78//

43 2 0
                                    

78//
Lee Niroh's

There are times when I recap the happenings in my life, and there are always realizations after that.

I was raised by a family of lawyers and business personalities.

Went to an expensive school in elementary to middle school.

Moved to Seoul in high school and lived in a high end apartment complex.

Met my step sister and real father in college. Got abnormal friends.

Have met Minho, then fell in love with him while he's dating my step sister.

Dated Minho.

Got pregnant but miscarried our first baby.

Left Seoul, my family, Minho and my entire life because I was scared and I need time for myself.

Then went back to Seoul and put the things back into their right places.

"Gi..." Untag ni Minho habang nag aayos ng mga gamit sa luggage.

"Hmmm?"

"Matulog ka na, maaga pa tayo bukas." Itinabi nya ang luggage sa gilid ng kama at binalik sa closet ang mga damit na ginulo nya.

Ikalawang araw na namin to sa Gwangju at bukas nga ay pupunta kaming Jeju kasama ng mga kaibigan namin. We'll stay there for three to five days depending on our moods.

Nasa bahay na nina Jisung yung iba, yung iba naman ay nakina Jeongin. Dito kami magkikita kita bukas ng alas kwatro ng madalimg araw.

"Antayin na kita..." Humiga lang ako sa kama at pinanuod sya na iayos ang mga dadalin namin.

"Akala ko antok ka na?"

"Basta sabay tayo matulog..."

I've realized that...

It's always nice to be at home.

And this is my home. It doesn't matter where, but it's always with them.

"Gi, pasuyo naman."

"Ng?"

"Yun oh, yung box na nasa loob ng drawer."

Tumayo ako at lumapit sa may drawer na tinuturo nya. Pagkabukas ko ay talagang nanlaki ang mga mata ko dahil iisang box lang naman ang laman nun.

"Condom?" Nag iinit na ang muka ko habang kinukuba ang box. Inilabas ko ito sa mula sa drawer at ipinatong sa may tabi ng lampshade.

"Buksan mo nga, Gi."

"B-bat ko bubuksan?"

"Tingnan mo nga kay may dotted pa."

"Dotted?"

"Oo, yung ginamit---"

"Alam ko yun letse ka!"

Sobrang init ng muka ko habang kinakalkal ang laman nung box. Nakakita na ako nito noon pa man. Elementary ata ako unang nakakita nito dahil sa mga putangina kong kaklase noon.

Nasubukan ko na din lahat. Dotted. Extra sensitive. Ribbed. Ultra thin. Pati mga flavors, natry na din namin ni Minho. So far, bubblegum ang pasok sa taste ko.

"Walang dotted."

"Ay sayang, dadala sana ako." Natatawa nya pang sabi.

"Bwisit ka."

"Check mo nga kung may mint."

Mint? Yak, ayoko nun.

Pero syempre hinanap ko padin. Habang iniisa isa ay may nakapa ako na parang bakal. Kinuha ko ito at tumambad sa akin ang isang key chain na ang weird ng design.

May mga susi pa na naka-attach. Nasa walo siguro o syam.

"Para san to?"

"Sayo yan, Gi."

"Akin?"

Tiningnan kong maigi ang bungkos ng susi pero hindi talaga sakin to. Lumapit sa akin si Minho at nakitingin sa susi. "Hindi to sakin eh. Pati ang weird naman ng key chain nito."

Inabot ko sa kanya ang bungkos ng susi. Kanya yun, sure ko. Sya kasi yung tipo ng tao na bibili ng ganitong design. Simple lang naman eh, kaso ang weird. May nakasulat na 'key chain' dun sa mismong kahoy kung saan naka-attach yung chain.

"Iyo nga yan, Gi."

"Hindi nga. Iyo to..."

"Iyo yan."

"Hindi."

Humarap sya sakin at may inabot na mga papel. "What's this?"

"Tingnan mo kasi."

Inirapan ko muna sya bago ko tingnan ang mga papel na inabot nya sakin. At first, hindi ko kaagad na naintindihan dahil hindi ko talaga to inaasahan.

"Titulo? Pero wala naman---"

"Aish Gi naman, ang hirap mo naman i-surprise eh!"

"Para saan ba to?"

Hindi sya sumagot, niyakap nya lang ako at pilit na ibinaon sa may kili kili nya. "Hindi ako---"

"Gi, akala ko nung nakita mo yung mga susi, magegets mo agad."

"Kaya ayan, yung titulo, blue print at aktwal na litrato binigay ko na sayo." Dagdag nya sabay halik sa noo ko.

"Akin ba to?"

"Hmmm."

"Talaga? Bakit mo ako binibigyan ng bahay?"

"Kasi dyan tayo titira pag kasal na tayo."

"Talaga? Kelan mo ko papakasalan?"

"We'll talk about it with our families. For the mean time, ma-excite ka na dahil napapayag ko na si papa."

Yumakap naman ako sa kanya ng mas mahigpit at tumingala sa kanya. Gosh, what did I even do in my past life to deserve him?

"Bwisit ka, pinahawak mo pa ko ng mga condom!"

"Eh hindi ko alam kung paano ko ibibigay eh."

"Kaya pinahanap mo pa talaga ako ng dotted?"

"Style lang yun, baka makalusot lang."

"Siraulo."

We stayed silent for a while in that position. There are no exact words to define my feelings right now. I couldn't even put my finger to it. I just know that I am extremely happy and secured.

I tightened my hug around his waist.

I wanted to hug him until I smell like him.

"May naistorbo ba ako?"

Sabay kaming napalingon kay Seungmin na nakasandal sa door frame. Nakasuot sya ng animal onesie na pusa.

"Hmmm, ano yun?" Tanong ko habang nakahawak parin sa bewang ni Minho.

"Wala, wag na. Kay Kuya Ujin nalang..." Kamot ulo nyang sabi sabay talikod.

We spend the night talking about our worries, our plans and our future. Minho is really... I don't know, minsan o madalas, para syang siraulo, pero I know, behind his playfulness and weird taste, I know he's serious about me and our future.

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon