70//
Lee Niroh'sI can see myself wandering around Minho's house. Madilim ang hallway ng west wing kung nasaan ang kwarto namin, pero maliwanag ang mga boses na naririnig ko mula sa kwarto.
"What the hell?" Sigaw ko nang maabutan ko si Ryujin na nakaupo sa ibabaw ng kama namin.
"Anong ginagawa mo dyan?!" Galit kong sigaw. May mga hawak syang tela at may mga damit si Minho na nasa ibabaw ng kama. May mga nakabalunbon na din na mga tela.
And what made her think that it's okay for her to make bundles for Minho?
"Can't you see? I'm arranging his bundles..." Tumayo sya mula sa kama, kasabay ang pag bukas ng pintuan ng bathroom kung saan lumabas si Minho.
"What the---" I can't complete my sentence. Hindi ako makapag isip ng tama. Nag focus lang ang paningin ko kay Minho na boxers lang ang suot. Wala syang tshirt at may towel lang na nakasampay sa braso nya.
"Oh, you're done na pala sa shower." She said at lumapit kay Minho.
"Babe, ikaw naman..."
This is just a dream. Wala akong dapat na ikagalit o ikatakot. Napapraning lang ako sa totoong buhay kaya ganito ang panaginip ko. You see, dreams and reality are two parallel worlds. There is nothing to be afraid of.
"Anyway Niroh... I'm really enjoying your husband's company. Thank you ha?" Nakangiting sabi ni Ryujin bago tuluyang pumasok sa bathroom.
"Why are you still here?" Masungit na tanong ni Minho habang nag tutuyo ng buhok nya gamit ang towel.
Unti unti syang lumapit sa akin at hindi ko mawari kung aatras ako o hahakbang palapit sa kanya.
Sa huli ay napaatras ako dahilan para mapahiga ako sa kama.
"Bat nakahawak ka sa paa ko? Kakaladkarin mo ba ako?"
"No..."
"Eh bakit--- uy! Uy! Letse! Nakng---"
Nagpipiglas pa ako dahil kinikiliti nya na ang paa ko. Sumisipa ako pero parang hindi sya natatamaan. "Naknampota! Uy--- yawa talaga. Alis!"
"Yan ang dapat sayo!" Humalakhak sya at tumalon sa kama para kilitiin din ang tyan ko.
Bumalikwas ako ng bangon at binatukan si Minho na nangingiliti sa akin. "Ano baaaaaa!"
"Ayaw mo gumising eh..." Ngumuso sya, ay hindi, nangunguna nguna talaga ang nguso nya lagi. Umupo sya ng maayos at inayos ang laylayan ng tshirt ko na umangat dahil sa pag kiliti nya.
Sumandal ako sa headboard ng kama at nagkamot ng ulo kahit hindi naman makati. Kagigising ko lang pero parang pagod na pagod na ako. Si Minho kasi, kilitiin ba naman ako.
"Anong gusto mong kainin, Gi?" Tanong nya habang nag pupunas ng buhok nya gamit ang towel.
Kumunot ang noo ko at ngayon lang napansin ang itsura nya. Ganitong ganito ang itsura nya sa panaginip ko.
Walang pang itaas. Boxers na kulay mint green ang garter, kulay itim ang tela at may print nung mga pagong sa Ninja Turtles. Mahilig talaga sya sa boxers na may weird na prints, may boxers nga sya na customized eh, muka nya ang print.
"Gi... kung saan saan ka nakatingin. Sabi ko kung ano gusto mong kainin? Tatawag akong room service."
"Siraulo. Hindi ako nakatingin sa boxers mo..."
"Sabi ko nga hindi eh. Ano pala kakainin mo?"
"Kahit ano basta may kanin. Tsaka kape... ano palang oras na?"
"6:30 na Gi... 8 ka pupuntang school diba?"
Monday ngayon. This week ifa-finalize lahat ng kailangan for graduation. Mga bayarin, mga kulang na grades at lahat na ng kailangan. Next week ang graduation, Friday iyon at sa gymnasium ng Levanter College gaganapin.
"Saan ka muna habang nasa campus ako?" Tanong ko sa kanya habang nag dadrive sya papunta sa campus.
"Sasama nga kasi ako."
"Wag na kasi."
"Madami akong gagawin, madami akong pipilahan. Maiinip ka lang..."
"Lalalala--- ha? Wala akong naririnig..."
"Bahala ka dyang mainip at mainitan ha!"
Pumarada ang sasakyan sa soccer field ng Levanter College. Maliit na eskwelahan lang ito kung ikukumpara sa Yellow Wood University. Maliit lang naman kasi ang Uljin at dalawang kolehiyo lang ang meron dito--- Levanter College at MBC University na nasa magkabilang dulo.
"Ready'ng ready ah..." Natatawa kong sabi nang maglabas sya ng payong na pansalag ng init, dalawang mini fan, dalawang bottled water, tissue at extra shirts. Nilagay nya yung lahat sa isang tela at ibinuhol bago ipasok sa dala nyang backpack.
"Tara na, Gi."
Bumaba kami ng sasakyan at lumakad papunta sa admin building, malayo palang ay kita ko na sila Yena na nakaupo sa waiting area. Mukang sarado pa ata ang window 9.
"Wala si Chae?" Tanong ko kay Yena nang maupo kami ni Minho sa hanay nila.
"On the way palang daw ate, kasabay nung jowa..."
Wala pa namang alas otso, 7:49 palang at medyo maaga pa. Baka nga alas nuebe pa dumating ang cashier eh. Mag babayad lang kami nung graduation fee, dapat ay noon pa nila to pinabayaran pero mas pinauna samin ang internship fee kaya nalate ang bayad nito.
Nag kwentuhan lang kami nina Yena at nung iba pa, si Minho naman ay tahimik lang sa tabi ko habang nag dudutdot sa cellphone nya.
"Hoy, sino yang kanina mo pa katext?" Mahina pero masungit kong tanong.
Hinarap nya sakin ang cellphone nya at nakita kong si Kuya Chris pala ang katext nya. "May girlfriend na daw sya."
"Ha? Si Kuya Chris may girlfriend?"
"Bat gulat ka pa e matanda naman na sya..."
"Para kasing... ay basta, sino daw girlfriend nya?"
"Tsaka na daw ipapakilala eh. Sa Saturday daw, inom daw kila Bin."
"Sino naman kayang girlfriend nya eh wala naman syang ibang babaeng nakakasama? May iba bang nakakasamang babae yun?"
"Gi, malalaman din natin sa Saturday. Tsaka matanda na yun noh..."
"Sabagay. Excited na ko... pero paano ako? Nasa Seoul kayong lahat tas nasa Uljin ako?"
"Susunduin kita sa Thursday ng hapon, o kung gusto mo dito na ako hanggang Thursday para may kasama ka."
"Heh. Umuwi ka bukas, balikan mo ko sa Friday."
Pero sino nga ba ang girlfriend ni Kuya Chris?
--
Labag sa loob ko ang magiging girlfriend ni Bang Chan. Kaso kailangan eh HAHAHAHAHA Anyway, hindi pinag handaan at labas sa ilong na plot twist ahead LOL