36//

61 1 0
                                    

36//
Lee Niroh's

"Minho... bakit lumiit ang tyan mo?" I asked while caressing his stomach.

I can feel the bumps of his abs upon my palm. It feels so realistic.

"Bakit? Ayaw mo ba ng abs?" Inilusot nya din ang kamay nya sa loob ng tshirt nya at ipinatong ito sa kamay kong naglilikot sa ibabaw ng tyan nya.

I can feel the roughness of his hand, ang sarap sa pakiramdam. I missed his touches and feeling it again feels like home. I know it's just a dream--- but who cares? For as long as I can feel it and it happened, be it a dream or reality, as long as it's Minho, it's more than enough.

"Gusto. Pero gusto ko din yung malaki mong tyan eh..."

"Gi..."

"Hmmm?"

"Wala. I love you."

"Minho..."

"Hmmm?"

"Wala lang."

"Gi, walang I love you too?"

Humarap ako sa kanya at pumikit. Alam nya na ang ibig sabihin nun. Mabilis na humalik sya sa noo ko at parang totoong totoo ang halik.

"Noo lang?"

He leaned closer. Pumikit ako at hinintay na dumampi ang mga labi nya sa akin.

"Ate Niroh! Gising ka na! Malelate na tayo!"

Nagmulat ako ng mata at nakita ko agad si Yena na may towel sa ulo. Bumangon ako at nagkusot ng mata. Gising na din si Nagyung at ginigising nya na ngayon si Chaewon Naligo na agad ako at kumain, nagbihis, nagsipilyo, nag ayos at nag hintay kay Nagyung na nag aayos ng kilay nya.

"Ate Niroh, tumawag po pala si Sir Jaejoong. Hinahanap yung records mo." Sabi ni Nagyung habang naglalakad kami sa lobby.

"Kaya nga eh. Kakausapin ko nga si Atty. Sungwoon. Nalimutan ata ni Atty. Moonbin na bigyan ako ng performance ratings."

"Sige ate, mamayang lunch nalang ulit." Dumiretso na silang dalawa sa second floor, kami naman ni Yena ay naghiwalay sa hallway ng third floor.

This day is just a normal day. But I don't feel normal at all. I feel lighter, siguro ay dahil unti unti nang naaayos ang relasyon ko kay Minho at sa mga pinsan ko. Mas nasa kundisyon ako ngayon at hindi ako masyadong balisa.

"1 over 10? Lahat?" Nanlaki ang mga mata ni Nagyung nang makita nya ang tatlong record ng performance ko na nirelease ni Atty. Moonbin kanina.

"Ganun na nga..." Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Grabe naman yun. Napakataas naman ng standard nya. Ako ngang bobo nakafour eh." Umismid si Chaewon at ibinalik sa folder ang mga papel ng records ko.

Kumain na kami at nag usap tungkol kay Moonbin at sa pagiging perfectionist nya.

Mula high school hanggang college, lagi silang naglalaban ni Seungmin sa pagiging rank 1. Pero most of the time ay si Seungmin ang nakakakuha ng pinakamataas na rank.

Perfectionist na si Moonbin mula pa noon at matindi ang paniniwala nya na si Ryujin ang babaeng bagay sa kanya dahil perpekto daw ito--- matalino, maganda, mabait at sporty.

"Gwapo nga, perfectionist naman." Umirap si Yena at tinusok tusok ang karne sa food tray nya.

"Shhh, baka marinig ka."

"Dedma ako girl!"

"Baka zero na ibigay nan sayo sa susunod."

"Di naman sya nag iisa sa final evaluation natin. Nandun din sila Atty Han! Mas importante ang grades na bigay ng acting CEO noh!"

Si Moonbin, scholar din sya noong college katulad ni Minho. He's smart actually, nakikipag kumpetensya sya kay Seungmin na sobrang effortless sa pagiging rank 1.

"Pabalik naman..." Inabot ni Yena ang food tray nya kay Chaewon kaya inabot ko nadin ang akin.

Tinulungan ko naman si Nagyung sa pag aayos ng table at chairs na ginamit namin.

"Ate, tissue oh."

"Salamat."

"Sammy, pasuyo naman ng potable na water."

"Lee Niroh!" Napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang malakas na boses ni Changbin.

Lumingon ako at nakita kong kasama nya si Kuya Woojin, Minho at Hyunjin na mukang dinadaig ang eye bags ko. Wala bang trabaho ang mga ito at napapadalas silang magkakasama?

"Oh, kayo pala..."

Pinunasan ko ng wet wipes ang mga kamay ko bago lumapit sa kanila.

"Yayayain ka sana naming sumabay ng lunch eh... kaso mukang nakakain ka na."

Humawak si Minho sa braso ko at hinigit ako palapit sa kanya. Nakaramdam ako ng pagkailang. Sanay naman ako noon na mangunyapit kay Minho sa harap ng mga kaibigan namin, pero syempre halos tatlong taon kaming di nagkita kita kaya nailang ako bigla.

"Mabaho ako..." Bulong ko sa kanya at medyo lumayo.

"Paamoy daw."

Tumawa lang sya at pumitik sa noo ko kasabay ng mabilis na halik. Humarap nalang ako kina Kuya Woojin at Hyunjin.

"Hindi ko alam kung anong meron sa building na to na wala sa building ng mga engineers." Natatawang sabi ni Kuya Woojin na ang pinapatungkulan ay si Minho at Hyunjin na pareho nang engineer.

Lumakad na sila papasok sa cafeteria at binati agad sila ng mga employees at mga interns.

"Mag aano pa ko dito? May inuutos pa sakin si Atty. Sungwoon. Babalik na ko sa taas, magbabiometrics pa ko." Ungot ko kay Minho dahil isinama nya pa ako sa table nila.

Sinesenyasan na ako nila Yena dahil limang minuto nalang bago mag ala una.

"Sa office nalang ni Jisung, we'll be there." Pagkasabi nun ni Kuya Woojin ay lumakad na kami ni Minho papunta sa entrance ng cafeteria kung nasaan yung tatlo.

Nagbiometrics kami at sumakay ng elevator para bumalik sa mga pwesto namin. Tahimik lang yung tatlo, pero kitang kita ko sa muka ni Yena na nagpipigil lang sya ng kadaldalan nya.

"We'll go to Ji's office first..." Sabi nya habang nasa loob kami ng elevator. Wala namang ideya yung tatlo sa pinag uusapan namin.

"May inuutos pa sakin si Atty. Sungwoon eh."

"Nakausap ko na si Sungwoon. You're free this afternoon." Humawak lang si Minho sa kamay ko hanggang sa tumunog ang elevator.

"Sana all--- uy, second floor na pala." Humalakhak muna si Nagyung at Chaewon bago bumaba ng lift.

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon