ulo ko kahit hindi naman makati.

"Ni, bingsu tayo pag umulan ha?"

"Ang random mo naman, tsaka bakit kailangang umuulan pa?"

"Syempre malamig pag umuulan..."

"Kaya nga. Bakit tayo kakain ng shaved ice eh malamig na nga?"

"Kasi nga malamig..."

"Oo nga, malamig nga. Diba dapat mainit ang kakainin pag malamig?"

"Nah, kaya nga tayo kakain ng malamig kasi malamig din... nasubukan na natin magkape nung umuulan eh. Subukan natin lahat..."

"Okay fine, mag bingsu tayo pag malamig."

Hanggang ngayon, malinaw parin sakin lahat. Muka siguro akong siraulo na pangiti ngiti ngayon.

"Antayin mo ko, five minutes."

Ibinaba ko ang tawag at nag ayos muna ng sarili. Naghilamos ako, nag toothbrush at nagsuot ng hoodie jacket. Pasimple akong lumabas ng dormitoryo at naabutan ang kotse nya sa tapat na nakabukas ang head lights.

"Pasaan ka, neng?" Tanong nung guard nang makita nya ako.

Alas otso ay dapat nasa dorm na kami. Maliban nalang pag Friday at Saturday. Thursday palang ngayon at bawal talaga itong gagawin kong pagtakas.

"Bumalik ka na sa kwarto mo, neng. Bawal na lumabas."

"Eh kasi manong---"

"Kuya, sinusundo ko po sya." Sabi ni Minho na may hawak na payong sa gilid.

"Kayo pala Sir Minho."

"Oo kuya. Pwede bang hiramin ko muna ang asawa ko?"

"Ah eh... o-okay ho."

"Gi... tara na."

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon