03//

61 1 0
                                    

03//
Lee Niroh's

"Miss Lee..." Panimula ni Sir Jaejoong habang magkaharap kami sa opisina nya.

"Mrs. Lee, sir." Pagtatama ko sa kanya.

Bumuntong hininga sya at inalis ang reading glasses nya. "Lee Niroh, napapansin ko ang madalas mong pagkabalisa sa klase..."

"Pasensya na po, sir. Hindi na po mauulit, madami lang po talagang iniisip."

"Niroh, hindi lang ako ang nakakapansin na lagi kang nakatulala sa klase. Halos lahat ng propesor mo ay napapansin na madalas kang tulala at balisa sa klase..."

"Pasensya na po talaga." Yumuko ako at nilaro ang mga daliri ko.

"Kung magpapatuloy kang ganyan... makakaapekto ito sa record mo. Hija, internship is just around the corner. Kung hanggang internship mo sa malalaking firm ay matutulala at mababalisa ka, I am telling you, hindi ka makakasabay sa graduation."

"Alam ko po yun, sir. Pasensya na po, hindi na po mauulit."

"Hija, may problema ka ba? May problema ba kayo ng... asawa mo?"

Kinagat ko ang labi ko at sinubukang pigilan ang luha ko. Pero huli na ang lahat dahil pinagtaksilan na ako ng mga luha at ng paghikbi ko.

"Hija, gusto kong marinig mag kwento mo..."

"Mas gagaan ang pakiramdam mo kung may mapagsasabihan ka nan. Nag aalala sayo ang mga kaklase at mga propesor mo... tutulungan ka namin pero sana, sabihin mo sa amin ang problema mo."

"Hindi ka namin matutulungan kung kikimkimin mo lang yan..."

Huminga muna ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Siguro, ito na ang tamang oras na may mapagsabihan ako ng mga nangyari. Nahihirapan na din akong sarilihin to. Halos tatlong taon ko na itong dinadala, wala akong mapagsabihan kaya mas nahihirapan akong magpakita ng emosyon.

Siguro minsan... okay din na maging fragile sa harap ng ibang tao.

"Sir..." Panimula ko.

"Third year college po ako sa Yellow Wood University nang mabuntis ako, nagpakasal po kami ng boyfriend ko through civil union nung ikatlong buwan po ng pagbubuntis ko. Fresh graduate po sya nun at nagsisimula palang sa career nya..."

Ngumiti ako habang inaalala si Minho. Hindi ako nagsisi na pinakasalan at nagpabuntis ako sa kanya. Wala akong pinagsisihan dahil mahal na mahal ko talaga sya.

At hanggang ngayon, hindi padin ako nagsisisi na minahal at minamahal ko si Minho.

"Tumigil po ako sa pag aaral dahil nagbubuntis po ako nun. Nung ika apat na buwan po, I had a miscarriage---" I wasn't able to finish my sentence.

Bumaha na agad ang luha ko dahil sa namatay naming anak.

Ang aming panganay na palagi naming pinagtatalunan kung lalaki o babae.

Ang aming panganay na matagal naming pinag isipan kung ano ang magiging pangalan.

"Anong ipapangalan natin sa baby natin? Naisip mo na?" Nakangiting tanong ni Minho. Nakasuot pa sya ng coat and tie at may dalang mga blueprints at malalaking rulers at protractors. Inihagis nya ang mga gamit nya at lumapit sa akin.

Humalik sya sa maumbok kong tyan at kinausap ang anak namin na nasa sinapupunan ko pa. "Baby, nandito na si papa! Gusto mo ba ng kakambal---"

"Ya! Lee Minho! Magbihis ka nga muna!"

"Maghuhubad din naman mamaya--- aray! Ito na, Gi! Magbibihis na po."

Pinunasan ko ang luha ko at bumuntong hininga. Tiningnan ko si Sir Jaejoong, seryoso lang syang nakatitig sa akin at nag aabang ng susunod kong sasabihin.

"My husband got so mad. Mahal na mahal nya ang anak namin kaya nagalit sya sa akin dahil sa nangyari. He's so cold to me at halos ayaw nya akong tingnan..."

I sobbed but I continued. Tatlong taon na ang nakakalipas. I am so sure that I can narrate this story without fainting. Iiyak ako pero hindi naman siguro ako mamamatay pag ikinuwento ko ito diba?

"Ever since our child died in my womb, nag iba na ang pakikitungo sakin ng asawa ko. He works for 20 hours and he became so successful in his field. Nakita ko kung paano sya nagtagumpay. I saw how he fulfilled his dreams alone. Nakalimutan nyang may asawa sya... kinalimutan nya ako."

I stopped for a brief moment at minasahe ang sentido ko.

"Lee Niroh, may I ask? Nasaan ang mga magulang mo? Alam ba nila ang nangyayari sayo ngayon?"

"My mom died less than month after I lost my child... wala na po akong pamilya, sir. Itinakwil po kami ni mama pamilya ng step father ko dahil inakala nilang nagkaroon ng kabit si mama. But they're wrong... my mom is terribly ill, how can she even commit infidelity?"

"Namatay si mama nang hindi nila nalalaman... pinagbintangan nila ang mama ko na ginagastos sa kabit ang pera nila. They didn't know that my mom is paying for her hospital bills and chemotherapies..."

"Ipinalibing ko po si mama sa Mogpo at wala pa akong pinag sabihan ng tungkol sa sakit ni mama..."

Ako si Kim Niroh--- anak ni Shin Ryuseok, ang alkalde ng Seoul City. Anak din ako ni Kim Junho, may ari ng isang malagong law firm.

I used to be a brat, rich girl. Pero nasaan ako ngayon? Nawala na sa akin ang lahat--- ang mga magulang ko, ang mga kaibigan at mga pinsan ko, ang asawa ko, at ang panganay kong anak. Wala na sila sa akin.

"Sir, pasensya na po kung madalas akong tulala sa klase. Hindi na po mauulit..."

---

Flashbacks ahead. Anyway, this is a total fluff so don't worry. Don't expect heavy drama just because of the major plot twists. I can't commit myself to writing heavy dramas so I can assure you that this is a complete fluff (and I ain't skilled enough to try angst story line.)

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon