59//
Lee Niroh'sNakataas pa ang paa ni Ali sa ibabaw ng glass table ng VIP section ng Placebo habang nilalagok ang beer na laman ng pint glass nya.
At totoo nga ang sinabi ni Jisung na muka silang magsasayaw ng Miroh ngayong gabi. At totoong naka Thrasher na green si Jeongin.
"Hoy! Panira ka!" Sigaw ni Hyunjin sa kadadating lang na si Changbin.
"Mga uto uto talaga kayo!" Humalakhak si Changbin at umupo sa tabi ni Minho.
Nakasuot sya ng hoodie jacket na kulay maroon. Akala ko Miroh ang tema nila ngayon, mukang bumalik sa Get Cool era ang isang to ah.
Alas otso palang. Wala pa si Ahna pero susunod daw sya maya maya. Wala pa din si Felix at Kuya Chris dahil nasa byahe pa sila mula Chuncheon. Papunta na din naman sila pero nagkaron ata ng pile up sa exit road ng Chuncheon kaya natraffic.
"Nini, halika muna sa labas, may pag uusapan tayo." Bulong ni Seungmin.
Tumayo sila ni Jisung at sumunod din naman agad ako sa kanila palabas ng Placebo. Akala ko ay sa mismong labas kami mag uusap pero dumiretso kami sa isang high end na coffee shop sa District 9.
"Awaken Cafe? Akala ko sa labas lang tayo ng Placebo?"
Umupo kami sa gilid, malapit glass panel na nag eenclose ng cafe. Wala namang masyadong customers. Tahimik din at may soft music mula sa speakers.
"We'll talk here, maingay dun."
Umorder muna si Jisung ng smoothies bago nila binuksan ang topic na pag uusapan. It was about the result of the investigation about Ryujin and Moonbin. Hindi ko alam kung bakit nila pinaimbestigahan yung dalawa, one thing is for sure, mukang importante ang usapang ito.
"Ji, why did you have her investigated all of a sudden? May problema ba kay Ryujin at Moonbin?"
"Niroh, I'll explain everything to you, pero please... sundin mo lang ang sasabihin namin. Wag kang makikinig kay Moonbin at lalong wag kang susunod sa kanya. Clear? And you have to promise us na sa amin ka maniniwa at makikinig, okay?"
"Okay, sure. Pero ipaliwanag mo ng maayos..."
Umayos ako ng upo. Si Seungmin ang nagpaliwanag sa akin ng lahat at nakinig lang ako, hindi ako nagsalita hangga't hindi pa sya tapos.
Sinubukan kong intindihin ang lahat ng sinabi nya. At sinubukan ko ding ilagay ang sarili ko sa sitwasyon.
"Niroh, the main reason why Moonbin is doing everything to fail you is to ensure that you'll end up being Kuya Minho's wife..."
"Didiretsuhin ko na. Nagtanan si Ryujin at Moonbin nine months ago dahil ayaw ni Mr. Shin kay Moonbin para sa kapatid mo. Nagpakasal sila sa huwes eight months ago..."
"Ryujin is pregnant, lima o anim na buwan na siguro. Pinabura na sya ni Mr. Shin sa family registry nila at nakatira sya ngayon kasama ni Moonbin."
"Here's the thing Niroh... Ryujin filed an annulment kahit na buntis sya. The reason is, gustong ipalaglag ni Moonbin ang bata dahil ayaw nya pa ng anak."
Tumikhim si Seungmin at mukang nag aalangan kung didiretso pa sya. Tiningnan ko lang sya at sinenyasan na magpatuloy.
"I don't get it, Seungmin." Bulong ko.
"Gustong ipaako ni Ryujin ang bata kay Kuya Minho. Speculation lang yan, but it really made sense dahil financially stable si Kuya Minho at gusto nya ng anak. Alam ni Ryujin so maybe she'll took advantage of the situation." Diretsong sabi nya.
"A-ano?"
"Hindi alam ni Ryujin na nasa Seoul ka. Alam na alam nya na gustong gusto ni Kuya Minho ng anak... at yun ang plano nya. Ipapaako nya kay Kuya Minho ang anak nila ni Moonbin."
"Walang ibang susuporta kay Ryujin. Nilayasan nya si Moonbin... itinakwil din sya. At si Kuya Minho, he's capable at gusto nya ng anak. Sinisiguro nya na magiging maayos ang bata. One of these days ay pupunta si Ryujin sa bahay ng asawa mo."
"Gusto ni Moonbin na bumagsak ka para matali ka na kay Kuya Minho at bumalik sa kanya si Ryujin... because he's afraid that Kuya Minho might have Ryujin and the kid."
I sighed. Hindi ko na naiintindihan ang mga nanyayari. Sobrang kumplikado ng lahat. Pinilit kong intindihin lahat, pero ang hirap talaga.
Bakit gustong ipaako ni Ryujin kay Minho ang anak nila ni Moonbin?
Bakit dinadamay nila kami ni Minho sa problema nilang mag asawa?
Bakit ginugulo nanaman nila ang buhay ko.
Tangina. Kung kailan nagiging maayos na ang lahat at bumabalik na sa dati ang mga bagay bagay, mukang magugulo nanaman.
"Ang tahimik mo, inaantok ka na?" Tanong ni Minho habang nakaupo kami sa isang couch ng VIP section.
Magmula ata nang makabalik kami nila Seungmin at Jisung mula sa Awaken Cafe ay nakatulala na ako.
"Hindi naman. Tahimik ba ako?"
"Oo kaya, kanina ka pa tulala. Anong iniisip mo?"
"Wala naman."
"Nandun ang mga kaibigan mo, gusto mo silang puntahan?"
"Hindi na siguro."
"Kanina ka pa kasi nakatitig sa kanila..."
"Talaga?"
Hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa table kung nasaan masayang nagtatawanan sila Nagyung. Masyadong lumipad ang utak ko kakaisip kay Moonbin, Ryujin at kay Minho at sa mga posibleng mangyari saming lahat.
Natatakot ako. Naduduwag ako.
Tumayo si Minho at hinabol ko sya ng tingin. Nag stretching pa sya at bumawas mula sa juice ko.
"Pasaan ka?" Tanong ko.
"Tara na."
"Saan?"
Yumuko sya at inilapit ang labi nya sa may tainga ko. "May alam kong masarap na kainan ng Bingsu."
Nagpaalam na kami kila Kuya Woojin na aalis na kami kahit na alas diyes palang. Inasar pa kami ni Changbin at Ahna bago nila kami tuluyang paalisin.
"Hinay hinay kayo..." Pahabol na sigaw ni Hyunjin bago kami humalo sa ibang customers ng Placebo.
Pahirapan kaming makalabas ng Placebo, masikip kasi dahil puno ang bar ngayon. Friday kasi kaya madaming customers.
"Your friends are... I don't know, hyper?" Bulong ni Minho nang madatnan namin na sobrang gulonng table nila Nagyung.
"Bata pa sila. Ganyan din naman kayo noon ah... mas malala pa nga kayo eh. Naghuhubo pa nga dati si Hyunjin pag lasing na lasing na. Ikaw din, lagi kang may kaaway tas may kausap ka lagi na babae. Nakikipag basaan ka nga ng alak sa Matryoshka noon eh."
"Isa lang sinabi ko, ang dami mo na agad."