28//

65 1 0
                                    

28//
Lee Niroh's

"Ate, okay na kayo nung Lee Minho na kinukwento mo? Parang napapadalas kayo ah..." Sabi ni Nagyung habang nakaupo kami sa lobby ng third floor. May meeting ang lahat ng empleyado kaya malaya kaming makapag kwentuhan kahit na office hours.

"Hmmm, ewan ko din eh."

"Sinundo ka nya kahapon diba? San kayo pumunta?"

"Gyung, ang chismosa mo." Binatukan pa sya ni Chaewon.

"Tse! Para namang di ka curious kung anong ginawa nila ate kahapon!"

"So ate, ano nga ginawa nyo nung sinundo ka nya?"

"Pumunta sa bahay, kumain, tapos hinatid nya na ako sa dorm."

"Yun lang?"

"Ha?"

"So okay na kayo? Parati ka nyang sinusundo eh..." Tumango tango pa si Yena at kung makangiti ay parang masayang masaya sya para sakin.

"Ewan ko nga, di nya naman sinabi. Ang sabi nya lang... gusto nya daw magsimula ulit."

"Oh edi yun na yun!" Nag apir pa si Yena at Chaewon na akala mo ay nanalo sila sa lotto.

"Lee Niroh, ipinapatawag ka ni Atty. Kim sa opisina nya." Tumigil kami sa pagtatawanan nang lapitan kami ng secretary ni Kuya Woojin.

Nagtinginan muna kami nila Nagyung bago ako tumayo. "Punta muna ako dun."

"Fifth floor. The biggest office on east wing."

"Okay po."

Tumalikod na ang sekretarya nya. Ako naman ay pinakalma muna ang sarili bago tumulak papunta sa elevator. Akala ko ba ay may meeting pa? Parang ang bilis naman atang matapos.

I just have to be professional in front of them. Madami na akong pinagdaanan. Kaya ko din sigurong harapin si Seungmin o si Kuya Woojin. At isa pa... hindi naman siguro nila ako sasaktan ng pisikal. Saktan man nila ako ng emosyonal, di ko din naman siguro ikakamatay.

"Come in."

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa opisina. Nanlaki ang mga mata ko nang maabutan ko doon si Seungmin, si Jisung at si Kuya Woojin na mga nakaupo sa couch. Nandito din si Minho!

For a brief moment, I wasn't able to move. Pero madali lang din akong nakabawi. I straightened my posture at hinarap sila.

"Sir, pinatawag nyo daw po---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla akong yakapin ni Kuya Woojin.

I started crying when I felt his arms around me. Ang tagal tagal kong pinangarap na mayakap ulit ang pamilya ko at hindi ako ako makapaniwala na nangyayari na ito ngayon.

"Kuya..." I sobbed harder.

Matapos ang tatlong taon, ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng yakap nya.

"Kuya, sorry..."

"Niroh, shhh. Kami dapat ang mag sorry sayo..." Kalmadong sabi ni Kuya Woojin habang hinahaplos ang buhok ko.

"Kuya, basta sorry talaga."

Naramdaman ko ang paglapit ni Seungmin. Humarap ako sa kanya at ang kasunod kong naramdaman ay ang yakap ng taong pinakang malapit sa akin.

Mas lumakas ang pag iyak ko dahil kay Seungmin. He's not just a cousin, para na kaming magkakambal, he's also my bestfriend and enemy.

"Seungmin..."

"Niroh please, I'm sorry..."

Mahigpit ang yakap ko kay Seungmin. I missed him a lot. Nung mga panahong nag aalala ako sa kalusugan ni mama, gustong gusto kong sabihin sa kanya at sya lang ang alam kong makakaintindi akin. But I was so scared that time kaya hindi ko manlang nasabi sa kanya.

Nung mga panahong nagkakalabuan na kami ni Minho, gusto kong magsumbong sa kanya noon.

"Niroh, I missed you a lot." I can hear their faint sobs. Lalo na ang pag iyak ni Jisung na umeecho sa kwarto.

Tinulungan ako ni Seungmin na makaupo sa tabi ni Minho. Hindi ko alam kung bakit nandito din sya, at wala din akong ideya sa mga nangyayari. Nanghihina parin ako dahil sa pag iyak. Nanlalabo ang mga mata ko pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

"You've grown. A lot." Sabi ni Kuya Woojin at ginulo ang buhok ko. I can see the moist in his eyes.

Yumuko lang ako at umiyak nanaman. Hindi ko mapigilan. The feeling was too overwhelming, it feels so good to make me cry in full bliss.

"Mag usap muna kayong tatlo... Kuya Minho, tara muna sa baba." Tumayo na si Jisung at ngumiti sa akin bago tumalikod.

"I'll see you in a bit." Sabi ni Minho at humalik muna sa noo ko bago tumalikod.

Hindi muna ako magsalita. Umupo si Seungmin sa tabi ko at yumakap nanaman.

"Niroh... we're really sorry. Wala kaming alam sa nangyari kay tita." He started.

"Last year lang namin nalaman nung... binisita ka nila Dr. Yang sa mansion."

"Pumunta sila sa mansion?"

"They thought you're staying with us, sila din ang nagsabi sa amin na lumayas ka sa bahay ni Minho."

"Pinahanap ka ng papa mo last year, Niroh. Ang kaso, nung nalaman na namin ang address mo sa Changwon, lumipat ka na daw. Si Minho ang nagsabi sa amin na nasa Uljin ka."

"Kuya... sorry talaga. Natakot ako na magsabi dati. Ayaw din ni mama na malaman ni papa yung tungkol sa sakit nya dahil may sakit din nun si lola... ayaw nyang magpatong patong ang isipin nyo."

"Shhh... I know, naiintidihan ka namin."

Umupo si Kuya Woojin sa mismong harapan ko at yumakap sakin. "We're really sorry, Niroh. Pinabayaan ka namin at hindi ka pinakinggan noon..."

"Kuya naman, kasalanan ko din yun dahil sinekreto ko sa inyo. Natakot lang talaga ako noon..."

We stayed silent for a couple of minutes. Bumukas ang pinto at magkasunod na pumasok si Jisung at si Minho.

In that moment, I felt the relief. Tatlong taon ko tong hinintay, at ngayon na nandito na... parang panaginip parin ang lahat. At kung panaginip man ito, ayoko na munang gumising.

Dito nalang ako.

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon